• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Harry Roque

Publiko, hinimok na isumbong ang mga katiwalian sa PhilHealth

August 8, 2019 by PINAS

SAM GUTIERREZ

 

NANAWAGAN si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na magkaisa ang sambayanan para tanggalan ng lisensiya ang mga nandaraya sa Philippine Health Insurance Corporation o sa PhilHealth.

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News, sinabi ni Roque na matagal na nilang naisiwalat ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga health care providers na kakutsaba ng PhilHealth.

Subalit ayon kay Roque, bagama’t wala pang natatanggal na health care professionals hanggang ngayon ay naniniwala naman siya na tutulong ang bagong pamunuan ng PhilHealth.

“Nakakahiya nga po, marami diyan mga doktor pa, so kinakailangan po talaga magkaisa ang sambayanan kasama po ang mga propesyonal na mga doktor na dapat naman tanggalan ng lisensiya yung mga nandadaraya diyan sa PhilHealth,” ayon sa pahayag ni Roque.

“Pero importante rin tanggalin yung mga nakiki-kutsaba diyan sa PhilHealth dahil hanggang ngayon po, wala pang natatanggal dun sa mga careers na sila naman talaga ang kakutsaba ng mga health providers diyan.”

“Pero ang aking paniwala po matapos ko pong makausap ang bagong liderato ng PhilHealth, ay darating naman po ang panahon diyan,” ayon pa ni Roque.

Maaalalang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga matataas na opisyal ng PhilHealth at inilagay sa puwesto si retired General Ricardo Morales.

Ito ay matapos ang kontrobersiyal na “ghost” dialysis patients ng WellMed Dialysis Center na patuloy na nakakukuha ng bayad mula sa PhilHealth kahit patay na ang kanilang pasyente.

Paglalaan ng pondo sa PhilHealth, dapat munang ipatigil

Kaugnay nito, ipinanawagan ni Roque na tutukan muna ang pagtanggal ng kurapsyon sa ahensya bago ibuhos ang malalaking pondo dahil sa masasayang lamang ito.

Ayon kay Roque, masasayang lang ang ilalaang pondo para sa mga magandang proyekto ng gobyerno kung mapupunta lang sa kamay ng mga kurakot.

Magugunitang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech na ang isang drug manufacturing company na pag-aari ng pamilya ni dating Health Secretary Francisco Duque ay nakakuha ng milyun-milyong kontrata para maging supplier ng gamot sa government hospitals.

“Pati ‘yung sa DOH ngayon nagkakaroon ng bansag dahil nga dun sa privilege speech ni Senator Ping Lacson. Kaya nga siguro uulitin ko yung panawagan ko. Pag-aralan muna natin kung paano tanggalin ang kurapsyon bago natin ibuhos ang sangkatutak na salapi galing sa kaban ng bayan para isabatas ang Universal Health Care. Ako po gustung-gusto kong maipatupad na. Pero ang opsyon po natin mapapatupad ba natin iyan o patatabain lang natin ang mga kurakot,” ani Roque.

 

Pambansa Slider Ticker DOH General Ricardo Morales Harry Roque Panfilo Lacson PhilHealth Sam Gutierrez

Dating Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na tatakbong pagka Senador sa 2019 Midterm Elections

October 16, 2018 by Pinas News

Ticker Videos 2019 Midterm Elections Harry Roque PINAS SMNI News

Matapos ang dalawang taon, para sa masa, Duterte pa rin!

July 16, 2018 by Pinas News

Iba talaga ang karisma ni Digong, saan man siya magpunta, talagang dinudumog ng tao. Napaka-simple niya kasing pangulo—madaling lapitan, maka-masa.

Ni: Edmund C. Gallanosa

Sa dalawang taon nang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nananatili pa rin siyang popular sa nakakaraming Pilipino.

Sa kabila ng samu’t saring kritisismo, paninira at pagtutol ng iba sa mga pagdedesisyon ni Digong kung paano papatakbuhin ang ating gobyerno, nananatiling mataas pa rin ang approval rating niya sa madla. Kamakailan naitala sa kakatapos na SWS (Social Weather Stations) survey ang bagong approval rating ng pangulo. Mula sa ‘excellent’ na rating sa 75 points ng Disyembre 2017, ngayon ito na lamang ay nasa ‘very good’ na rating sa 65 points.

Very good na rating para sa isang pangulo. At bumaba pa raw ito ayon sa SWS. Sampung puntos ang ibinaba nito mula sa 75-puntos limang buwan na ang nakakalipas. Ayon sa huling survey result, 76 bahagdan sa mga nasa tamang edad na Pilipino ay nagsasabing may tiwala sila sa pangulo samantalang 10 bahagdan lamang ang ‘mababa ang tiwala’ sa pangulo, habang 14 bahagdan sa mga Pilipino ang ‘undecided’ o hindi makapagdesisyon kung may tiwala sila o wala habang isinasagawa ang survey.

 

Bakit popular pa rin si Pangulong Duterte? Matapos ang dalawang taon bakit popular pa rin ang pa-ngulo? Malaki kasi ang pagkakaiba ng pangulo ngayon at sa kaniyang pinalitan. Kinakitaan ng kakaibang personalidad si Digong na walang katulad sa mga nakaraang pangulo ng Pilipinas. Dala na rin marahil sa kultura at mind-set ng nakakarami, saan ba nila ilalagay ang kanilang tiwala, sa taong mag-aahon daw sa kanila sa kahirapan sa pamamagitan ng salita lamang o sa taong nakakaunawa at ginagawa ang mga paraan upang maka-ahong tunay sa kahirapan?

Tunay na maka-masa ang pangulo. Si Pangulong Duterte kasi ay totoong ‘people’s man.’ Malapit siya sa mga ordinaryong mamamayan. Alkalde pa lamang siya sa Davao City, ‘no holds barred’ ang approach niya sa pakiki-salamuha niya sa mga mamamayan. Hindi nagkukunwari, walang halong kaplastikan. Kapag galit nararamdaman sa salita, kapag may nais maisakatuparan, nakikita sa gawa.

Ganun din ang ginagawa niyang pamamalakad sa bansa. Hindi siya nag-aatubiling maki-halubilo sa mga tao at malaman ang kanilang hinaing at pangangailangan. Maagap pa lamang sa kaniyang pagkakaluklok sa pwesto ay dinalaw na niya ang mga OFWs sa ibang bansa at inalam ang kanilang kalalagayan. Ganun dun sa ating mga sandatahang lakas—at sa iba pang sektor ng ating lipunan ay kaniyang hinaharap upang makuha ang kanilang saloobin nang personal.

Nakikitaan din ng tapang ang pangulo upang personal niyang pangunahan ang laban sa kriminalidad at ipinagbabawal na gamot. Hands-on ang approach niya sa mga isyu at hindi nagtuturo ng kung sino-sinong isasabit kung magkaroon ng suliranin sa isang bagay—maghahanap ng solusyon at hindi nag-aaksaya ng panahon. ‘Yan ang istilo ni Digong na siya namang tinatangkilik ng mas nakakarami.

 

Gagawin ang nararapat sa kapakanan ng kababayan. Minsan nang sinubukan ng pagkakataon na masilayan ng tao kung hanggang saan ang kakayanan ni Digong bilang pangulo ng Pilipinas. Minsan na niyang pinilay ang isang bansa noong pahintuin niya ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait, dahil na rin sa inaabot na pang-aabuso sa mga kababayan natin doon. Ang kaniya lang naman, totohanin ng mga taga-Kuwait ang sinasabing ‘proteksyon sa manggagawa’ at noong ilang Pilipino na ang pinasya na niyang pigilin ang pagbabyahe sa nasabing bansa. Malaki ang naging epekto nito sa Kuwait, at makailang buwan lamang ay gumawa na ng panibagong kasunduan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas. Sino ang nagwagi dito? Malinaw na ang mga overseas contract workers natin.

 GDP (Gross Domestic Product)  Ayon kay Political Analyst Ramon Casiple, dalawa ang mabigat na dahilan sa popularidad ng pangulo na mahalaga sa bawat Pilipino. “It’s largely positive, in two counts ‘yan—economy, ‘yung patuloy na mataas na GDP (Gross Domestic Product) growth natin and inclusive growth, bumaba unemployment eh,”  Sa ganitong paraan aniya, ninanais ng pangulo na guminhawa ang buhay ng lahat ng Pilipino.

Gumanda ang ekonomiya ng bansa sa pagpasok ng 2018 sa antas na 6.8%, at bumaba naman ang unemployment rate lalo na noong buwan ng Abril, 5.5% ang ibinaba mula sa 5.7%.

Hindi biro ang ‘approval rating na natatanggap ng ating pangulo sa masa. May tutol man, at mga sumasalungat, wala pa sa kalingkingan ng bilang ng mamamayan na para sa kanila, aprub na aprub pa rin ang ginagawa ng ating pangulo. Kailan tayo nagkaroon ng presidente, sa mga lumipas, na umabot sa ganitong taas ang approval rating? Aminin man natin o hindi, iba magpalakad si Digong—may angas, at matindi ang political will. ‘Yan ang hinahanap ng mga nakakarami.

Ika nga ni Harry Roque, Presidential Spokesperson ng pangulo, hindi mada-ling makakuha ng ganitong kataas na grado sa harap ng maraming puna at pag-atake sa kredibilidad ng pangulo. Lalo na ang laban niya sa ipinagbabawal na gamot. Ani Roque, magtutuloy-tuloy ang pangulo sa ganitong istilo hanggang sa huling araw ng kaniyang paglilingkod.  “He will continue to steer the ship of State until we reach a drug-free destination where the country’s macroecono-mic fundamentals would be strong and resilient so Filipinos could lead comfortable lives.”

Bumaba man ng 10 puntos ang rating ng pangulo sa Kalakhang Maynila, nanatiling ‘excellent’ pa rin ang grado niya sa Visayas, Mindanao at sa iba pang parte ng Luzon. Popular pa rin ang pangulo lalo na sa mga college graduates kung saan tumala siya ng ‘excellent’ na rating sa marking +76, kumpara noong nakaraan na +73 lamang.

Pambihira ang ganitong antas para sa isang president ng bansa. Ika nga ni Stephen Sackur ng BBC World News sa Estados Unidos mahirap para sa isang politiko ang makatuntong sa ganiyang antas.  “If a western politician pick a man 75% approval rating they would regard it as the happiest day of the life.”

Hindi na kailangan pang lumayo sa katwiran kung bakit popular pa rin si Pangulong Duterte.  Tama ng sukatan ang GNP (Gross National Product) ng bansa.  Tuloy-tuloy ang pagtaas sa ating GNP. Patuloy ang paglalagak ng mga negosyo sa ating bansa mula sa mga dayuhang mangangalakal, at natanggalan ng malaking buwis ang mga mamamayang maliliit ang kita. dumarami ang mga trabaho—dumarami ang nagkakanegosyo. Sa bandang huli, ito ang pinakamahalagang bagay sa bawat mamamayan ng bansa, ang gumanda ang buhay.  Sa mga karaniwang mamamayan, ito na ang pinaka-malinaw na batayan.

Pambansa Slider Ticker BBC World News Davao City Estados Unidos GDP (Gross Domestic Product) GNP (Gross National Product) Harry Roque Luzon Maynila OFWs Pangulong Duterte

PNP: Anti-’tambay’ campaign, magpapatuloy

July 9, 2018 by Pinas News

alimbawa ng mga pasaway na kalalakihan na lumabag sa ordinansa katulad ng pag-inom sa kalye at walang damit pang-itaas.

Ni: Vick Aquino Tanes

NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) na walang masama sa pagpapatupad ng anti-tambay campaign.

Layunin lamang ng kampanya na masita ang mga pasaway na residenteng hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na batas at upang maalarma na rin ang mga masasamang loob na gumawa pa ng labag sa batas.

Ito ay ibinase sa Republic Act No. 10158 na “An Act Decriminalizing Vagrancy, Amending For This Purpose Article 202 Of Act No. 3815, As Amended, Otherwise Known As The Revised Penal Code” na kung saan ay kailangang ipaalala sa mamamayan na may batas para sa mga taong tambay.

Sa kabila nito, nanindigan ang PNP na mahigpit na i-patutupad ang City ordinances against loiterers or sa mga sinasabing tambay base sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, nilinaw nito na ang pagpapatupad ng kampanya kontra sa mga tambay ay ang pagsita sa mga pasaway na umiinom ng alak sa labas o sa kalsada, naglalakad ng nakahubad o walang damit pang-itaas, umiihi sa kalsada, ang paninigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar at mga gumagala sa dis oras ng gabi.

Kabilang lamang ito sa mga sinusunod ng PNP na kailangang maipatupad dahil pangit sila sa paningin ninuman.

“Ginagawa na natin ‘yon, may local ordinance na ‘yan. ‘Yung mga umiinom sa kalsada, yung mga nakahubad sa kalsada, kung gusto uminom ng ating mga kababayan doon sila sa loob ng kanilang mga tahanan, sa loob ng kanilang bakuran. Kailangan ipatupad yung mga iba’t ibang city ordinances, lahat naman ng city, lalong lalo na sa Metro Manila, lahat ‘yan ay may ordinansa patungkol diyan sa mga nakaistambay sa mga kalsada, paliwanag ng hepe ng PNP.

Nilinaw pa nito na ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang paghuli sa mga tambay na kung saan ay mapapagkamalan silang “potential trouble for the public” o mga kinatatakutang tao.

NCRPO: Sitahin at hindi arestuhin ang mga tambay

Muling tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na paninita lamang ang gagawin ng mga kapulisan at hindi ang manghuli ng mga tambay na wala namang nilalabag na ordinansa.

Ayon kay NCRPO chief PC/Supt. Guillermo Eleazar, walang pag aresto na gagawin sa mga tambay matapos na maglabas ng direktiba sa lahat ng district directors na hindi aarestuhin ang mga tambay na wala namang nilalabag na city o municipal ordinances.

Nabatid na mayroong guidelines nang inilabas ng PNP ukol sa pag-aresto sa mga tambay kabilang na dito ang paglalakad sa kalye na half naked, pag-inom sa mga public places, pag-ihi sa mga pampublikong lugar at paninigarilyo sa kalsada. Ilan lamang ito sa mga dapat na sundin ng pulis na arestuhin ang mga lumalabag dito.

Ito ay kaugnay sa napabalitang isang lalaki ang dinampot ng pulis habang nasa labas lamang ng kanilang bahay at wala lamang suot na damit ay hinuli na. Isa ito sa maling pag-aresto na kinukundena ng kapulisan.

Kaugnay sa mga tambay, bibigyan ng ticket ang mga mahuhuling pasaway na residenteng lumabag sa local ordinances.

Hindi rin aarestuhin ang mga menor-de-edad na luma-labag sa curfew kapag kasama nito ang kaniyang magulang, o kapag may emergency.

“Hindi kami basta nang-dadampot nang wala namang vina-violate na ordinances. Ang mga serious crimes na nangyayari, ang pinagsisimulan niyan ay mga petty crimes na kapag hindi natin sinawata, talagang ‘yan ay pupunta sa mga serious crimes. Ang approach ng ating kapulisan ay habang maliit pa, itong problema ay i-appoach na natin para hindi masanay at hindi maging ma-laking problema,” paliwanag ni Eleazar.

Kailangang maipatupad ang paghuhuli upang mabawasan ang mga pasaway na residente na hindi marunong sumunod sa ordinansa ng kanilang siyudad.

“Pero kung may mga obvious violation ng mga ordinances like nag-iinom sa kalsada, naka-half naked, nagsisigarilyo, nag-uurinate o pakalat-kalat doon, ito yung basis natin bakit sila inaaresto, pati na rin yung mga minors na nasa labas pa during disciplinary hours or curfew,” dagdag pa ng NCRPO chief.

Huli sa kampanyang anti-tambay

Sa linggo ng pagpapatupad ng anti-tambay campaign sa Metro Manila, tinatayang nasa 8,000 indibidwal ang nahuli ng pulisya laban sa mga “tambay” na lumabag sa iba’t ibang ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Nais ng kapulisan na mabawasan o tuluyang mabago ang pamamalakad ng mga mamamayan ukol sa maayos na pamumuhay kaya naman ipinatutupad ang kampanya kontra sa mga tambay o loitering.

Ayon sa Free Legal Assistance Group, narito ang mga dapat tandaan kung nahaharap sa pag-aresto ang indibidwal.

  1. Maging kalmado. Huwag hayaang pangunahan ng iyong imahinasyon ang maaaring sunod na mangyari matapos mahuli.
  2. Sabihan ang kaanak, kaibigan, o maging ang isang nasa lugar habang ikaw ay inaaresto na maging saksi sa paghuli sa iyo. Maaari ring tumawag sa mga kaanak, kaibigan, at abogado para sila’y makinig sa paraan ng pag-aresto sa iyo.
  3. Itanong sa tao o mga taong umaaresto sa iyo ang kanilang pangalan, mga posisyon, at kung saang tanggapan o ahensiya sila galing o kasapi.
  4. Humingi ng kopya ng dokumentong nagbibi-gay awtoridad para sila’y manghuli. Suriin nang maigi ang papeles dahil dapat ay tama ang pangalang nakasaad sa warrant of arrest at dapat ay nakalagay rin ang klase ng paglabag na iyong ikinaaaresto.
  5. Huwag maging brusko sa pagtanggi sa pag-aresto.Sabihing kinokontra mo ang panghuhuli at di mo wine-waive o isinasantabi ang iyong mga karapatan pero sasama ka sa kanila sa mapayapang paraang upang maiwasan ang karahasan.
  6. Tanungin ang arresting officer o ang nangunguna sa iyong pag-aresto kung saan ka dadalhin. Hilingin din na ikaw ay samahan ng kaanak, kaibigan, o sinumang nakasaksi sa iyong pag-aresto.
  7. Hilinging makatawag ka sa iyong abogado. Kung ito’y hindi pagbibigyan, hilingin sa kaanak o sinumang nakasaksi sa iyong pag-aresto na tumawag sa iyong abogado. Ipaalam sa abogado ang pagkakakilanlan ng mga umaresto sa iyo, dahilan ng pag-aresto sa iyo, at kung saan ka dadalhin.
  8. Tandaan ang lahat ng magiging paglabag sa iyong karapatan, at kung mayroon man, ireklamo ito matapos maaresto, sa pagkakataong ihaharap na sa hukom o piskal.
  9. Kung ang mga aaresto ay nakadamit pangsibiliyan at tumangging ibigay ang kanilang pangalan o maglabas ng warrant of arrest, tanggihan din ang pagsama sa kanila. Sa ilalim ng batas, ang mga aaresto ay dapat naka-uniporme, maayos ang pakikitungo, at irerespeto ang iyong karapatan at dignidad.
  10. Kung sasabihin sa iyo na hindi ka inaaresto, sa halip ay iniimbitahan lamang para sa interogasyon, sabihing sasangguni ka muna sa iyong abogado. Ang iyong abogado dapat ang makipag-usap sa mga awtoridad para mag-ayos ng petsa, oras, at lugar para sa iyong interogasyon.

Kung hindi ka papayagang sumangguni sa abogado, huwag sumama sa mga nagpakilalang awtoridad. Kung sila’y magpilit, maituturing nang pag-aresto ang kanilang ginagawa at mainam na balikan ang mga naunang nabanggit na abiso ukol sa dapat gawin kung inaaresto.

 Anti-tambay drive, malayang kuwestiyunin

Malayang kuwestiyunin ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang legalidad ng anti-tambay campaign ng administrasyon.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi umano nila ginagawang kriminal ang mga tambay sa pamamagitan ng kanilang umiiral ngayon na kampanya.

Welcome rin umano para kay Duterte ang planong Congressional investigation kaugnay sa anti-tambay drive dahil ang naturang kautusan naman umano ay layon lang na ipatupad ang mga umiiral na batas at ordinansa sa bansa o sa mga barangay.

Matatandaan na ipinag-utos ng punong ehekutibo sa mga otoridad na maging higpit laban sa tambay dahil sila ang kadalasang gumagawa ng away sa publiko.

Senado, iimbestigahan ang anti-tambay campaign ng PNP

Halos karamihan sa mga senador ay sang-ayon sa pagpapatupad ng anti-tambay campaign o ang mga palaboy sa lansangan.

Mainam umano ang pagpapatupad ng anti tambay campaign upang makitang safe at maayos ang isang lugar.

Ngunit sa kabila nito, nais ng ilang senador na balangkasin pa o ipaliwanag pa ang mga tamang gagawin sa nasabing kampanya.

Pakay din ng ilang senador na tukuyin ang paglabag sa karapatang pantao at karapatan sa due process ng mga tambay na dinarakip nang walang warrant of arrest, na katulad umano noong panahon ng martial law.

 LGU’s susunod sa batas

Patuloy ang ordinansang ipatutupad ng lahat ng Local Government Unit (LGU) kaugnay sa loitering campaign na kung saan ay kailangang balaan o arestuhin ang mga pasaway na residenteng hindi sumusunod sa alituntunin ng batas.

Kabilang sa mga ordinansa ay ang pagsita sa mga pasaway na umiihi sa kalye, partikular na ang mga kalalakihan, pag-inom ng alak sa labas o sa kalsada, mga lalaking naglalakad ng nakahubad o walang damit pang-itaas, paninigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar at mga gumagala sa dis oras ng gabi, lalo na ang mga kabataan na walang kasamang matanda o mga matatanda na  gumagala pa sa gabi.

Katuwang ang Philippine National Police (PNP), nakikiisa ang lahat ng LGU sa pagpapatupad ng anti-tambay campaign na layuning mabago ang maling gawain at makatulong sa pag-unlad ng bansa.

Pambansa Slider Ticker Guillermo Eleazar Harry Roque Local Government Unit (LGU) National Capital Region Police Office (NCRPO) Oscar Albayalde Pangulong Rodrigo Duterte Philippine National Police (PNP) PINAS Republic Act No. 10158 Vick Aquino Tanes

Mapipigilan nga ba ang fake news?

July 4, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

ANIMO`Y totoo, ngunit hindi. Itsurang “orig”, yun pala “japeyks.  Isang katotohanang di natin mape-peke na sanay na tayong mga Pilipino makakita ng ganito.

Tumungo lang sa mga pa­mi­lihan at mga lansangan, at makakakita ng maraming peke: pekeng relo, pekeng sapatos, pekeng damit, pekeng dokumento, pekeng cellphone, at maging bigas, may peke din umano. At kahit ilang kampanya kontra sa mga ganitong uri ng produkto ang gawin, laganap pa rin ito.

Ngayon, isang uri ng peke na naman ang di mapigilan ang pagkalat. At tulad ng maraming pekeng produkto, ito’y mapanganib. Ito ay ang fake news o disinformation. Animo’y totoong balita pero hindi pala, na naglalayong makaimpluwensya at kumondisyon ng isipan.

At tulad din ng sa mga pekeng produkto, madami din ang tumatangkilik at nagpapakalat nito, lalo na sa mga social media sites tulad ng Facebook.

Kaya naman itinuturing ngayon na isang mabigat na isyu ang fake news dahil maraming Pinoy internet users­ ang exposed dito. Sa huling survey ng Social Weather Stations, 67 porsyento ng mga Pilipinong gumagamit ng internet ang naniniwala na ang kalaganapan ng fake news sa online sites ay seryosong pro­blema. Tignan lang ang mga awayan sa mga comments sa iba’t-ibang news sites, makikita ang epekto ng pekeng balita sa takbo ng isip ng mga tao.

Hindi naman na bago ang ganitong klase ng mga propaganda. Panahon pa ng mga Kastila, Hapon, at Martial Law ay may fake news na. Ang kaibahan lang sa kasalukuyan, mas mabilis na itong kumalat dahil mas “high-tech” na ang komunikasyong ngayon.

Sa katunayan, matagal nang ipinagbabawal ng batas ang pagpapalaganap ang naturang gawain. Sa ilalim ng Revised Penal Code, may kaukulang parusa ang “unlawful use of means of publication and unlawful utterances”, subalit marami pa rin ang tahasang lumalabag dito. Kaya noong Setyembre 2017 nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng multa sa mga magpapalaganap ng fake news: mula sa PHP 200 hanggang PHP 1,000, itinaas ang multa sa P40,000 hanggang P200,000. Maari din makulong ng isa hanggang anim na buwan.

Pero matapos ang siyam na buwan, nananatili pa ring isang malaking hamon ang disinformation.

Batas kontra fake news, epektibo kaya?

Nakahain at tinatalakay ngayon sa Senado ang Senate Bill No. 1492 o Anti Fake News Act of 2017 na inihain ni Senador Joel Villanueva. Kung tuluyan itong maisasabatas, papatawan ng mabigat na multa ng PHP 100,000 hanggang PHP 5,000,000 at pagkakulong ng isa hanggang limang taon sa sinomang mapapatunayang malisyosong gumagawa at nagpapalaganap ng pekeng balita. Dobleng parusa naman kung ang offender ay isang public official.

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na labag sa Saligang-batas ang pagkakaroon ng anti-fake news law dahil maari itong magamit sa pagsikil sa kala­yaan ng pamamahayag at sa panggigipit sa oposisyon.

“Ang tanong ko sa inyo, ang matataas ba na kakampi ng administrasyon lilitisin kapag sinabing sila ay lumabag dito? Chances are sa ating kasaysayan, baka kapag ikaw malapit sa gobyerno, hindi ka lilitisin,” wika ni Roque sa isang pagdinig sa Senado kamakailan.

“Together with the vagueness of the definition, ang ma­kakasuhan lang dito ay ‘yung mga taong gobyerno na kalaban ng administrasyon,” dagdag niya.

Ngunit nilinaw ni Roque na hindi polisiya ng Duterte Administration ang pagpapalusot sa mga kaalyado at panggigipit sa oposisyon.

“It’s a possibility po, please, I was just illustrating why this law is unconstitutional. If you violate the fundamental freedom of expression, it could be used as a tool for persecution against the opposition,” “It’s a possibility, but I’m not saying that it’s the policy of the Duterte administration,” paliwanag niya.

Halos ganito rin ang pananaw ng University of the Philippines professor at batikang journo na si Luis V. Teodoro. Aniya, hindi makakatulong ang pagkakaroon ng batas kontra fake news at gagawin lamang nitong mas kumplikado ang problema.

“False and misleading information can be spread either unintentionally and in good faith, or maliciously for a predetermined purpose. Whether a news report was meant to sow hatred, panic, chaos, etc. can be extremely difficult if not impossible to establish. If in the aftermath of a news report in print, or a Facebook entry, a series of violent incidents occurred, how certain can anyone be of a causal connection between those incidents and the reports themselves?” sabi niya sa kaniyang blog.

“Equally problematic is the question of who, or what authority or agency will decide that a report, a news analysis or commentary in print, radio, television, in social media, a blog, or a news site, is fake news,” dagdag ng eksperto.

Edukasyon ang solusyon

Naniniwala si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago na media literacy ang mas epektibong sandata sa pagsugpo sa pagkalat ng fake news, kaya inihahanda niya ang isang panukalang batas na magsusulong nito sa buong bansa.

Aniya, tila isang mahirap na problema ito dahil patuloy ang pagdami ng mga online trolls at iba pang mga mekanismo na walang ibang layunin kundi magpalaganap ng maling balita, kaya dapat armahan ng wastong edukasyon kontra disinformation.

“Media literacy is not usual­ly provided as a subject in schools. And if there is one, the curriculum treats an individual as a passive receiver of information given by media, obviously ignoring the role of an individual as a contributor to media, especially online,” sabi ni Elago.

Samantala, inilunsad naman ng Presidential Communica­tions Office (PCOO) ang Provincial Communications Officers Network (PCONet).

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, layunin ng naturang programa na tulu­ngan ang pamahalaan na turuan ang mga tao na tukuyin at kontrahin ang fake news at disinformation, na banta umano sa demokrasya at ma­ging sa ekonomiya ng Pilipinas.

Naniniwala si Andanar, na isang beteranong brodkaster, na ang pagpapalaganap ng totoong impormasyon ay serbisyo para sa bansa.

Aniya, gagamitin ng PCOO ang mga media outlets ng pamahalaan tulad ng Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Radyo Pilipinas, People’s Television Network at mga online platforms ng gobyerno para labanan ang fake news.

Ipinunto niya na namuhunan ng malaki ang gobyerno sa pagmodernisa ng mga plataporma at equipment, na siyang gagamitin upang maiparating ang tamang impormasyon sa malalayong mga lugar sa bansa sa tulong ng mga local government units.

Pambansa Slider Ticker Anti Fake News Act of 2017 Duterte administration Harry Roque Luis V. Teodoro Martial Law Martin Andanar People’s Television Network Philippine Information Agency Philippine News Agency PINAS Presidential Communica­tions Office (PCOO) Provincial Communications Officers Network (PCONet) Quincy Joel V. Cahilig Radyo Pilipinas Senador Joel Villanueva Senate Bill No. 1492 Social Weather Stations University of the Philippines

Bilang ng mahihirap sa bansa, bumaba

May 10, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

SA halos ikalawang taon sa puwesto ni Pangulong Rodigo R. Duterte, patuloy na dumarami ang bilang ng mga Pilipinong nakakaramdam ng pag-angat ng estado ng buhay.

Indikasyon ito na nagbubunga ang mga pagsusumikap ng kanyang administrasyon na sugpuin ang kahirapan sa Pilipinas.

Base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 42 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay mahirap o “self-rated poverty”. Ito ay mas mababa ng dalawang porsyento kumpara sa 44 porsyento na naitala sa katulad na survey na isinagawa noong Disyembre 2017.

“We are pleased to note that Filipino families who consider themselves mahirap or poor continue to decrease to a record-low 42 percent in March 2018,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Lumabas din sa resulta na 29 porsyento o nasa 6.7 mi-lyong pamilya ang nagsabing “poor” ang kanilang pagkain o self-rated food poverty. Ayon sa SWS, ito ang unang pagkakataon na ang numero ng self-rated food poverty ay bumaba sa 30 porsyentong marka mula nang simulan ng ahensya ang pag-aaral sa food-poverty  sa bansa noong 1988, sa termino ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Bagamat masasabing mataas pa rin ang naitalang mga numero sa survey, isinasaad ng paggalaw nito na du-madami ang nakakaramdam sa ipinangako ng Pangulo sa kanyang kampanya noon na “Change is coming”.

“Our poverty-alleviation efforts are thus gaining ground as we continue to assure everyone that no one will be left (behind) in the Duterte administration,” wika ni Roque.

Dahil sa positibong resulta ng SWS survey, dagdag ni Roque,  ipagpapatuloy ng pamahalaan ang mga programa nito tulad ng conditional cash transfers na mula sa kinikita ng gobyerno sa first package ng compreshensive tax reform program (TRAIN),  at ang iba pang may mga programa sa pagkain, land reform, pang-kalusugan, patubig, pabahay, edukasyon, trabaho, kalikasan, at pagsusulong ng kapayapaan.

Bilib pa rin sa Pangulo ang maraming Pinoy

Lumabas din sa pinakabagong SWS survey na maraming Pinoy ang tiwala pa rin sa liderato ni Pangulong Duterte.

Nakakuha si Duterte ng +65 “very good” net trust ra-ting sa survey na isinagawa nitong ika-23 hanggang ika-27 ng Marso. Ngunit bahagya itong bumaba kumpara sa “excellent” trust rating na nakuha ng Pangulo noong Di-syembre ng nakaraang taon.

Nanatiling “excellent” ang ibinigay na rating para sa Pangulo ng mga taga-Visayas at Mindanao samantalang “very good” naman ang sa Metro Manila at Balance Luzon.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin ang Administrasyong Duterte sa mataas na kumpiyansa ng masa sa Chief Executive ng bansa sa kabila ng mga kontrobersiya at isyung ipinupukol sa kanya.

“We are thus grateful for our people’s vote of confidence with significant trust in the President, amid being subject to unending criticisms and attacks. Rest assured that the President will continue to steer the ship of State until we reach a drug-free destination where the country’s macroeconomic fundamentals would be strong and resilient so Filipinos could lead comfortable lives,” wika ni Roque.

Ang ‘pasalubong’ ni Duterte mula SA ASEAN

Kamakailan ay tumungo ang Pangulo sa Singapore upang daluhan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, kung saan tinalakay ng mga lider ng mga kaanib na bansang Myanmar, Vietnam, Laos, Thailand, Cambodia, Philippines, Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei Darussal ang ang iba’t-ibang isyu sa rehiyon, kabilang ang pagtutulungan sa pagpapalakas ng ekonomiya sa South East Asia, pagtatayo ng ASEAN Smart Cities Network, at cyber-security.

Sa isang okasyon doon ay personal na sinaksihan ni Pangulong Duterte ang pagpirma ng mga investment agreements sa pagitan ng mga malalaking kumpanya ng Pilipinas at Singapore na aabot sa USD 185.7 milyon.  Kasama din ni Duterte sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Trade Secretary Ramon Lopez, Finance Secretary Carlos Dominguez, Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar at Roque sa seremonyang ginanap sa Ritz-Carlton Millenia Singapore.

NO CORRUPTION SA PANGULO

Upang mas maengganyo ang mga dayuhang kumpanya na mamuhunan sa bansa, tiniyak ni Pangulong Duterte sa kanila na walang kurap-syon sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

“For as long as I am there, there will be no corruption in my government,” siniguro ng Pangulo sa harap ng mga negosyante sa Singapore.

Bilin pa niya sa mga ito na personal siyang tawagan kung mayroon mang kawani ng gobyernong hihingi ng suhol.

“Do not give in to them. All you have to do is to make a call and I will grant you anytime especially about graft, about workers in go-vernment asking for money,” aniya.

Mababatid na ilang mga opisyal ng gobyernong nasangkot sa katiwalian na rin ang sinibak ng Pangulo sa puwesto. Ang sinseridad na ito ng Pangulo sa pakikipagbaka sa kurapsyon, marahil, ang dahilan kung bakit matatag pa rin ang kumpyansa ng masa at mga negosyante sa kanya.

MARAMING TRABAHO

Aatasan din ng Pangulo ang Department of Trade and Industry at ang Department of Finance na gumawa ng mga hakbang na magpapadali sa proseso ng pagnenegosyo sa bansa, dahil layunin ng kaniyang administrasyon ang humikayat pa ng mga mamumuhunan na tumulong sa paglikha ng mga trabaho para sa mamamayan.

“I welcome you. I assure you the protection that you need. No corruption is no corruption. I stake my presidency on this. I will lose the presidency on this. I will lose the honor and the prestige in pursuing that policy of no corruption,” aniya.

Kaya naman sa kanyang pagbalik sa Pilipinas, bitbit ng Pangulo ang magandang balita ng karagdagang foreign investments na inaasahang makalilikha ng 2,000 trabaho sa Pilipinas, na may kinalaman sa  urban solutions, information and communication technology, water solutions, security, urban development, renewable energy,  finance solutions, transportation, at training para sa small and medium enterprises.

Pambansa Slider Ticker Alan Peter Cayetano ASEAN Smart Cities Network Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Brunei Darussal Cambodia Carlos Dominguez Corazon Aquino Department of Finance Department of Trade and Industry Harry Roque Indonesia Laos Malaysia Martin Andanar Myanmar Pangulong Rodrigo R. Duterte Philippines PINAS Quincy Joel V. Cahilig Ramon Lopez Ritz-Carlton Millenia Singapore tax reform program (TRAIN) Thailand Vietnam

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.