Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nadamay sa malakas na hampas ng Bagyong Isang o Hato sa international name sa Hongkong at Macau.
Sa inilabas na pahayag ng kagawaran ay nagpaabot naman ng pakikiramay si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa mga pamilya ng tatlong nasawi at nasugatan dulot ng bagsik ni Hato.
Bunga nito nakikiisa din sa pananalangin ang kalihim para sa mga biktima ng bagyo.
Nabatid na ito lamang ang kauna-unahang bagyo na nangyari sa Hongkong na umabot sa signal number 10 sa buong special administrative region at ito lamang din sa ikatlong pagkakataon ang naitalang may pinakamataas na alert na inilabas simula pa noong 1997.
Sa huliing talaang ng kagawaran nasa 211,000 na ang bilang ng mga Pinoy ang nasa Hongkong habang tatlumpung libo naman ang nasa Macau.