MAGPAKONSULTA kaagad sa doktor kapag may nararamdaman sa katawan, mainam din ito para mabigyan ng sapat na atensyon ang kalusugan.
Ni: Vick Tanes
TANDAAN na iisa lamang ang buhay ng tao kaya dapat natin itong pangalagaan at mahalin. Kasama ang mga mahal sa buhay, dapat na mag-enjoy. Buhayin ang buhay.
Maraming paraan upang mabuhay. Sa pamamagitan lamang ng tamang pagkilos at pag-iisip ay maayos mong maitataguyod ang iyong buhay. Buhay na mula sa Maykapal kaya dapat na ito ay pangalagaan. Kaya naman, marami ang humihiling ng mahabang buhay kaya narito ang ilang tips na makatutulong nang malaki para mas humaba pa ang buhay at maging masagana ngayong Bagong Taon.
MAG-EHERSISYO ng 15 minuto araw-araw kung gusto mong maging maayos at masigla ang iyong pangangatawan.
Think positive o Mag-isip ng positibo – isipin palagi ang tama at hindi mali. Huwag mawawalan ng pag-asa.
Mag-relax – kailangan naman nating ipahinga ang sarili bago sumabak sa isa pang gawain. Kailangang magbawas ng stress sa buhay.
Makabubuti rin ang pag-inom ng mga vitamins at supplements. Mainam din sa katawan ang pag-inom ng Omega-3 fish oil.
Mag-ipon ng pera – totoo ang kasabihang “Kapag may isinuksok ay may madudukot”.
Magpatingin sa magaling na doctor – kung may nararamdaman na sakit ay mabuting ipakonsulta po agad sa doctor upang hindi na ito lumala.
Magpabakuna – upang makaiwas lamang sa anumang sakit. Mainam na pinangungunahan ang pagdating ng sakit. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa.
Mag-ehersisyo – mas maganda para sa katawan ang naiinat ng kaunti kaya mabuti para sa katawan ang exercise. Tiyak na hahaba ang buhay.
Tumulong sa kapwa – nakabubuti rin po kung naibabahagi natin sa kapwa ang kaunting grasya dahil tiyak na sobra-sobra ang grasyang darating sa inyo.
Umiwas sa bisyo – nauuso po ngayon ang mga bisyo na kadalasan ay naeengganyo ka lamang mula sa kaibigan. Umiwas po dito.
Umiwas sa alak – hindi naman ito palagi at hindi rin po nakasasama sa katawan ang pag-inom ng alak. Basta hinay-hinay lamang o drink moderately. Masama ang alak kapag sobra dahil nakasisira ito sa ating ugat, utak at atay.
Kumain ng gulay at prutas – maraming bitamina at sustansyang taglay ang mga gulay at prutas kaya mainam po ito sa katawan.
Kumain ng matatabang isda – Ang pinakamasustansyang isda ay iyung mataas sa Omega-3 fish oil. Ito ay matatagpuan sa sardines, tuna, salmon at mackerel.
Magbawas ng timbang – hindi naman kailangang payat basta ang mahalaga ay healthy.
Magdasal – ito ang pinaka-importante sa lahat dahil mabuting may pananampalataya tayo sa Poong Lumikha.