POL MONTIBON
ISINUSULONG ngayon sa Kamara ni House Deputy Majority Leader At Bagong Henerasyon Party-List Rep. Bernadette Herrera-Dy ang pagkakaroon ng regulasyon sa mga parking spaces.
Sa ilalim ng House Bill 3215 na inihain ni Dy, gagawing standard rate ang dalawampung piso sa unang limang oras at dagdag na sampung piso P10 kada oras na lagpas dito.
Ang magiging singil naman sa overnight parking ay P150 pesos, habang P200 pesos naman kapag nawala ang parking tickets.
Nakasaad din sa panukala na dapat libre na sa parking fee ang mga pasyente na naka-confine sa mga ospital basta’t may katibayan ng kanilang transaksyon.
Sakaling maisabatas ang panukala, ang sinumang lalabag dito ay papatawan ng P250,000 hanggang P500,000 pesos na multa at suspensyon o kanselasyon ng kanilang business permits at lisensya.