KUNG ikaw ay isa sa mga user, na ayaw magdala ng laptop saanman magpunta pero nakatatanggap ng mga trabaho anumang oras at kailangan lamang tapusin sa limitadong time frame, narito ang solusyon sa iyong problema.
Ngayo’y maaari mo nang gamitin ang iyong smartphone sa lahat ng iyong trabaho — na parang gumagamit na rin ng isang laptop. Gawin ang iyong smartphone user interface (UI) tungo sa isang desktop version at kapag tapos na ang iyong mga trabaho, ibalik na lamang ang mga ito sa orihinal na porma.
Pero paano?
Ang tanging kailangan mo lamang ay isang app.
Ang Andromium OS ay isang launcher application, na nagsimula lamang bilang bahagi ng Kickstarter project na may layuning madagdagan ang productivity ng Android smartphones.
Narito ang mga paraan kung paano mo gagamitin ang app na ito sa iyong Android smartphone.
Step 1. I-install ang beta version — Una sa lahat, kailangan mong i-download ang beta version ng Andromium OS app. Makikita ito sa Google Play Store. Libre ito at maaari ring magamit sa Chromecast.
Step 2. I-restart ang iyong mobile — Sa sandaling ma-install ang app, i-restart ang iyong smartphone.
Step 3. I-allow ang desktop notifications — Iklik ang application icon. Tatanungin nito ang permiso mo para sa desktop notification samantalang ang application ay ‘on the go.’
Step 4. Click to launch — Kailangan mong i-launch nang manually ang application sa pamamagitan ng pagda-drop down sa menu at iklik ito.
Step 5. I-attach ang Bluetooth keyboard at USB mouse — Sa sandaling ma-transform ang UI, i-attach lamang ang Bluetooth-enabled keyboard at USB mouse gamit ang on-the-go (OTG) cable.
Step 6. Paano maibabalik ang mobile UI — Upang maibalik ang iyong smartphone sa original form nito, iklik lamang ang Andromium menu sa ibabang kaliwang bahagi at i-select ang Log Off.
Nais pa ang dagdag-kaalaman tungkol sa artikulong ito? Magtungo lamang at magbasa sa http://www.gizbot.com.