Sa Texas…
Matinding pagbaha ang dulot ni hurricane Harvey sa Houston, Texas, ang ikaapat na pinakamalaking state sa United States.
Kinansela ng siyudad ang lahat ng commercial flights sa dalawang paliparan nito at puwersahan ring pinaalis ang mga pasyente ng dalawang ospital rito.
Ayon sa mga otoridad, tatlo katao na ang naitalang patay at hindi pa kumpirmado kung ilan ang nasugatan sa matinding pag-atake ng bagyo.
Ang Houston proper ay mayroong kabuuang 2.3 milyon katao ngunit ang metropolitan area nito ay may kabuuang anim na milyong populasyon.