MARIING itinangi ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang mga paratang na ipinupukol laban sa kanya.
Nagbato ng paratang ang dating manggagawa ng kongregasyon na lumayas sa Hawaii na si Kristina Angeles.
Inihayag ni Pastor Apollo na pawang kasinungalingan lamang at gawa-gawa lamang ang mga pinagsasabi ni Angeles, na may sex ring umano ito.
Samantala, may mga dokumento ring inilabas ang butihing Pastor.
Nagpapatunay ang mga dokumento na ipinaparatang lamang ni Angeles sa kanya ang mga gawain nito sa panahong nasa pangangalaga pa ito ng Kingdom of Jesus Christ.
“I vehemently deny the totally fabricated, false accusation that I am running a Child sex ring,” pagdidiin ni Pastor.
Samantala, tinitingnan na rin ng kampo ng butihing pastor ang anggulo ng extortion o pangingikil ng sinasabing isang religious group.
Maaring ang naturang grupo ay nasa likod umano ng nasabing isyu.