Ni: Ana Paula A. Canua
HINDI lahat ng ating kinakain ay purong organic o galing sa bukid, ang iba ay binago ng
siyensya at teknolohiya at ang tawag dito ay Genetically Modified Foods o GMOs.
Karaniwan ay hindi natin namamalayan kung genetically modified nga ba ang ating kinakain, dahil unang-una hindi pangkaraniwan ang makakita ng label na nagsasabing GMO ang isang produkto.
Ang proseso ng GMO ay matagal nang ginagawa, dahil sa tumataas na pangangailangan sa pagkain at sa mabilisnating konsumo, kinailangan ng siyensya na makagawa ng paraan upang masuplayan ang pagkain na ating kailangan.
Idagdag pa ang pabagobagong klima na nakakaapekto sa pagbunga ng halaman na nakakasira at
nakakabawas sa kalidad ng inaani.
Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung nagdudulot ng masamang epekto sa atin ang patuloy na pagkain ng GMOs, gayunpaman kasabay ng patuloy natin na pagkonsumo nito patuloy rin ang pag-aaral kung ito ba ay nagbubunga ng peligro sa ating kalusugan.
ANO ANG GMOs?
Ang Genetically Modified Organisms (GMOs) ay living organisms na kung saan ay ang genetic material ay artipisyal na binago sa laboratoryo sa pamamagitan ng genetic engineering. Ito ay gumagawa ng kombinasyon ng halaman, bacteria at virus genes upang makayanan nitong malabanan ang peste, maari rin ito magresulta sa mas malalaking bunga.
PROS NG GENETICALLY MODIFIED NA PAGKAIN
Bukod sa naunang paliwanag, narito ang mga dahilan kung bakit patuloy ang pag modify sa ating mga kinakain.
Ang genetically modified plant ay may ‘resistance’ sa insekto, hindi ibig sabihin nito na hindi ito
napepeste ngunit dahil sa genetically modified ang DNA ng mismong halaman hindi ito pangkaraniwan
na kinakain ng mga insekto.
Kumpara sa organic na halaman ito rin ay may kakayahan na manatiling buhay sa mas mahabang panahon sa lamig, init o kahit sa labis na ulan at araw. Mas malaki at mas marami rin ang bunga nito kumpara sa organic.
Bukod dito ang GMOs ay mas matitingkad na kulay, mas matagal din ito bago mabulok, at pangkaraniwan na kakaunti o walang buto. Ito ang paliwanag kung bakit may seedless na ubas at pakwan at iba pang prutas.
Karaniwan ang GM na pagkain ay mayroong mas mataas na protein, calcium at folate. Dahil sa mas mahaba ang buhay nito kumpara sa organic, karaniwan na ang GMOs ay yaong inaangkat at
nagmula pa sa malalayong bansa.
CONS NG PAGKAIN NG GMOs
Gayunpaman marami siguro parin sa atin ang nangangamba sa peligrong hatid ng hindi pagkain ng
natural. Ngunit tandaan na ang proseso ng genetic engineering sa GMOs ay lubos na pinagaralan at sinigurado na walang ‘immediate health concern’ sa mga makakakain nito.
Ngunit dahil walang katiyakan sa mundo ng teknolohiya, tuluytuloy pa rin ang pagsasaliksik kung mayroong nga ba itong epekto sa matagal na panahon.
ALLERGIES
Ang food allergies ay lumalalang problema sa ibang bansa gaya ng United States. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), “food allergies in children under 18 years of age have increased; from 3.4 percent between 1997 and 1999 to 5.1 percent between 2009 and 2011”
Pinaniniwalaan na dahil ito sa lumalawak na GMOs sa merkado, ngunit hanggang ngayon kahit ang siyensya ay hindi ito matiyak ng buong buo.
“Some people believe that spike is linked to GM foods. But there’s no evidence that GM foods in general are more likely to trigger allergic reactions than non-GM foods”, ayon sa pag-aaral ng Harvard University.
Samantala taong 1990s, pinag-aralan ang isang strain ng GM soybean na dumaan sa proseso ng pagsasalin ng protina galing sa Brazil nuts. Ayon sa tala ng New England Journal of Medicine, “the soybeans triggered allergic reactions in people with Brazil nut allergy. Those soybeans never entered the market and aren’t sold to consumers”.
Ibig sabihin kung nahaluan ng sangkap mula sa isang halaman na allergic ang isang tao, ito ang
maaring magdulot ng allergy sa kanya.
Kasunod ng pangyayari, ang Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) at World Health Organization (WHO) ay nagtatag ng alituntunin sa GM foods. “They require GM foods to be tested for their ability to cause allergic reactions,” giit ng MAYO clinic isang ahensya sa food control, “none of the GM foods that are currently on the market have been found to have allergenic effects”.
ANTIBIOTIC RESISTANCE
Ang isang Antibiotic-resistant bacteria ay hindi mada-ling mapuksa ng antibiotics, pinangangambahan na ang GMOs ay mayroong Antibiotic resistance component na maaring masalin sa taong kumakain nito.
Kasama sa proseso ng pagmodify ng binhi ang paggamit ng antibiotic-resistant genes. Ito ay upang masigurado na matagal na mabubuhay ang halaman at malabanan ang anumang maaring sumirang bacteria dito. Huwag mag-aalala dahil hanggang ngayon walang tiyak na pag-aaral na nagkukumpira dito kaya patuloy ang isinasagawang pananaliksik kung ito ba ay may katotohanan.
CANCER
Taong 2013, inilabas ng Food and Chemical Toxicology isang pag-aaral kung saan nagdulot ng cancer at
maagang pagkamatay sa la-boratory rats ang genetically modified na mais. Ngunit matapos ilabas at umani ng kontrobersya, binawi ng researchers ang kanilang resulta at sinabing ‘prone’ sa cancer ang labrats na nabanggit sa pag-aaral.
Dahil dito ayon sa American Cancer Society, kinakaila-ngan ng mas maraming pag-aaral pa upang malaman kung mayroon nga bang epekto sa ating kalusugan ang labis at ‘long-term’ na pagkain ng GM foods.
PAANO MO MALALAMAN NA IKAW AY KUMAKAIN NG GMOs?
Sa bansang Europa nagtakda ng polisiya na kaila-ngang magkaroon ng label kung GMO ba ang isang pagkain.
Upang malaman kung GMOs ang inyong nabili, maaring tingnan kung mayroong tatak na USDA certified organic, ibig sabihin nito ito ay purong organic.
Malalaman din kung GMO ito dahil sa mas malaki ito kumpara sa karaniwan, at mas matingkad ang
kulay, seedless at kakaunti rin ang buto ng mga prutas na genetically modified.