Ni: Jomar M. San Antonio
“GOLDEN Arches”—yan ang bagong pangalan ng US fast food giant na McDonald’s Corporation sa mga papeles nito sa mga sangay nito sa China at Hong Kong. Ayon sa Mcdo, papalitan lamang ng firm ang pangalan nito mula sa McDonald’s patungo sa Golden Arches (China) Co Ltd. matapos ibenta ng chain ang Chinese and Hong Kong businesses nito sa CITIC Ltd. at Carlyle Group.
“It will still be clearly ‘McDonald‘s’ when diners come to our stores,” ayon sa isang microblog ng Chinese counterpart nito. Dagdag pa nila, balak doblehin ng firm ang bilang ng mga sangay nito sa mainland China hanggang 4,500 sa taong 2022.
“Our restaurant name will remain the same, the change is only at business license level,” ika ng Chinese chain spokesperson Regina Hui sa isang pahayag.
Ang 52% ng McDonald’s sa China at Hong Kong ay pag-aari na ngayon ng CITIC Ltd., samantalang 28% naman ang hawak ng Carlyle. Tanging 20% na lamang ng shares ang hawak ng McDonald’s US.
Ang pagbabago ng pangalang ito ay bahagi ng pagpapaunlad ng kumpanya sa serbisyo nito sa China kasabay ng pagpapalaki at pagpapalawak pa ng negosyo. Lalo pa kasing lumalakas ang fast food chain sa Canada, Britain, at China.