Miss. Universe 2018, Catriona Gray
Pinas News
KINUMPIRMA ni Binibining Pilipinas Charities Inc. Chairperson Stella Marquez-Araneta na nananatiling pagmamay-ari ng Binibining Pilipinas Charity ang Miss Universe Philippines franchise.
Sinabi ni Stella sa isang interview na hindi niya alam kung saan nanggaling ang rumors na ang Miss Universe Philippines franchise ay nakuha na ng LCS Group na pag-aari ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Sa hiwalay naman na interview, sinabi ni Chavit na hindi pa niya tinanggap ang offer sa kanya.
Nilinaw naman ni Chavit na ang pagmamay-ari niyang LCS Group ang magfi-finance ng 68th Miss Universe na magaganap sa South Korea ngayong taon.