HANNAH JANE SANCHO
MARAMI na sa mga evacuees ang dumadaing ng iba’t-ibang sakit na nararamdaman bunsod ng ashfall mula sa Bulkang Taal.
Batay sa tala ng Department Of Health, nasa limampu hanggang animnapung porsyento ng dalawang libo tatlundaan apatnapu’t dalawa na evacuees na nagpakonsulta sa DOH ang nagrereklamo na hirap huminga dahil sa respiratory infections.
May ilan din sa mga bakwit ang nakakaranas ng hypertension, diarrhea, skin infections o lesions, influenza-like illness, at eye irritations.
Sa kabila nito, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na nakahanda ang mga health workers mula Calabarzon, Mimaropa, Region 3, at National Capital Region para tulungan ang mga evacuees.
Tiniyak ni Duque na may sapat silang supply ng gamot para sa mga evacuees.
Nabatid na mahigit isandaan animnapung indibidwal mula Batangas, Laguna, at Cavite ang pansamantalang nanunuluyan sa tatlundaang evacuation centers kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal noong nakaraang Linggo, Enero a-12, 2019.