HANHAN JANE SANCHO
Sisimulan na sa Setyembre a-uno ang paggamit ng videoconferencing technology sa mga pagdinig sa mga akusadong sangkot sa kasong kriminal.
Ito ay matapos aprubahan ng Supreme Court (SC) noong Hunyo a-25 taong kasalukuyan ang mga guidelines sa paggamit ng videoconferencing technology.
Layon nito na matiyak na mapangalagaan ang constitutional rights sa court proceedings ng mga akusado na nakaditine sa mga district, city o provincial jail o sa national penitentiary.
Nakasaad sa guidelines na gagawin ang videoconferencing sa loob ng dalawang taon sa Davao City Hall of Justice at Davao City Jail, Special Intensive Care Area (SICA), Camp Bagong Diwa, Bicutan at sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.