PNP officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa
ADMAR VILANDO
UMAABOT sa siyamnapung pulis ang nadismis sa serbisyo sa loob ng dalawang buwan dahil sa pagkakasangkot sa ibat-ibang iligal na aktibidades kaugnay sa pinaigting na internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni PNP officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa, kasabay ng paglagda nito sa dismissal order ng nasabing mga pulis.
Ayon kay Gamboa, kabilang sa kaniyang mga nilagdaan ay ang dismissal order ng ilang mga police colonels bilang patunay na walang pinapaboran ang internal cleansing ng PNP.
Sinabi ni Gamboa na seryoso ang liderato ng PNP sa internal cleansing at kasabay nito ay hinikayat ang publiko na ireport ang mga tiwaling parak gayundin ang mga high-value targets (HVTS) bilang bahagi naman ng pinalakas na anti-drug campaign.