MJ MONDEJAR
MAITUTURING na isang pirate station ang ABS-CBN kung itutuloy nila ang kanilang operasyon kahit walang prangkisa.
Ito ang iginiit ni Atty. Rolex Suplico isang franchise lawyer sa naging panayam ng SMNI News.
Aniya, nilinaw na Mayo 4 opisyal na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN at hindi sa Marso 30.
Nakasaad aniya sa mapapasong prangkisa ng giant network o sa Republic Act 7966 na finile noong March 30, 1995 sa Section 15 nito, na ang effectivity ng prangkisa ay magiging opisyal lamang matapos ang labing-limang araw na ma-publish ito.
Kaya naman ani Publico, kung ipipilit ng ABS-CBN na makapag-operate matapos ang Mayo 4 ay lalabas na itong pirate network.
Maaari naman aniya silang humingi ng provisional authority sa National Telecommunications Commission ang ABS-CBN pero babagsak din itong pirate station kung walang bagong prangkisa.
Samantala, tahasan pang sinabi ni Suplico na wala na talagang pag-asang mapasa pa ang franchise bill ang ABS-CBN dahil kung pagbabasahin ang timetable ng Kamara ay kulang na ito sa oras.
Kamara, walang pressure sa imbestigasyon ng Senado sa prangkisa ng ABS- CBN
Walang pressure ang Kamara sa ginawang imbestigasyon ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Franz Alvarez, inirerespeto nila ang separation of powers ng dalawang kapulungan kaya hindi sila padadala sa pressure na magsagawa ng sariling hearing.
Mayroon naman aniyang hiwalay na imbestigasyon dito ang Kamara at oobserbahan nila kung anuman ang magiging resulta ng pagsisiyasat ng Senado.
Sa kasalukuyan ay mayroong 11 panukala na nakabinbin sa Kamara na nag eendorso sa franchise renewal ng giant network at hindi pa ito natatalakay kahit na nakatakda itong mag-expire sa Marso 30.
Tiniyak naman ng chairman ng komite na aaksyunan nila ang nasabing isyu sa pagitan ng Mayo o Agosto bagama’t hindi pa ito naikakalendaryo.