Nag-umpisa na nga ang bakbakan ng mga eskwelahang miyembro ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities o NAASCU para sa ika 17th season nila ngayong 2017.
Napuno ang Cuneta Astrodome sa Pasay ng mga estudyante at faculty sa lahat ng member teams na nagpasiklaban sa pag-cheer sa kani-kanilang koponan.
Sa opening ceremonies, ay isa-isang tinawag ang basketball teams ng 16 na colleges and universities ng NAASCU para i-showcase ang kani-kanilang team.
Nagpatalbugan din ang mga teams sa pagandahan ng kanilang muse at team prince para pagpilian sa 2017 Mr. and Ms. NAASCU.
Naging panauhing pandangal naman sa opening ceremony ang presensya ni Globalport team manager Bonnie Tan at nagbigay ng inspiring message sa lahat ng players at maging sa staff at lahat ng kasali sa NAASCU games.
Ngayong taon, makakasama ng NAASCU ang kanilang bagong commissioner, ang sikat na PBA coach na si Pido Jarencio.
Team to beat naman sa mens basketball ang koponan ng St. Clare College Saints matapos talunin ang koponan ng Our Lady of Fatima University Phoenix sa isang crucial game sa nagdaang 2016 mens basketball finals.
Bukod sa dalawang koponan, inaasahang magpapakita din ng galing ang mga koponan ng Philippine Christian University, De La Salle Araneta University, Lyceum Of Subic Bay, New Era University, City University of Pasay, Rizal Technological University, AMA Computer University, Colegio De San Lorenzo, De Ocampo Memorial College, Philippine Merchant Marine School, Manuel L. Quezon University, Enderun Colleges, Holy Angel University, at Saint Francis Of Assisi College.
Magtatapos naman ang buong games ng NAASCU sa October 20, kung saan magaganap ang awarding of awards matapos ang 23-day overall duration ng games.