SMNI NEWS
MANANATILI pa rin sa koponan ng Golden State Warriors ang All Star Guard na si Klay Thompson.
Ito ay matapos ianunsyo ng manlalaro sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na nakapagdesisyon na ito na muling pumirma ng kontrata sa Warriors.
Kinumpirma rin ito ng kanyang agent na si Greg Lawrence.
Aniya, nakatakdang pumirma ng 5 taong kontrata si Thompson na nagkakahalaga ng $190 million kapag natapos na ang NBA free agent moratorium period.
Samantala, napapabalita rin ang pag-alis ni Jordan Bell ng Warriors para lumipat sa koponan ng Minnesota Timberwolves.
Isa si Bell sa dumagdag sa listahan nang mga aalis sa koponan kabilang sina Kevin Durant at Andre Iguodala.