Ni: D. BELLOSILLO
MGA isang taon na ang nakakalipas nang naging laman ng pahayagan ang sunod-sunod na lindol sa ilang bahagi ng kapuluan ng ating bansa. Dagdag sa mga warning advices ng mga ahensyang nagbabantay sa mga ganitong sakuna sa pangunguna ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) ay pinaghahanda ang mga mamamayan sa tinatawag na ‘The Big One.’ Hindi biro ani PHIVOLCS ang balewalain ang darating na malaking lindol na maaaring sumira sa malaki at malawak na bahagi ng Pilipinas, kabilang na ang Maynila at karatig pook nito.
Nitong taon lang tinamaan ang Surigao del Norte ay tinamaan ng isang 6.7 magnitude na lindol. Ayon sa PHIVOLCS, kung ito ay tatama sa maraming tao at mga gusali, siguradong malaki ang iiwanang pinsala nito. Dagdag pa ng PHIVOLCS na higit na katakutan ang pagdating ng tinatayang 7.2 Magnitude lindol na maaaring magmumula sa tinatawag na ‘West Valley Fault,’ na ayon sa mga eksperto ay kinakikitaan na ng kakaibang paggalaw.
Kung babalikan ang pahayag ng isang director ng PHIVOLCS na si Mr. Renato Solidum, ayon sa kaniya, kada 400 taon ay may nangyayaring paggalaw sa West Valley Fault. Gumalaw ito ng 4 na beses sa huling 1,400 taon. Ito ang kanilang basehan sa pagdating ng “The Big One.” Ayon sa tala ng PHIVOLCS, huling gumalaw ang tectonic plate ng fault noong 1658—357 taon na ang nakalilipas. Ibig sabihin, nalalapit nanaman ang muling paggalaw nito.
Gaano ba kahanda ang mga Pilipino para sa The Big One?
Patuloy ang mga pagsasaliksik ng ating ahensiya sa pangunguna ng PHIVOLCS katuwang ang ilang eksperto galing sa ibang bansa tulad ng Japan International Cooperation Agency (JICA). May pag-aaral na ginawa tulad ng Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study at ang magkakatuwang na pagsasaliksik ng scientific agencies tulad ng nasimulang Greater Metro Manila Risk Assessment Project Risk Analysis Project (GMMA-RAP). Salamat sa mga pag-aaral na ito, nakagawa ng mapa ang mga ahensiya ng maaaring tatahakin o direksyon ng lindol kasama na ang projection ng laki ng pinsala nito kung sakaling mangyari ito.
Para sa kabatiran ng lahat, babanggitin natin ang maaaring maging ‘path of destruction’ ng The Big One base na rin sa fault na tinatahak nito.
Maaaring malaking pinsala ang dala nito sa mga sumusunod na lugar:
- Quezon City
- Marikina City
- Makati City
- Pasig City
- Taguig City
- Muntinlupa City
- Bulacan Province, (Doña Remedios Trinidad, Norzgaray, San Jose Del Monte City)
- Rizal Province (Rodriguez)
- Laguna Province (San Pedro City, Biñan, Sta Rosa, Cabuyao, Calamba)
- Cavite Province (Carmona, General Mariano Alvarez, Silang)
Senyales ng paggalaw ng West Valley Fault
Paano ninyo malalaman kung ang West Valley Fault na ang gumagalaw? Ayon kay Director Solidum, malalaman sa pag-analisa ng galaw ng lupa.
“Up and Down motion, followed by horizontal ground motion ang mararamdaman ng malapit sa epicenter ng lindol. Sa mga karatig lugar subalit malayo sa epicenter, horizontal ground motion lamang ang mararamdaman.” Dagdag pa ni Solidum.
Sa paggalaw ng West Valley Fault, ang buong Metro Manila ay makararanas ng pagyanig at matinding paggalaw ng paligid. Kabilang dito ang mga lungsod ng Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Mandaluyong, Quezon City, Manila, San Juan, Muntinlupa, Valenzuela at Navotas. Malakas ang magiging pagyanig sa parte ng Marikina, mga bayan ng Cainta, kalahati ng Taytay, Pateros, at Taguig.
Sa mga nakatira sa mga probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna—ay maaari ring maramdaman ang up and down motion ng lupa bago pa man ang sideways motion nito.
Importanteng malaman ng mga tao na ayon sa huling pag-aaral, ang mga residential buildings o mga ordinaryong bahay ang magkakaroon ng malaking pinsala sa The Big One. Ito ang ibang detalye ng huling pagsasaliksik.
- Residential buildings– 339, 800 (25.6%) partly damaged; 168,300 (12.7%) heavily damaged
- Mid-rise buildings (10-30 stories)– 27% partly damaged, 11% heavily damaged
- High-rise buildings (30-60 stories)– 2% heavily damaged, 12% partly damaged
- Public-purpose buildings– 8-10% heavily damaged, 20-25% partly damaged
Mahalaga na tamang materyales ang gamitin sa pagpapatibay ng inyong tahanan. Sa kasamaang palad, marami sa mga lumang gusali ang substandard ang materyales na ginamit sa pagpapatayo ng kanilang property at ito ay dapat pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan.
Ngayong alam niyo na ang maaaring mangyari sa Maynila kung sakaling dumating ang The Big One, mahalaga ang maging handa. Unang- una na ang paghahandang gagawin sa inyong tahanan. “Safety must start from homes. A family should discuss and have a plan as to what they should do in case of an earthquake,” paalala pa ng Phivolcs.
Tandaan lang nang maigi ang mga sumusunod.
- Know the earthquake hazards in the area
- Be conscious of the structural integrity of the house
- Set up furniture and appliances in a way that they will not topple when there is a strong ground shaking
- Prepare emergency bag/kit for each member of the family
Higit sa lahat, huwag kalimutang manalangin sa Poong Maykapal para sa kaligtasan ng nakakarami.
Sa paggalaw ng West Valley Fault, ang buong Metro Manila ay makararanas ng pagyanig at matinding paggalaw ng paligid. Kabilang dito ang Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Mandaluyong, Quezon City, Manila, San Juan, Muntinlupa, Valenzuela at Navotas. Malakas ang magiging pagyanig sa parte ng Marikina, Cainta, kalahati ng Taytay, Pateros, at Taguig.
Ano mang oras ay maaaring mangyari sa Maynila ang sakuna kung sakaling dumating ang The Big One, mahalaga ang maging handa. Unang una na ang paghahandang gagawin sa inyong tahanan. Ika nga ng mga eksperto, sa tahanan dapat magsimula ang paghahanda ng magagamit sa oras ng pangangailangan.
Sa paggalaw ng West Valley Fault, ang buong Metro Manila ay makararanas ng pagyanig at matinding paggalaw ng paligid. Kabilang dito ang Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Mandaluyong, Quezon City, Manila, San Juan, Muntinlupa, Valenzuela at Navotas. Malakas ang magiging pagyanig sa parte ng Marikina, Cainta, kalahati ng Taytay, Pateros, at Taguig.
Sa paggalaw ng West Valley Fault, ang buong Metro Manila ay makararanas ng pagyanig at matinding paggalaw ng paligid. Mahalaga ang maging handa. Unang una na ang paghahandang gagawin sa inyong tahanan. Alamin ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa panahong tumama ang isang malaking trahedya tulad ng isang lindol
Ano mang oras ay maaaring mangyari sa Maynila ang sakuna kung sakaling dumating ang The Big One, mahalaga ang maging handa Kabilang dito ang Caloocan, Paranaque, Las Pinas, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Mandaluyong, Quezon City, Manila, San Juan, Muntinlupa, Valenzuela at Navotas. Malakas ang magiging pagyanig sa parte ng Marikina, Cainta, kalahati ng Taytay, Pateros, at Taguig.