POL MONTIBON
TINALO ng lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan ang bansang United Kingdom sa titulong may pinakamaraming buhay na kalahok sa isang belen na animo’y ikaw ay nasa Bethlehem.
Mula sa 2,101 na bilang ng mga kalahok, nasungkit ng lungsod mula sa United Kingdom ang nasabing titulo na may 1,254 lang na kalahok.
Binuo ng buhay na Maria, Jose, Batang Hesus, may tatlong hari, mga pastol at buhay na tupa ang malaking Belen.
Habang nasa dalawang libo naman ang mga stewards na bumuo sa dalawang libo isandaan at isa na partisipante.
Itinuturing ng mag-asawang San Jose del Monte Mayor Art Robes at Rep. Florida “Rida” Robes, na isang malaking regalo ito ngayong Pasko para sa kanilang lungsod na patuloy na kinikilala ang pagkakaisa ng San Josenio sa mga larangang nagpapaangat sa turismo ng naturang lungsod.
Matatandaang, una nang naitala ang San Jose del Monte, Bulacan sa talaan ng Guinness Book of World Records bilang may pinakamaraming nasindihang parol.
Sa huli nagpaalala ang mag asawa sa mga kababayan nito partikular na sa pagpapahalaga sa pananampalataya ng mga Pilipino na patuloy na kilalanin ang magandang balita ng Diyos sa sangkatauhan.
Pinangunahan mismo ni Swapnil Mahesh Dangarikar, adjudicator ng Guinness Book of World Records ang seremonya.