TJ BUMANLAG
NAGING masaya ang pagpasok ng bagong taon sa mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico matapos isilang ni Solenn ang kanilang unang anak.
Ipinanganak ni Solenn ang kanilang 3.1 kilogram na baby girl sa pamamagitan ng caesarean section sa St. Lukes Medical Center.
Sa Instagram ni Solenn, nagpost ito ng larawan kasama ang kanyang asawa habang nasa operating room at may caption itong “Best Way to Welcome 2020”.
Pinangalanan nila Solenn ang kanilang baby na Thylane Katana.
Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa mula sa mga kaibigan nito sa showbiz at maging sa netizens.
Matatandaang ikinasal sina Solenn at Nico noong taong 2016 at inanunsyo ang pagdadalang tao noong August 2019.