Pinas News
MARAMI na ang nagsusulputang café shops sa Pilipinas. Hindi naman maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay mahilig sa kape. Kaya naman, marami ang nagnanais na magtayo o pumasok sa linya ng ganitong negosyo.
Pero paano nga ba magiging kakaiba o mas makakaakit ng customer gayong marami nang café shop sa bansa? Isa lamang ang sagot diyan.
Kailangan mo lamang pag isipang mabuti kung ano ang magiging trademark o unique style ng iyong cafe na hindi pa nakikita ng café lovers sa iba.
Pagiging Unique
Kagaya na lamang ng naitayong café shop ng magkakaibigang sila Celina Baraoidan, Michelle See, at Apple Alegro noong 2015. Ang Uke Box Café na pinag tulungan nilang buuin ang unique na konsepto. Dahil nga, sa naisip na ng magkakaibigan na marami nang café shops sa bansa, nag-isip sila ng konsepto na magugustuhan at papatok sa mga tao hindi lamang sa mga café lovers.
“We combine people who are into music and coffee together for us to come up with our own community. Little by little, we wanted people to know Uke Box Caffé because of the ambience and the music that we offer,” pahayag ng co-founder na si Apple Alegro.
Bagaman, hango sa instrumentong Ukulele ang pangalan ng kanilang Caffé hindi rin nawawala ang magagandang music sa background pagpasok mo pa lamang ng Cafe na nagpapadagdag sa “chill vibes” nito. Makikita mo na agad ang iba-ibang itsura ng mga ukulele.
Ang pagkakaron ng isang live jamming sessions, free ukulele workshops, unique menus, ukulele wall ang ilan sa mga binabalik-balikan o nagugustuhan ng kanilang mga customers.
Kung meron mang pagkaka halintulad ang café na ito sa iba, ito ang pagkakaroon nito ng bean bags na puwede mong higaan. Tumutugtug ka man ng ukulele o hindi. Kung pinoproblema mo naman kung sino ang magtuturo sa iyo kung pano mag-uku, dahil ni isa sa iyong mga kasama ay hindi marunong. Huwag mangamba dahil ang kanilang mga friendly staff ay ready ka na turuan sa abot ng kanilang makakaya.
Suporta sa mga local artists
Proud ang mga may-ari ng Caffé, sapagkat ang mga naka display sa ukulele wall ay locally made galing Guagua, Pampanga ng Luthiers. Isa ito sa pagpapakita nila ng suporta sa mga local artists na may taglay na talento sa ganitong klase ng larangan sa musika na hindi masyadong napag tutuunan ng pansin. Kaya naman masaya ang mga may-ari sapagkat sa ganitong paraan ay nagkakaroon sila ng pagkakaton na ipagmalaki ang pagiging creativity ng mga artists.
Nag-i-invite rin naman sila ng mga artist na kilala rin sa ganitong larangan ng musika gaya nila; Aya de Leon, Renee Dominique, Arya, and Reese Lansangan.
Pasok sa listahan
Hindi naging madali ang pagtatayo ng Uke Box Caffé pero makikitang pinag – isipan ng mabuti. Dahil ayon sa entrepreneur.com.ph, ang pagtatayo ng isang cafe shop ay hindi madali. Kailangang mong i-consider ang mga sumusunod: concept, location, pricing, unique menu offering, at relationship with the customers.
Kaya naman, pasok ang lahat ng mga nabanggit sa listahan website na ito. Isang malaking check, ika nga.
Kaya naman, huwag ka nang magpahuli sa talk of the town ngayon na cafe. Bukas ang Uke Box Caffé, Lunes hanggang Linggo simula 9 ng umaga na matatagpuan sa Manhattan Parkview Araneta Center,Quezon City.