Ni:JOMAR M.SAN ANTONIO
ISANG malaking tanong para sa mga nagkukulay ng buhok partikular na sa kababaihan kung maganda nga ba ito para sa kalusugan ng kanilang crowning glory. Isama na rin ang satis-faction para sa kanilang kabuang kumpyansa sa sarili. Alamin ang mga positibo at negatibong reaksyon tungkol sa isyung ito.
PROS
Simple lang ang sagot kung bakit nais ng mga nagkukulay ng buhok ang ganitong klase ng pagpapaganda. Una, nais
nilang magkaroon ng bagong outlook sa buhay na kapansin-pansin dahil sa bagong kulay ng kanilang buhok. Pangalawa,
nais nilang sumabay sa uso o trend sa panahon ngayon. Pangatlo, upang mas mapaganda pa ang kanilang mga sarili. Pang-apat at huli, upang maitago ang mga buhok lalo na sa matatanda.
CONS
Bagamat pagpapaganda ang pangunahing dahilan ng karamihan kaya sila nagpapakulay ng buhok, mayroon ding mga negatibong opinyon ukol dito.
Ilan dito ay ang komplikadong maintenance ng buhok na kinulayan kumpara sa orihinal na hitsura nito. Ikalawa, magreresulta ito sa pagkasira ng buhok dahil iba’t-ibang kemikal ang gagamitin upang mabago ang kulay ng buhok na nagreresulta sa pagnipis at pagkasira nito. Dahil maselan na ang buhok na kinulayan, mahirap ding sumubok ng iba’t-ibang klase ng hairstyles para dito. Huli, isang malaking commitment ang pag-aalaga nito dahil bumabalik ang dating kulay ng buhok.
Wala namang masama kung gusto mong paunlarin pa ang iyong sarili tulad ng pagkukulay ng sarili mong buhok. Sa salon man o sa bahay, may kakayanan kang subukan ang ganitong klase ng pagpapaganda. Kailangan lamang ng tamang pagaalaga at wastong pag-iingat sa iyong crowning glory upang maiwasan ang pagkasira nito.