Ni: Hannah Jane Sancho
Hindi pa makumpirma ng Malakanyang kung imbitado si Pangulong Rodrigo Duterte sa 100th birthday anniversary ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa gagawin selebrasyon sa Libingan ng mga Bayani ngayong September 11.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nasa Davao City ang pangulong Duterte sa Lunes.
Gayunpaman hindi pa rin nakatitiyak ang Malakanyang kung magkakaroon ng pagbabago sa schedule ng pangulo at daluhan ang selebrasyon.
Una nang idineklara ng Malakanyang na isang holiday sa lalawigan ng Ilocos Norte para sa ika-100 araw ng kaarawan ng dating pangulong Marcos.
Magugunitang namahagi ng imbitasyon si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos sa mga kasamahan nito sa kamara para imbitahan sila sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulong Marcos.
Base sa imbitasyon magkakaroon ng misa sa umaga sa Libingan ng mga Bayani na susundan ng short program at lunch.