Ni: San Antonio, Jomar M.
ISANG gold Laurel leaf mula sa korona ni Napoleon Bonaparte na isinuot niya noong kanyang koronasyon ang naibenta sa isang auction sa Paris sa halagang €625,000 o $735,000.
Lubhang lumagpas ang mga bids na inaasahan lamang na aabot sa 100,000 hanggang 150,000 euros ayon sa Osenat Auction house.
Ang gold leaf ay isa sa tinanggal na anim na laurel leaves mula sa korona noong 1804 dahil sa kabigatan nitong isuot kung kaya naman ipinamana na lamang ito ni Martin Guillaume Biennais na siyang gumawa ng korona sa kanyang mga anak hanggang sa pamilya niya ngayon.
Maliban sa gold leaf ay ilan pang pag-aari ng pamilya ni Bonaparte ang isinubasta.