TIKOM ang bibig ni Senator Bong Go kung ano ang magiging pananagutan ng hanay ng kapulisan matapos bigo nilang mahuli at makalabas ng bansa ang tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro.
Ayon sa mambabatas ang mahalaga aniya ay may inatasan na ang Pangulo para maibalik si Castro sa Pilipinas para papanagutin ito bilang nasa likod ng talamak na illegal drug recycling kasama ang ilang kapulisan o ninja cops.
Samantala, patuloy namang pinag-aaralan ngayon ng Pangulo ang mga reports mula sa iba’t ibang ahensya kaugnay sa nangyayaring drug illegal recycling kasama na ang mga pangalan ng mga ninja cops na nasa listahan at Transcript mula sa Senado at PDEA.
Kinumpirma naman ni Go na oras na matapos ang cross validation at consolidation ay ang Pangulo mismo ang magsasapubliko sa mga dawit na pulis sa anomalya.
Bukas naman aniya ang mambabatas sa suhestyon ng PDEA na sa halip na isapubliko ang mga pangalan ng mga ninja cops ay kasuhan na lamang ang mga ito.
MARGOT GONZALES