Pito ang naitalang patay sa paghagupit ni Hurricane Irma sa Carribean Islands.
Ayon sa mga opisyal, sirang-sira ang french territory ng St. Martin at pahirapan ang pagpunta sa isla ng Barbuda matapos winasak ng Hurricane Irma ang airport nito.
Habang lumalawak ang sakop ng binayo ni Hurricane Irma inaasahan namang dadami pa ang bilang ng nasawi sa paghagupit nito.
Halos kalahati naman ng mga isla sa Carribean na mayroong tatlong milyong residente ang walang kuryente dahil sa malakas na buhos ng ulan at maging malakas na ihip ng hangin.
Nasa category five ang lakas ng Hurricane Irma. Ayon sa US National Hurricane Center, maituturing ito na isa sa pinakamalakas na hurricane na nagmula sa Atlantic.