Tagumpay na natahak ng kinikilalang“Filipino Aquaman”na si Atty. Ingemar Macarine ang Hudson River sa New York (NY)sa pamamagitan nang walang tigil na paglangoy mula sa Newburgh-Beacon Bridge hanggang sa Bannerman Island.
Tumagal nang isang oras at 49 na minute ang paglangoy ng swimming lawyer sa 8.4-kilometrong distansiya ng ilog.
Ayon kay Macarine, layunin ng kanyang charity swim ang pag-promote sa kanyang buong buhay na adbokasiya, ang pagkakaroon ng malinis na karagatan, ilog at baybayin sa Pilipinas.
Bahagi rin ito ng kanyang training sa kanyang paglangoy sa English Channel sa darating na Agosto 14.
Nilinaw rin ng abugado ng Caraganon na dapat sana ay 10 kilometro ang kanyang lalanguyin ngunit hiniling niyang putulin ito nang mas maaga dahil sa sobrang lamig ng tubig, kung saan ay umabot sa 57 Fahrenheit ang water temperature ng Hudson River samantalang 45 Fahrenheit naman angtemperatura ng hangin.
Nanibago raw ang swimming lawyer sa air temperature, lalo na’t nasanay siya sa paglangoy sa tropical waters ng Pilipinas.
Nais ni Macarine na pagbalik niya sa bansa sa Hunyo ay kanyang babalikan ang paglangoy sa karagatan ng Camiguin Island matapos na ito ay hindi matuloy noong buwan ng Enero dahil sa sama ng panahon.