SMNI NEWS TEAM
TILA may Midas Hands ang kamay ni Pastor Apollo C. Quiboloy dahil lahat ng negosyo na nabibisita nito ay siguradong lumalawak at patuloy ang paglaki.
Isa ang patunay dito ang bottled water business na sinimulan pa noong early 2000 kung saan nagsimula ito bilang refilling station sa Project 8, Quezon City ang Galilee Purified Drinking Water.
Pagkalipas ng maraming taon ay mas lalo pa itong lumago at ngayon ay may sarili na itong dalawang bottling plant sa Novaliches, Quezon City.
Ang Hismajesty Bottling Plant sa ngayon ay may dalawang bottling plant na kayang mag-produce ng 14,000 bottles kada oras.
Maliban sa Galilee, may dalawang brand pa ng tubig ang Hismajesty Bottling Plant ang Heaven’s Dew Purified Drinking Water at Sparkletts Pure.
Ngunit ano nga ba ang sikreto at hindi mapigilan ang paglago ng mga negosyong binibisita ni Pastor Apollo.
’Isang pagpapala ng Ama yun sinabi niya whatever you do, whatever you put your hand unto I will bless it wherever you go I will bless it so that is the promise of the Father when he sent me that is happening wherever I go, whatever I do because it is always centered on the will of the Father it is not really personal profit I don’t need that what I need is the blessings of money of what it can do to expand the propagation of the gospel message of the Kingdom which will be down to the salvation of humanity it is service oriented always we are there to help,’ paliwanag ni Pastor Apollo.
Kaya naman kapansin-pansin na laging present ang Galilee Purified Drinking Water sa lahat ng relief operation na pinangungunahan ng Kingdom of Jesus Christ.
Major sponsor ang Galilee Purified Water sa lahat ng mga lugar na tinutulungan ng Kingdom of Jesus Christ mula sa mga sinalanta ng bagyo at itong pinakahuli ay ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Plano na rin ngayon ng Hismajesty Bottling Plant na palawakin pa ang kanilang negosyo sa pagbubukas ng dagdag na mga planta sa mga pangunahing siyudad sa Pilipinas.
Kaya asahan ang mas mabilis na tulong na ipapaabot ng Galilee Purified Drinking Water sa mga relief operations ng Kingdom of Jesus Christ.