MELROSE MANUEL
NAGSAGAWA ng tribute performance ang Boyband na Boyz II Men at singer na si Alicia Keys sa Grammy 2020 para sa pumanaw na Basketball legend na si Kobe Bryant.
Bilang pagbibigay pugay sa Basketball legend, inawit ng Boyz II Men at ni Alicia ang kantang “It’s so Hard to Say Goodbye”.
Hinandog din ng Popstar na si Lizzo kay Kobe ang opening performance nito para sa Grammys.
Nagkaroon naman ng moment of silence sa loob ng staples center bago opisyal na simulan ang event na pinangunahan ng recording academy CEO na si Harvey Mason Jr.
Isinagawa naman ang 62nd Grammy Awards sa Staples Center kung saan huling naglaro si Kobe para sa Lakers noong 2016 bago ito mag-retire.