MJ MONDEJAR
BUMUO ang kamara ng technical working group para bumuo ng isang consolidated bill na nag-aatas ng drivers education sa pagkuha ng driver’s license.
Napagkasunduan ng House Committee on Transportation na bumuo ng panibagong bill mula sa limang panukalang batas na nagtatakda ng mandatory driver’s education hindi lamang sa new application ng bagong lisensya kundi pati na rin sa renewal.
Ayon kay Iloilo Rep. Lorenz Defensor, titiyakin nila na sa TWG na makokunsulta ang lahat ng stakeholders bago ipasa ang panukala.
Siniguro din nito na magiging simple ang implementasyon ng programa upang madaling maintindihan lahat ang proseso.
Sa huli, nakipag-ugnayan na rin si Defensor sa House Committee on Ways and Means para siguruhin na subsidized ng road user’s tax ang driver’s education program.