Sa Saudi Arabia…
Muli umanong bubuksan ng Saudi Arabia ang border nito sa Qatar para sa taunang pagdaos ng Hajj Pilgrimage.
Ito ay inanunsyo matapos makatanggap ni crown prince Mohammed Bin Salman ng sugo mula sa Doha.
Pinapayagan ng hari ng Saudi na makapasok ang mga pilgrims ng Qatar sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Salwa Border upang makapagsagawa ng Hajj at upang payagan ang mga taga-Qatar na makapasok at makadalo sa Hajj ng walang mga electronic permits.
Matatandaang isinara ng Saudi Arabia ang border nito sa Qatar kasabay ng pagpuputol ng Egypt, Bahrain, United Arab Emirates sa ugnayan nito sa Qatar dahil sa umano’y pagkakanlong nito ng mga terorista.