Ni: Maridel S. Cruz
MAY hirap at lungkot mang dulot ang pagiging isang OFW, di maitatanggi na may sarap din naman itong dala. Wala na sigurong hihigit sa pakiramdam na natutulungan mo ang iyong mga mahal sa buhay di lamang sa kanilang mga pangunahing pangangailangan kundi pati na rin sa mga nais nilang makamit sa buhay. Gusto man nating isipin na ang kitang dala ng pagiging OFW ay pang habang buhay, alam natin na hindi ito ang realidad. Pasasaan ba at matatapos ang kontrata, lilipas ang pagiging bata at malakas at di mapipigilan ang takbo ng oras.
Kaya naman habang may oportunidad, lakas at oras, kailangang napaghahandaan ang retirement at panahon ng paguwi sa mga mahal sa buhay. Isa na nga sa paraan ng paghahanda ay ang pagkakaroon ng sariling negosyo.
May Negosyo Ka Na, Healthy Ka Pa
Madalas, imbis na mapakinabangan ang kita na pinagtrabahuhan sa loob ng maraming taon ay nauuwi pa ito sa gamot at bayarin sa ospital maibalik lamang ang maayos na kalusugan. Ang tanong, may posibilidad bang parehong makamit ang maayos na kalusugan at kalayaang pinansyal?
Maraming uri naman ng tradisyonal na negosyo ang maaring simulan. Ngunit ilan lamang dito ang magpapahalaga sa iyong kalusugan habang nakapagbibigay ng sapat o higit pa na kita para sa iyo at iyong pamilya.
Bagamat alam na alam na natin na prevention is better than cure, may ginagawa ba tayo upang maiwasan ang mga sakit tulad ng kanser, hypertension, diabetes, heart disease, at iba pa? Di matatawaran na kailangan ng ibalik ang seryosong pagpapahalaga sa kalusugan.
Dahil hindi nga pang-habang buhay ang pagiging isang OFW, ang IAMWorldwide ay nagbibigay oportunidad upang makapagsimula ng negosyong na nagpapaigi din sa ating kalusugan.
Produktong Dekalidad, Negosyong Maunlad
Ang pangunahing produkto ng IAMWorldwide para sa kalusugan ay ang Amazing Pure Organic Barley Powder Drink at Capsule na nakakatulong na palakasin ang immune system at makaiwas sa maraming uri ng sakit. Ang barley ay kinikilala ng siyensya bilang pinakamasustansyang pagkaing halaman na nagtataglay ng vitamins, minerals, enzymesplus, amino acids, phytochemicals at phytonutrients na pangunahing kailangan ng ating katawan para sa maayos na function ng organs at immune system.
Isang patunay nito ay ang aktres at cancer survivor na si Maritoni Fernandez, kilala din bilang Barley Queen ng Pilipinas, na ngayon ay 17 years ng cancer free.
Ayon kay Maritoni, “Hindi lang sinagip ng barley ang buhay ko, binigyan ako nito ng bagong buhay na naging rason para uminom ako nito hangga’t ako ay nabubuhay.” Ito rin ang dahilan kung bakit dinala ni Maritoni ang produktong ito sa Pilipinas – upang matulungan ang mga Pilipino tungo sa maayos na kalusugan at maalwang buhay.
Bukod sa barley, nariyan din ang purely organic na Amazing Grape Juice with Garcinia Cambogia Powdered Drink Mix, na nakakatulong sa pag bawas ng timbang, ang Amazing Coffee Mix with Tongkat Ali na isang energy booster, at ang Amazing Coffee Mix with Glutathione na nakakatulong sa function ng atay. Ilan lamang ito sa mga produktong dekalidad at world class na FDA/BFAD approved at certified ng Halal at Australian Certified Organic (ACO).
Ilan pa sa mga produkto ng IAMWorldwide ay ang Scalar Energy Pendant na ginagamit upang labanan ang radiation at ang kapapakilala pa lamang kamakailan na Awesome Organic All-In-One Face Cream at Awesome Organic Instant White Body Cream na nagmula pa sa Japan.
Maari ka ring mamili sa mga food carts tulad ng Mang Siomai, Dumpling King, at Hong Kong Fried Noodles sa risonableng halaga. Libre ding ibinibigay ang training para sa franchising.
Mabilis na Paglago
Nito lamang ika-18 ng Marso, ipinagdiwang ng IAMWorldwide ang kanilang unang anibersaryo na pinamagatang “IAM Faith” sa SM Mall of Asia Arena na dinaluhan ng mahigit siyam na libong katao. Sa kasalukuyan, mayroon ng tatlong (3) IAMWorldwide Branch (Manila, Cebu at Davao), labindalawang (12) IAM Business Center at apatnapu’t apat (44) na Stockist sa buong Pilipinas. Nagsimula na din silang magbranchout sa ibang bansa tulad ng Uganda, Kenya, Kuwait at Canada. Di matatawaran ang bilis ng paglago ng kumpanyang ito. Sa katunayan, sa loob ng isang taon ay may 22 ng milyonaryo, 60 car achievers at 266 travel achievers na ang kumpanya.
Maraming OFW ang natulungan ng IAMWorldwide na makapagnegosyo at magkaroon ng time at financial freedom. Isa na dito si Jogralym Bolambot, isang staff nurse sa Ministry of Health ng Kuwait. Bagama’t karamihan ay namomroblema sa kanilang kabuhayan matapos ipagbawal ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait, di ito naging hadlang kay Jogralym dahil sa negosyong mayroon sya sa IAMWorldwide. Sa kanyang kagustuhan na isang araw ay makasama ang mga naiwang mahal sa buhay sa Pilipinas at magkaroon ng financial freedom, sinimulan niya ang negosyo at ngayon ay isa na sa top earners ng kumpanya at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa nya OFW.
Sa likod ng negosyong ito ay sina Allen Marvin Yu Eder, President and Founder, at Aika Lorraine Uy, Vice President and Co-Founder, na kapwa may malawak ng karanasan at kahanga-hangang track record sa larangan ng relationship marketing industry at pagiging entrepreneur. Maraming taon na ang ginugol nila sa trabahong ito at dahil sa kanilang di kagandahang mga karanasan, binuo nila ang pagpopromote ng ‘neatworking’ na naglalayong maiba, maging positibo at malinis ang pananaw ng mga Pilipino sa larangan ng industriyang ito.
Dahil sa pagiging mapagbigay ng kumpanya, marami na ang natulungan na makaahon sa hirap at magkaroon ng financial freedom sa pamamagitan ng paggamit ng mga subok na sistema at practices sa larangan ng network marketing, na pinakamahusay at katanggap-tanggap sa anu mang panig ng mundo.
Sa isang panayam kay Aika Lorraine Uy, Vice President at Co-Founder ng IAMWorldwide, isang mahalagang payo ang nais niyang iparating sa ating mga kababayan lalong-lalo na sa mga OFW na nais magsimula ng negosyo, “Instead of sending money, which is easily depleted, you might as well give your family back home a business that can generate income for them.”
Para sa mga nais simulan ang negosyong ito, mag-email sa iamworldwide.info@gmail.com o tumawag/magtext sa 0927-4685820 (Globe)/0942-5189804 (Sun) at hanapin si Richard.