MJ MONDEJAR
PASADO na sa ikatlo’t huling pagbasa sa kamara ang House Bill No. 5712 o ang ikalimang Salary Standardization Law (SSL) na magtataas sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Sa botong 187- 5, inaprubahan ng kamara ang panukala na magbibigay ng kabuuang 23.24% na umento sa sahod sa mga government personnel sa ilalim ng full implementation nito.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair at Davao 3rd District Rep. Isidro Ungab, balak na ipatupad ang wage increase sa apat na tranches mula 2020 hanggang 2023.
Sakop ng panukala ang mga public teachers, nurses, lahat ng civilian government personnel sa executive, legislative, at judicial branches, constitutional commissions at iba pang constitutional offices, mga government-owned or -controlled corporations na hindi sakop ng GOCC Governance Act of 2011, at mga kawani ng local government units.
Nauna nang cenertify ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala para maisabatas sa lalong madaling panahon.