• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - April 21, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Government Service Insurance System (GSIS)

Isang valid ID na lang

August 20, 2018 by Pinas News

Ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Identification System (PhilSys) Act sa isang seremonya sa Palasyo ng Malacañang.

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

Aminado ang marami sa ating mga Pinoy na hassle ang isang transaksyon kapag ito ay nangangailangan ng maraming valid IDs. Lalo na’t ang pagkuha ng mga government issued IDs ay talagang kailangang paglaanan ng panahon at pera.

Kaya minabuti ng pamahalaan na bawasan ang abala sa pagkuha at paggamit ng ID ng pamahalaan. Pinirmahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang Philippine Identification System Act, na nagtatakda ng isang klase ng identification card na magagamit para sa lahat ng transaksiyon sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Senador Panfilo Lacson, may-akda at sponsor ng Philippine Identification System Act.

Ayon sa batas na akda ni Senador Panfilo Lacson, itatatag ang Philippine ID System o PhilSys, isang centralized database ng mahalagang impormasyon ng lahat ng mamamayan at dayuhang naninirahan sa Pilipinas na lalabas sa identification card na ipapamahagi sa mga magrerehistro ng walang bayad.

Tataglayin ng National ID ang pangalan, kasarian, araw at lugar ng kapanganakan, at blood type. May biometrics information tulad ng mukha, finger prints, at iris scan. Bawat ID holder din ay magkakaroon ng permanenteng ID number o Common Reference Number na panghabangbuhay.

Samantala magiging optional naman ang paglalagay ng marital status at contact information tulad ng cellphone number, at email address.

Hindi na din kakailanganin pang kumuha ng mga government-issued IDs tulad ng Social Security System (SSS) and Government Service Insurance System (GSIS); Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth); Tax Identification Number (TIN); at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) sapagka’t taglay na ng National ID ang lahat ng impormasyong kailangan para sa pakikipagtransaksyon sa mga naturang ahensya.

Kaya naman kumpiyansa ang pamahalaan na malaking ginhawa ang hatid ng PhilSys sa mga mamamayan.

“For the ordinary Juan dela Cruz, the signing of this Act means that he will no longer have to present multiple identification cards simply to prove his identity,” pahayag ni presidential spokesman Harry Roque.

Aniya, ang pagkakaroon ng National ID ay bahagi ng kampanya ng Administrasyong Duterte kontra sa katiwalian.

“Through PhilSys, we hope to improve efficiency and transparency of public services and promote ease of doing business,” sabi ni Roque.

Naglaan na ang pamahalaan ng PHP2 bilyon mula sa 2018 National Budget para sa inisyal na pagpapatupad ng programa, na pangungunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ilalim ng Philippine Identification System Act, isang ID na lang ang kakailanganin ng mga Pinoy para sa lahat ng transaksyon sa mga ahensiya at financial institutions ng gobyerno.

MALAKAS NA SUPORTA MULA SA MGA PINOY

“Extremely strong” na suporta ang natanggap ng PhilSys mula sa mga Pinoy base sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Lumabas sa survey, na isinagawa mahigit isang buwan bago pinirmahan ng pangulo ang batas, na 73 porsyento ng mga Pinoy ang sang-ayon sa pagkakaroon ng National ID, at tatlo sa limang Pinoy ang naniniwalang malaki ang maitutulong nito sa kanila.

Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) ay naniniwalang malaki ang maitutulong nito sa kapayapaan at seguridad sa buong bansa.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo, pahihirapan ng National ID system na makapaghasik ng lagim ang mga kriminal at terorista sa bansa.

“We believe it will promote a peaceful and secure environment where terrorists, criminals, and other unscrupulous individuals will have a difficulty coping to pursue their evil designs and nefarious activities,” wika ni Arevalo.

Aniya, hindi na makapagtatago at makapagpalit ng pagkakakilanlan ang mga masasamang loob kaya mapapadali na ang pagtukoy at pagdakip sa mga ito.

“With the new identification system, we will be able to check and validate their identities,” sabi ni Arevalo. “The former will remain in hiding and cannot avail of the mandated identification card lest they be exposed to arrest and prosecution. They will lose their freedom of movement. Their ability to transact business will be divested with no ID cards to present when demanded.”

Samantala, pinag-aaralan naman ng PNP ang pag-link ng data base nito sa PhilSys para mas mapahusay ang programa.

“With the PhilSys law now in effect, the PNP can look forward to migrating our own National Crime Information System and the National Police Clearance System to a national database for sharing with other government agencies to optimize the operational potential of the entire National ID system,” sabi ni Albayalde.

“All these government applications stand to benefit more than the quite limited law enforcement and internal security applications due to privacy and basic rights issues associated with gathering of personal information that need to be observed and upheld,” dagdag ng hepe ng pulisya.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bukod sa seguridad, malaking tulong din ang National ID sa mga relief efforts sa panahon ng sakuna.

“As a country prone to disasters, the system will allow improved distribution of aid to legitimate disaster victims. Matters such as this can now be better addressed because of the new law,” pahayag ni Lorenzana.

SEGURIDAD TINIYAK

Lumabas sa SWS survey na 61 porsyento ng mga respondents ang naniniwalang poprotektahan ng pamahalaan ang pribadong impormasyong taglay ng National ID, samantalang 49 porsyento ang nagtitiwala sa Duterte Administration na hindi nito gagamitin ang PhilSys laban sa mga kritiko nito.

Nguni’t sa kabila ng mainit na pagsuporta ng nakararami, may pangamba pa rin ang ilan pagdating sa privacy at data security, lalo na’t nagkaroon ng mga isyu noon ang gobyerno kung saan na-hack ang mga websites nito, kabilang ang sa Commission on Elections.

Nangangamba din ang mga data privacy experts sa ilang probisyon sa National ID system, tulad ng pagkakaroon ng record history ng lahat ng transaksyon ng bawat ID holder na maari umanong gamitin sa mass surveillance.

Kaagad naman pinawi ni National Statistician and Civil Registrar General Lisa Grace Bersales ang mga pangambang ito sa pagsabing tanging korte at ang ID holder lamang ang makapapahintulot  na maibahagi ang mga pribadong impormasyon.

“It’s very explicit in the law that only under two situations information will be shared. Only if the citizen says yes or the court says yes,” wika ni Bersales.

Siniguro ni Senador Franklin Drilion na protektado ng Data Privacy Act ang pribadong impormasyon na tataglayin ng National ID. 

Sinigundahan ni Senador Franklin Drilon ang pahayag ni Bersales. Aniya, sinuguro ng Senado na protektado ang lahat ng pribadong impormasyon taglay ng PhilSys sa ilalim ng Data Privacy Act.

“We have provided enough safeguards to protect the individual’s right to privacy and to prevent unscrupulous persons from accessing confidential information,” wika ni Drilon.

Samantala, upang matugunan ang lahat ng isyu at pangamba sa data privacy at security, inatasan ni Pangulong Duterte ang PSA na makipagtulungan sa National Privacy Commission, Department of Information and Communications Technology, at PhilSystem Policy and Coordination Council.

Pambansa Slider Ticker AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo Armed Forces of the Philippines (AFP) Civil Registrar General Lisa Grace Bersales Commission on Elections Defense Secretary Delfin Lorenzana Government Service Insurance System (GSIS) Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) National ID Pangulong Duterte Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Philippine National Police (PNP) PSA Quincy Joel V. Cahilig Senador Franklin Drilon Social Security System (SSS) Social Weather Stations (SWS) Tax Identification Number (TIN)

GSIS, itataas ang overseas investments sa US$ 1.1-B

July 6, 2018 by Pinas News

Pinas News

DAGDAGAN ng Government Service Insurance System (GSIS) ang investments nito sa ibayong dagat sa US$1.1-B upang mapataas ang kita nito.

Inilahad ni GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas na nag-iinvest ang kumpanya ng nasa US$300-M sa Asia Infrastructure Fund (AIF), na nagpopondo ng mga proyektong pang-imprastraktura,  mula Disyembre 2017.

Ayon kay Aranas, ang investment ng GSIS sa AIF ay nakatulong upang maibsan ang epekto ng pagbaba ng assets ng kumpanya dahil sa bagbagsak ng local stock market.

“Our investments right now are in local securities, bonds, different areas. We have adopted the multi-asset strategy which is the global trend, which is you do not put your eggs locally all the time,”-Jesus Clint Aranas, GSIS President and General Manager

Naunang inanunsyo ng GSIS na mag-iinvest ito ng US$800-M sa Multi-Asset Global Strategy Program, at sa kasalukuyan ay naghahanap ito ng foreign fund managers para sa overseas investments.

“We have more than 40 applicants. The fund manager that we are looking should have proven track record, global presence and has experience of at least 10 years in the financial markets. But right now, we are still in the evaluation stage because we want to make sure this will not go to waste,” – Jesus Clint Aranas, GSIS President and General Manager

Negosyo Slider Ticker Asia Infrastructure Fund (AIF) Government Service Insurance System (GSIS) Manager Jesus Clint Aranas PINAS SMNI News US$300-M

Modernong jeepney, aarangkada na sa Maynila – DOTr

June 26, 2018 by Pinas News

Ni: Vick Aquino Tanes

Dahil sa pagpupursigi ng Department of Transportation (DOTr) na maipatupad ang PUV Modernization Program, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), unang mabibigyan ng safe na masasakyan ang mga emple-yado ng Senado sa pakikipagtulungan ng Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO).

Kasabay nito ang pagbibiyahe ng mga modernong jeepney para sa mga pasahero na patungong Star City, Philippine International Convention Center (PICC), Cultural Center of the Philippines (CCP), Mall of Asia (MOA), Senate, Government Service Insurance System (GSIS) at biyahe sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.

 APRUB SA SENADO

Una nang inaprubahan sa Senado ang plano ng DOTr na magbigay ng biyahe para sa mga empleyado ng Senado at para na rin sa mga magpupunta sa madadaanan ng ruta.

Aprub ito kina Senate President Vicente Sotto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Aquilino Pimentel Jr. at Sherwin Gatchalian, na nakiisa sa naganap na launching kamakailan kasama sina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Tim Orbos at LTRFB Chairman Martin Delgra III, at mga kawani ng SETSCO na makikiisa sa pagbibigay ng maayos at ligtas na masasak-yan ng empleyado ng senado.

Nabatid na nagkaisa ang mga samahan ng empleyado ng Senado para magkaroon ng maayos na masasakyan mula sa pag-aaral ng Office of the Transport Cooperative (OTC), na siyang nagrekomenda na maglaan ng modernong jeepney sa nasabing lugar.

Ang SETSCO ay nabigyan ng prangkisa para mamahala sa kapakanan ng mga emplayedo.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, nakikita rito na alam na ng mga transport leaders ang kainaman ng maayos na sistema.

”Kaya naman po talaga itong gawin. Nakasuporta po tayo sa mga kooperatiba basta’t kumpleto ang mga dokumento, may maayos na ruta at kaisa natin sa pagsusulong ng PUVMP. Sila rin naman po ang makikinabang dito sa bandang huli,” paliwanag ni Chairman Delgra.

 OK SA PWD AT SENIOR ANG MODERNONG JEEP

Malaki ang maitutulong ng modernong jeepney para sa mga nakatatanda at maging sa mga may kapansanan. Ito ay dahil sa ligtas, malinis at maaasikaso pa ang mga pasahero.

Paliwanag ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Tim Orbos, mahalaga na makita na ligtas ang mga pasaherong sasakay sa jeep. Hindi na uso ang bara-bara, dapat ay mapa-ngalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero, bata man o matanda.

 “Dapat po ang mga mo-dernong public transport, hindi lang ligtas at kumpor-table. Ito ay dapat para sa lahat. Pag sinabing lahat, kasama po rito ang mga senior citizens o nakatatanda, gayundin ang mga Persons-with-Disabilities (PWDs),” ayon pa kay Usec. Orbos.

TUGADE, NAGBABALA SA MGA PASAWAY NA TRANSPORT SECTOR

Nagbabala si Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga pasaway na transport groups na makiisa na lamang sa modernisasyon kundi ay mas mahigpit na patakaran ang mangyayari sa kanila.

 “We cannot delay nor deny the public of their right to convenient, affordable and roadworthy mass transport. Pinangako iyan ni Presidente Duterte kaya tungkulin ko na siguruhing iyong mga bulok na at hindi na dapat pang sakyan ay maialis na natin sa kalsada,” paliwanag ni Secretary Tugade.

Hindi umano natatakot si Tugade sa mga banta sa kanya bagkus ay isa umano itong hamon para sa kanya para mas mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.

“Magrally sila kung gusto nila. Sunugin nila ang effigy ko kung gusto nila. But I will insist on the PUV Moder-nization program. Hindi ko sinasagasaan ang mga driver at operator sa paghahanapbuhay nila. Ang pakiusap ko lang sa paghahanapbuhay nila, ‘wag ka namang bumawi ng buhay ng iba,” pagdidiin ni Tugade.

Kaugnay nito, sinabi ni  Tugade na marami pa at malaki ang kanyang plano para sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan, kabilang na rito ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR), Metro Railway Transit (MRT) at Light Railway Transit (LRT).

 100 BAGONG JEEP, NAKAPASADA NA

Una nang nakabiyahe sa bansa ang may 100 na jeepney na masasabing modernisado dahil sa patakaran na walang bulok na jeep ang papayagan pang makapasada.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, may 180,000 jeepneys nationwide ang papalitan ng mga bagong unit sa ilalim ng  public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Marami namang mga o-perators at transport sectors ang nakiisa at nakita ang prototype vehicles na naaayon sa DOTr specifications.

Nais kasi ng pamahalaan na palitan ang mga bulok na jeep na may edad 15 taon pataas ng mga environment-friendly jeepneys na may mga safety features.

Una rito, inamin ng LTFRB sa house hearing na kulang pa sila sa paghahanda sa gaga-wing modernization program sa mga passenger jeepney kayat ang ilang mambabatas ay tumawag ng pansin na ayusin munang mabuti ang pagpaplano hinggil sa jeepney phaseout bago ito tuluyang maipatupad.

Umaabot sa 600,000 jeep­ney drivers at operators naman ang maaapektuhan sa gagawing jeepney phase out ng pamahalaan pero diin ng DOTr, kailangang maipatupad ito.

Metro News Slider Ticker and Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Aquilino Pimentel Jr Cultural Center of the Philippines (CCP) Department of Transportation (DOTr) enate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO) enate Majority Leader Juan Miguel Zubiri Government Service Insurance System (GSIS) Light Railway Transit (LRT) Macapagal Boulevard Mall of Asia (MOA) Martin Delgra III Metro Railway Transit (MRT) Office of the Transport Cooperative (OTC) Pasay City Persons-with-Disabilities (PWDs) Philippine International Convention Center (PICC) Philippine National Railways (PNR) Senate President Vicente Sotto Sherwin Gatchalian SMNI News Tim Orbos UV Modernization Program Vick Aquino Tanes

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.