Nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa mga nagbabalak na magsampa pa ng impeachment complaint laban sa mga impeachable officials na maghinay-hinay o di kaya ay di muna magsampa.
Sa inilabas na statement ng IBP Board of Governors, ipinaliwanag nito na dahil sa kaliwa’t-kanang impeachment complaint laban sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan, pinalalabnaw nito ang kapangyarihan ng isang impeachment complaint at nalilimitahan din nito ang limitado nang resources ng kongreso.
Ayos sa IBP, bagamat isang political exercise at constitutional right ang paghahain ng impeachment complaint, dapat alalahanin din na maituturing itong isang bitter medicine.