• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

India

Labanan ang human trafficking

April 8, 2019 by Pinas News

Ni: Dennis Blanco

ANG human trafficking ay itinuturing na modern day slavery, isang ugnayan na kung saan may umaalipin at may inaalipin, na kung saan ang isang nilalang na mahirap at may malaking utang ay pinupuwersa na maging alipin ng kanilang amo o ng taong pinagkakautangan nito.

Sa isang sitwasyon na kung saan ang biktima ay nagiging alipin at bilanggo, marami itong iniiwan na pilat at sugat hindi lamang sa pisikal na katawan kung hindi lalong-lalo na sa sugatang puso at kaluluwa ng taong nakakaranas nito.  Kaya’t mahalaga na sugpuin ang human trafficking para mapalaya ang mga bikitima nito sa gapos ng pagkaalipin at ng sa gayo’y muling makapagsimula ng magandang buhay.

Ayon sa Article 3, paragraph (a) ng United Nations Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking of Persons, Especially Women and Children, na binanggit ng   United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang human trafficking ay ang “pagkuha, paglakbay, paglipat, pagkupkop o pagtanggap ng tao sa pamamagitan ng pagbabanta, o paggamit ng dahas, alinmang paraan ng pamimilit, pagdakip, pandaraya, panlilinlang, pang-aabuso sa kapangyarihan. Ito rin ay pagbibigay o pagtanggap ng bayad o benepisyo para makuha ng isang taong may kontrol ang pahintulot ng taong nasa kontrol nito para maisakatuparan ang layuning pagsamantalahan ito (UNODC, 2014).

Dahil dito ay umusbong ang dalawang mahusay na istratehiya kung paano masusugpo ang human trafficking — ang law enforcement centered approach at human rights centered approach.

Ang law enforcement centered approach ay nakatuon sa pag-aresto at pagkulong sa mga human traffickers. Binibigyang pansin nito ang mga kaparaanan sa paggawa, pagpapatibay at pagpapatupad ng mga programa, proyeko at batas para mahuli, maparusahan at makulong ang mga human traffickers. Inaako nito ang isang public-policy oriented na approach para labanan ang human trafficking sa pamamagitan ng pagtulong ng mga institusyon tulad ng pamahalaang nasyonal at lokal, lipunang sibil, kapulisan at militar, ganun na rin ang mga pamayanan at reporma sa mga batas sa aspeto ng law enforcement, policing at criminal justice system.

Samantalang ang human rights centered approach naman ay naka pokus sa pangangailangan at kapakanan ng mga biktima ng human trafficking. Ang pangunahin nitong layunin ay pagtatangol sa karapatang pantao ng biktima, at ang pagtaguyod ng kanilang mabuting kalagayan. Binibigyang diin nito ang recovery, rehabilitation at integration ng biktima upang makapagsimula muli at mapagtagumpayan ang bangungot ng kaniyang nakaraan.

Ayon kay Mishra (2013), ang human rights centered approach ay, “naniniwala na ang human trafficking ay masidhing paglabag ng karapatang pantao at ang biktima ang dapat na bigyan ng mas nararapat na proteksiyon. Ang konsentrasyon nito ay hinggil sa pagligtas at pagpapagaling ng biktima na wala gaanong kinalaman sa prosecution.”

Samakatuwid, malaking hamon ang pagsugpo sa human trafficking ng mga stakeholder institutions tulad ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, lipunang sibil, ng mga pamayanan at mamamayan na magsasama-sama na pawiin ang human trafficking para sa kaligtasan at katubusan ng sangkatauhan upang makapagtaguyod ng isang lipunan na malaya, makatao at marangal. Sa pamamagitan ng sama-samang pagmamatyag at pagkilos ng mga institusyong panlipunan ay kaya nating lutasin ang hamon ng human trafficking.

Sanggunian:

Mishra, Veerendra. 2013. Human trafficking: The stakeholder’s perspective. New Delhi, India: Sage Publication India Private Limited.

UNODC. 2014. Global Report on Trafficking in Persons. New York: NY.http://www.ungift.org/doc/knowledgehub/resourcecentre/2014/GLOTIP_2014_full_report.pdf accessed on 12 August 2015.

 

Opinyon Slider Ticker Dennis Blanco India New Delhi PINAS United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) UNODC 2014

OFWs: Remit, Patronize, Sell!

December 4, 2018 by Pinas News

Remit

Ni: Louie C. Montemar

“Remit, Patronize, and Sell” (RPS) — magpadala, itangkilik, at ibenta. Ang RPS, ayon sa yumao kong kaibigang si dating Ambassador Roy P. Señeres ay tungkol sa kung paano nakakatulong o makatutulong ang mga Pilipinong nasa ibang bansa, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFW), sa kanilang inang bayan.

Magpadala. Naiisip ba ng ating mga OFW na hindi binibilang bilang bahagi ng gross domestic product (GDP) ng bansa ang kanilang kinikita? Gayunpaman, bilang bahagi ng kabuuang gross national product (GNP) at lalo na sa pamamagitan ng pagpapadala sa ating bansa ng bahagi ng kanilang kita, nakakatulong ang mga OFW upang mapanatiling mas buhay ang ekonomiya ng bansa.

Salamat sa inyo mga kabayan naming OFW, ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mga bansang may pinakamalaking remittances para sa pambansang ekonomiya gaya ng India, China, at Mexico. Noong 2017 nakita natin ang pinakamalaking record ng pagpadala ng mga OFW para sa bansa. Umabot ito ng 28.1 bilyong dolyar.

Ang remittances o pagpapadala ng pera ng mga OFW ay nangangahulugan ng kabuhayan hindi lamang para sa isang pamilya, ito rin ay pangdugtong buhay para sa isang bansa na mahina ang baseng pang-industriya at pang-agrikultura.

Itangkilik. Lalo na ngayong magpapasko na naman, magandang paalalahanan ang mga OFW at ang kanilang mga pinadadalhang pamilya na, hanggang maaari, bumili ng mga produktong Filipino. Ito na marahil ang pinakasimpleng anyo ng bayanihan kung saan maaaring makisali si Juan sa araw-araw. Kung nasa ibang bansa tayo, maaari pa rin namang bumili ng mga produktong Filipino at tumangkilik ng mga serbisyo ng kabayan natin kung saan makikita ang mga ito. Kilala nating maigi ang ating lugar na kinalalagyan sa ibang bansa at tukuyin natin kung anong mga produkto at serbisyong Pilipino ang makikita sa mga lugar na ito.

Sa pagbabalik naman sa bansa ng isang OFW, lalo na kung talagang maganda ang kinikita, at nais  magliwaliw, nabisita na ba natin ang lahat ng higit sa walumpong lalawigan ng Pilipinas? Huwag maging banyaga sa sariling bayan at palaguin ang lokal na turismo. Palakasin ang mga produkto at serbsyo ng iyong bansa at kilalanin mo ang mga ito. Kilalanin mo ang iyong bansa dahil kailangan mo itong “ibenta.”

Ibenta. Mga kabayang OFW, itaguyod natin sa ibang bansa ang ating bayan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagsasabi ng magagandang bagay tungkol dito. Itaguyod ang mga produkto, serbisyo, kompanya, at lugar sa Pilipinas. Ibenta ang ideya na ang iyong bansa ay isang kamangha-manghang lugar na dapat mabisita. Tulungan ang Departamento ng Turismo na maitaguyod ang turismo sa ating bayan.

Isipin na lamang natin, may hindi bababa sa sampung milyong migranteng Pilipino ang nasa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Iyan ang pwersa na higit na magtataguyod sa Pilipinas. Sila ang mga buhay na buhay na billboard ng ating bansa.

OFW Slider Ticker China gross domestic product (GDP) gross national product (GNP) India Louie C. Montemar Mexico OFWs: Remit Patronize Sell! Pilipinas PINAS

Bigas at Galunggong, ‘in’ pa rin sa panlasang Pinoy

September 5, 2018 by Pinas News

Ni: Vick Aquino Tanes

 Hindi mawawala sa hapag kainin ng mga Pilipino ang kanin dahil ang staple grain na ito ay ka partner ng maraming paboritong ulam na Pinoy tulad ng adobo, sinigang, kare-kare, ginisang mungo, guinataang isda at ilan pang popular na lutuin.

Swak pa rin sa panlasang Pinoy ang galunggong na masarap ito bilang pinirito, adobong galunggong, paksiw at ginataang galunggong.

Sa panahon ngayon, tila nagkakahirapan nang bumili ng bigas na swak sa badyet ng mga Pinoy. Mayroon na kasing mga bigas na mula sa ibang bansa at inaangkat para sa karagdagang paninda subalit tila yata natatabunan ang ating mga bigas dahil pinapakyaw naman ito ng National Food Authority (NFA).

Ganuon din ang isda na kung saan ay marami nang klase ng isda na mapagpipilian kaya ang galunggong ay natatabunan.

 

BIGAS – Pangunahing pagkain ng pamilyang Pilipino

 

NFA rice sulit pang-masa

Sulit na sulit para sa masa ang NFA rice. Ito ay dahil sa mababang halaga na patok para sa mga pamilyang mahihirap subalit bakit sa mahihirap lang? Marami kasing klase ng bigas na mapagpipilian kaya na swak sa badyet ng ilang pamilyang Pinoy.

Mayroon tayong ipinagmamalaking Rice Granary of the Philippines sa Nueva Ecija at Cagayan, Banawe Rice Terraces sa Benguet at iba pang malalaking palayan ngunit bakit tila nagkakahirapan nang bumili ng bigas ngayon sa sariling bansa at kailangan pang bumili ng iba o mag-import ng bigas mula sa ibang bansa.

Bakit sa dami ng ating mga palayan ay nagkakaubusan pa rin ng bigas.

Sa nararanasang kahirapan sa bansa ay mumurahing bigas na lamang ang tanging nakakain ng ilang mga pamilyang Pinoy mula sa National Food Authority (NFA).

 

Galunggong – simpleng isda na patok sa panlasang Pinoy

 

Galunggong noon at galunggong ngayon

Tunay na masarap ang isdang galungong. Pinag-aagawan pa nga ito sa hapag-kainan lalo na kung malutong ang pagkakaluto.

Pero, ganito na rin ang sitwasyon ngayon sa paboritong isda ng mga Pinoy na galunggong. Alam n’yo bang tumaas na ang presyo ng galunggong na dapat sana ay abot kaya ng mga mahihirap nating kababayan.

Sa taas ng presyo nito na P160 hanggang P200 ang bawat isang kilo ay mamarapatin na lamang nilang kumain ng karne ng baboy o manok.

Simpleng isda subalit bakit hindi makontrol ng pamahalaan na ibaba ang presyo?

Pag-angkat ng bigas

Sa kabila ng pagsirit ng presyo ng bigas, nais paimbestigahan ni House Appropriations Committee Chairman, Davao City Rep. Karlo Nograles sa National Food Authority (NFA) ang pagsirit ng presyo ng bigas na una nang tumaas sa Zamboanga peninsula.

Ayon kay Nograles, kailangang matukoy agad kung may iligal na nangyayari sa kalakalan ng bigas sa lungsod ng Zamboanga para maagapan ito ng gobyerno o posibleng may nangyayaring manipulasyon sa panig ng mga rice traders doon.

Marami na kasing reklamo na mayroong mga rice trader ang nagho-hoard ng bigas kaya lalong napapataas ng mga ito ang presyo.

Kaya naman sa kabila ng hoarding, pasok ang NFA rice sa murang halaga.

Umaabot sa P55 hanggang P60 per kilo ang bigas sa Dipolog, Zamboanga Del Norte; Pagadian, Zamboanga Del Sur at Ipil, Zamboanga Del Sur habang P60 hanggang P68 per kilo naman sa Zamboanga City at mas malala naman umano ang sitwasyon sa Basilan dahil nasa P60 hanggang P70 ang kada kilo doon ng bigas ngayon habang nasa P27-30 lamang ang presyo ng NFA rice.

Bigas sa Mindanao, sumirit

Idineklara ang state of calamity sa Zamboanga City dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar, sa kanilang monitoring umaabot sa P50 hanggang P70 ang presyo bawat kilo ng bigas sa lungsod.

Ang Zamboanga City ay nangangailangan ng 180,000 na sako ng bigas para mapunan ang tatlong buwan na buffer stock.

Gayunman, nakatanggap lamang ito ng 40,000 hanggang 50,000 na sako ng NFA rice na bahagi ng subsidiya ng gobyerno at base sa monitoring ng Zamboanga City local government.

Sa bahagi ng Tumaga District umabot sa P68 kada kilo ang pinakamahal na presyo ng bigas habang P70 naman ang pinakamahal sa Ayala District at Manicahan District.

NFA, sosolusyunan ang problema sa bigas

Handa ang National Food Authority (NFA) na agapan ang kakulungan sa bigas mula sa tulong ng ating mga magsasaka.

Mas maaga umanong masasawata ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga merkado kung mayroon nang bagong suplay ng bigas.

Ayon kay National Food Authority spokesman Rex Estoperez, mahalagang sapat ang bigas ng gobyerno sa mga pamilihan para maging stabilize ang presyo ng bigas.

Isa sa mga isinusulong ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpataw ng taripa sa mga aangkating bigas kapalit ng pagtanggal sa quantity restrictions.

Kaugnay nito, pinagpaliwanag ng mga kongresista sa pagdinig ng House Appropriations Committee si Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol kaugnay sa mataas na presyo ng bigas.

Sa pagdinig sa panukalang P49.8 Billion na badyet ng DA, inatasan ng mga mambabatas si Piñol na pababain ang presyo ng bigas at iba pang mga pangunahing bilihin.

Nakitang solusyon naman ng NFA ay ang pagkakaroon ng Tariffication Bill na mag-aalis sa quota sa pag-import ng bigas na sa pamamagitan nito ay dadami ang suplay ng bigas na magpapababa ng presyo sa merkado.

Gayunman, dapat ding masiguro na mapupunta ito sa mga magsasaka para makabibili ng magandang binhi ang mga ito at madoble pa ang kanilang ani.

Bigas sa Zamboanga City, balik na ang suplay

Unti-unti nang bumabalik ang suplay ng bigas sa mga pamilihan matapos ang maagap na aksyon ng pamahalaan kaugnay sa pagsirit ng presyo nito.

Ibinalita ni Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar na bumabalik na ang normal ang suplay ng bigas sa lungsod matapos ang pagpasok ng suplay ng bigas mula sa Isabela City sa Basilan at mga imported rice na nagmula naman sa India.

Dumagdag pa ang 40,000 sako ng bigas mula sa NFA at may darating din mula sa Cotabato City at mga munisipyo ng Zamboanga Sibugay.

Patuloy na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry (DTI), NFA at mga rice supplier upang tuluyang maresolba ang kakulangan ng bigas sa lungsod.

Galunggong, hind lang pang-import, pang-export din

Dahil nga masarap ang galunggong ng Pilipinas ay nakararating na ito sa ibang bansa.

Ngunit sa kabila ng pag-export nito palabas ng bansa at siya naman ang pasok ng bagong isda, lalo na ang galunggong mula sa China.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), asahan ang pagdami ng isda at klase ng galunggong mula sa ibang bansa.

Sa katunayan ay pumasok na sa bansa ang may 17,000 metric tons na galunggong para umano madagdagan ang suplay sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, aprubado na ito ng pamahalaan at aprubado at inaasahang magpapatuloy ang pag-import nito hanggang 90-days.

Ngunit sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa pang-angkat ng galunggong ay tila nasisisi ang Department of Agriculture dahil pinapaboran umano nito ang pag-aangkat ng isda mula sa ibang bansa na dapat sana ay palakasin na lamang ang isda natin at hindi sagot ang importasyon.

“May mga reports sa amin na ang pagbagsak ng isda sa fish port, halimbawa ng galunggong, ibababa ng mga barko natin at fishing companies ang presyo sa 100 pesos per kilo na, bakit makikita natin pagdating sa mga palengke umabot na siya sa 140 o 160,” ayon kay BFAR Assistant Director Sammy Malvas.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang DA kaugnay sa naganap na paglabas ng mga baguhang isda.

Pagpasok ng imported na isda

Siniguro ng BFAR na hindi kakalat sa bansa ang mga imported na galunggong at tanging sa mga accredited facilities lamang ang bentahan nito.

Mahigpit kasi ang guidelines na ipatutupad ng BFAR para hindi malusaw ang bentahan ng local na galunggong.

Ayon naman sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) kailangan mas palakasin ng BFAR ang local production at hindi ang pagbebenta sa labas.

Malaki ang pag-aaring karagatan ng Pilipinas kaya asahan na malaki at maraming isda ang makukuha at tiyak na hindi magugutom ang mga Pinoy dahil sapat para sa lahat ang taglay na yaman ng bansang Pilipinas.

Pambansa Slider Ticker Agriculture Secretary Manny Piñol Ayala District Basilan BFAR Assistant Director Sammy Malvas Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Cotabato City Davao City Rep. Karlo Nograles Department of Agriculture (DA) Department of Trade and Industry (DTI) India Isabela City Manicahan District National Food Authority (NFA) Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) Pangulong Rodrigo Duterte PINAS Rex Estoperez Tariffication Bill Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar

Handa na ba tayo sa Pederalismo?

July 10, 2018 by Pinas News

Matagal nang ikinakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng partido niyang PDP-Laban ang Pederalismo para sa pag-asenso ng Pilipinas.

 

Ni: Quincy Joel Y. Cahilig

ISA sa mga pangunahing ikinakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, maliban sa giyera kontra droga at kurapsyon, ay ang pagpapalit ng klase ng gobyerno ng bansa mula unitary state tungo sa Pederalismo.

Matatandaan na bago pa ang pag-anunsyo niya sa pagsabak sa presidential elections noong 2016 ay lumibot sa bansa si Duterte, at kinakampanya ang pagpapalit ng gobyerno tungong Pederalismo.  At nang manalo bilang pangulo, siniguro niyang mangyayari ang pagbabagong ito sa loob ng kaniyang termino.

Subalit sa ikalawang taon ng kaniyang pagkapangulo, sa kabila ng malaking bilang ng kaniyang mga tagasuporta, marami pa ring mga Pinoy ang walang ideya kung ano nga ba ang Pederalismo at ang pagbabagong maidudulot nito sa buhay ni Juan Dela Cruz.

Base sa survey ng Social Weather Stations, 37 porsyento lamang ng mga Pilipino ang pabor na maipatupad ang federal system; samantalang 1 sa 4 na Pinoy ang may kaalaman sa nasabing sistema ng gobyerno.

Aminado naman ang Malacañang na ang resulta ng survey ay indikasyon na kailangan ng ibayong kayod sa panig ng gobyerno sa pagpapakalat ng impormasyon patungkol sa Pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan kumilos ang lahat ng nasa gobyerno, lalo na ang Consultative Committee (ConCom), na inatasan ng Pangulo na pag-aralan ang 1987 Constitution, lalo na’t tapos na ng kumite ang draft ng bagong Saligang-Batas, na nakatakdang ihain sa Pangulo bago ang kanyang State of the Nation Address ngayong Hulyo.

“Well apparently, the information drive is not enough. We’ll need to work harder given that the shift to federalism is the cornerstone of the Duterte administration,” wika ni Roque. “We expect that the next step of the commission is the information drive on what the changes and benefits the people can expect.”

Naniniwala naman si Senador Francis Pangilinan na sinasabi ng survey na hindi pa hinog ang Pederalismo at hindi dapat ito ipilit.

“Maliwanag sa resulta ng SWS survey na tatlo sa bawat apat na Pilipino ang hindi alam ang panukalang pagpalit ng sistema ng gobyerno sa Pederalismo na hindi pwedeng pwersahin ang Chacha,” wika ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Dagdag niya, bukod sa pagpapakalat ng impormasyon, dapat mas palakasin ng pamahalaan ang mga programa at institusyon upang mahikayat ang mamamayan na suportahan ito.

“Paano mauunawaan ng mamamayan nang malaliman ang Pederalismo kung wala namang maliwanag at konkretong mungkahi tungkol dito?” aniya.

 

ISANG ilustrasyon ng Pederalismo sa Pilipinas.

 

Pederalismo nga ba ang kasagutan?

Sa ilalim ng Pederalismo, magkakaroon ng mga estado sa Pilipinas, na bawa’t isa ay may sariling pamahalaan na may kapangyarihang ma-kagawa ng kani-kanyang mga batas sa kanilang mga nasasakupan. Ibig sabihin, mayroong mga bagay na ligal sa isang estado na bawal naman sa iba. At bawa’t estado ay malaya mula sa central o federal government. Ganito ang sistemang umiiral sa gobyerno ng US. At naniniwala ang mga nagsusulong nito na ito ang kasagutan sa kahirapan at kurapsyon sa bansa.

Naniniwala si dating Chief Justice Reynato Puno, chairman ng ConCom, Pederalismo ang kasagutan sa mga problemang hindi malutas-lutas sa ilalim ng kasalukuyang unitary government.

“The antidote is federalism, because the essence of federalism is non-concentration of power…“The essence of federalism is not just delegation of power but equitable distribution of the powers of government between the federal government and the government of its constituent states,” wika ni Puno sa ginanap na 1st National Forum and Public Consultation kamakailan.

Aniya, kalaganapan ng kahirapan sa bansa ay dulot ng sentralisadong gobyerno natin ngayon, na nakatuon ang pansin at serbisyo sa National Capital region at tila napapabayaan na ang ibang mga rehiyon at probinsya.

“Our government is Metro Manila-centered.  All things, everything orbits in Metro Manila.  The result is inevitable: Metro Manila and the neighboring regions wallow in prosperity.  The other regions suffer in poverty,” dagdag ni Puno.

Ayon naman kay ConCom Senior Technical Assistant at Spokesperson Ding Generoso, sa ilalim ng bagong Saligang-Batas, palalakasin pa ang kapangyarihan ng Ombudsman kontra kurapsyon. Ipinapanukala ng kumite na mula Office of the Ombudsman ay gawin itong Federal Ombudsman Commission, kung saan maraming commissioners ang tututok sa mga kaso at reklamo laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, na magpapabilis ng proseso.

“We can say that there has been really no significant reduction in graft and corruption in government. We’re talking about hundreds of billions of money lost. We have to speed up the investigation and prosecution and resolution of all graft cases and avoid what has become a buzzword in the government’s fight against corruption, the inordinate delay,” paliwanag ni Generoso.  “By having a Commission, you can have more commissioners looking at different cases.

 

Tinatalakay ng mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom), na inatasan ng Pangulo na pag-aralan ang 1987 Constitution tungo sa pagbabago ng Saligang-Batas at sistema ng gobyerno.

 

Wala sa klase ng gobyerno ang problema

Sa kabila ng pagtitiyak ng mga miyembro ng ConCom sa benepisyong dala ng Pederalismo, may mga nagbababala din na hindi tiyak na solusyon ang Pederalismo—at baka makasama pa ito para sa Pilipinas.

Tinawag ni dating Chief Justice Hilario Davide, Jr. na “anti-poor” ang Pederalismo dahil doble-dobleng buwis ang ipapataw sa mga tao sa ilalim ng naturang Sistema, na dagdag pasanin ng bawa’t Pinoy.

“Federalism is anti-poor because if you are a citizen of the country, and you belong into a state, the state would be imposed upon you — one form of taxation, that is the state tax; and at the same time, the federal government would also impose a tax against you…You have to maintain the state of the region and at the same time, you have to contribute to the central government. So, totally unavoidable,” paliwanag ni Davide.

Ayon naman sa political analyst na si Richard Heydarian, kahit anong klase pa ng gobyerno ang ipatupad, kung mananatili ang pag-iral ng pang-aabuso at pananamantala sa mga institusyon, ay mabibigo lamang ito.

Ipinunto din niya na mayroong mga developing countries, tulad ng Pilipinas, ang may federal government na nakararanas ng “extreme po-verty and hunger” gaya ng India, Brazil, at Nigeria.

“So long as the Philippine state remains weak, with oligarchs controlling our political office and the economy, whatever form of government we adopt is bound to fail. That’s why any Charter Change should come along with a more comprehensive reform of our whole institutions, not just form of government,” wika ni Heydarian.

Pambansa Slider Ticker brazil Chacha Chief Justice Hilario Davide Jr. ConCom Ding Generoso Federal Ombudsman Commission India Malacañang Metro Manila Nigeria Pangulong Rodrigo Duterte Pederalismo Pilipinas PINAS Quincy Joel Y. Cahilig Richard Heydarian Senador Francis Pangilinan Social Weather Stations Spokesperson Harry Roque SWS

Ang sports ay para sa lahat – “Saina Nehwal”

June 13, 2018 by Pinas News

Ni: Ana Paula A. Canua

KILALANIN ang kauna-unahang Indian player ng badminton star-player na si Saina Nehwal na napasama sa listahan ng top 6 Badminton World Federation in Women’s Singles category players sa buong mundo.

Higit pa sa pagkapanalo, nais ni Saina na dalhin sa labas ng court ang tagumpay dahil sa kanyang adbokasiya na baguhin ang nakasanayang pananaw sa naturang sports na para lamang umano sa mga kalalakihan.

“Changes are happening and girls continue to outperform and excel in life, but there is still a long way to go when it comes to sports. Women are traditionally not encouraged to indulge in sports.”

Katulad ng ilang bansa sa Asya, lumaki sa konserbatibong kultura ng Hyde-rabad India si Saina, kung saan tinuturing na libangan lamang ang sports at hindi bilang propesyon.

Tulad ng halos lahat ng bansa sa Asya na prayoridad ang maayos at estableng hanap-buhay, isang mala-king hamon na ipagpatuloy ang pangarap sa sports. Bukod sa kawalan ng suportang pinansyal hindi rin gaanong nabibigyang pansin ang paghihikayat sa kabataan na makamit ang tugatog ng husay sa pampalakasan.

Hindi lang basta husay may malasakit at pusong palaban

Lubos na hinangaan sa kanilang bansa si Nehwal dahil sa narating nito sa sports at ang nakabibilib na kakayahan niyang maiwagayway at madala ang tagumpay mula sa international sports leagues. Sa unang pagkakataon, siya ang Indian na nag-uwi ng medalya sa BWF major individual events gaya ng Olympics, BWF World Championships at BWF World Junior Championships. Ngayon ay may 21 medalya si Nehwal at isa sa highest paid athlete sa buong mundo.

National Awardee

Apat na beses na bini-gyang pugay ng bansang India. Una ay ang Arjuna Award noong 2009 at ang Padma Shri Award na pang-apat sa pinakamataas na civi-lian honour sa India.

Ginawad din sa atleta ang Rajiv Gandhi Khel Ratna Award, ang maituturing na pinakamataas na award dahil sa pinakitang husay sa sports. Ang salitang “Kehl Ratna” ay may direct translation na “sports jem” sa salitang Hindi.

Taong 2016, nakamit niya ang Padma Bhushan ang pa-ngatlo sa pinakamataas na civilian honor sa India.

Maituturing na maimpluwensya si Saina hindi lamang sa larangan ng sports kundi bilang inspirasyon sa kabataan at kababaihan dahil napatunayan niya na kayang maki-pagsabayan ng isang Asyano sa dominanteng Russia at America sa badminton court.

Milya-milyang pangarap

Pinaka-unang hamon na kinakaharap ng isang atleta ang kawalan ng sponsors upang matugunan ang pangu­nahing mga panga­nga­ilangan. Bilang wa­lang pi­nansyal na su­porta, ku­mayod ng husto ang magulang ni Saina para masuportahan ang potensyal ng anak. Noong simula walang coach na tumatagal kay Saina dahil tulad ng lahat ng nagsisimulang atleta hindi gaano kagalingan ang kanyang pinapakitang potensyal.

Ngunit talikuran man ng ilang trainers, hindi sumuko ang magulang ni Saina para makahanap ng trainer na hahasa sa anak para mahubog ang isang kampeon. Hanggang sa mahanap nila si Nina Prasad mula sa Lal Bahadur Stadium na kilala dahil sa husay sa badminton.  Kasama ang ama, bumabyahe sila ng 25 kilometro o ilang oras para makarating sa trainings.

Noon pa man, malinaw na kay Saina na higit pa sa liba-ngan ang badminton. Dito nailalabas niya ang kanyang potensyal at nagkakaroon ng kabuluhan ang kanyang pagsisikap. Sa ngayon kapag nagbabalik –tanaw, lubos ang pasasalamat ni Saina sa kanyang magulang dahil hindi nila ito sinukuan.

Mula sa pagbili ng raketa, isusuot na sapatos at damit gayundin ang pagkuha ng coach sa anak, ginawa ng magulang ni Saina ang lahat para marating ang milya-milyang pangarap ng anak.

Payo sa kabataan at kababaihan

Sa patuloy na adbokasiya niya na hikayatin ang kababaihan at kabataan na pasukin ang indibidwal sports, nais niya na magtuloy-tuloy pa ang pagkikibahagi ng Asya sa international competitions. Aniya hindi lamang talino mayroon ang mga kababaihan pati rin ang kakayahan para lumaban.

“One of the reasons is the assumption that sports cannot be a profession for girls and that it distracts them from doing well at studies. In my experience, I have met a lot of girls who are equally interested in sports but lack a proper direction to take their interest forward.”

“They are still being pushed to do well at studies and try and build a career in professions ‘perceived’ as made for girls. People, especially, from tier-II and tier-III towns are often disadvantaged as they do not get as many opportunities as people from the metros. We need good sports people who can make our country proud.”

Higit sa medalya at kampeonato, nais din ni Saina na maipanalo rin ang laban sa labas ng court, “among other stories of success, can help bring about a nationwide change in the mindset of people who still go by old perceptions.

Slider Sports Ticker Ana Paula A. Canua Badminton World Federation in Women’s Singles category players BWF World Championships BWF World Junior Championships India National Awardee PINAS Rajiv Gandhi Khel Ratna Award Saina Nehwal

Pinoy netizens, damay sa FB ‘data leak’ scam

April 24, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

SA patuloy na pagyabong ng teknolohiya ng komyunikasyon, napatunayan nating mga Pinoy na hindi tayo magpapahuli sa paggamit nito. Minsan ay nabansagan na ang bansa bilang “texting capital of the world” dahil sa dami ng bilang ng Pilipinong gumagamit ng short messaging service sa kanilang cellphones. At nang umusbong ang social media sa internet, tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Snapchat ay naging pangunahing paraan ito upang maging “connected” tayo sa isa’t-isa.

Hindi maitatanggi na ang Facebook ang pinakatanyag na social media sa buong mundo, na may 2.2 bilyong users.  Sa Pilipinas, mayroong 47 milyong aktibong gumagamit ng nasabing social media para makipag-usap at maging updated sa mga kaibigan, kamag anak; pagsagap ng impormasyon at balita; gayon din ang iba’t-ibang uri ng libangan tulad ng viral videos at online games at maging sa pagnenegosyo. Talagang parte na nga ng ating buhay sa modernong mundo ang social media.

Subali’t kasalukuyang inu-ulan ng batikos ang Facebook dahil sa iskandalong kinasasangkutan nito, kung saan nagbunyag ang pagkulimbat ng research firm na Cambridge Analytica, na nagsilbing consultant sa kampanya noon ni US President Donald Trump, ang data ng 87 milyong FB users sa buong mundo.

Sa pamamagitan umano ng isang personality-quiz app na “This Is Your Digital Life”, nakuha umano ng kumpanya ang mga personal na impormasyon ng mga netizens upang mapulsuhan kung anong mga katangian na hinahanap nila sa isang leader. Ito ang ginawang batayan umano sa pagbuo ng estratehiya ng kampo noon ni Trump para umarangkada sa 2016 US Presidential Elections.

Dahil sa data leak, ginisa ng mga miyembro ng US Congress ang CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg. Nakumpirma sa kanilang imbestigasyon na maari ngang magamit ang Facebook ng ilang grupo para sa mga political agenda tulad ng ginawa umano ng Russia na nag-“weaponize” sa nasabing social media platform  upang maka-impluwensya sa nakaraang eleksyon sa Amerika.

Aminado naman si Zuckerberg na isang malaking pagkakamali ang nangyari.  Aniya, maging ang kanyang data ay nakuha ng Cambridge Analytica, kaya naman isang “complex issue that deserves more than a one word answer” ang isyu ng data privacy ng mga Facebook users.

Bukas naman ang 33-year old executive na makipagtulungan sa pagbabalangkas ng mga panuntunan upang mabantayan ang mga pribadong impormasyon ng mga netizens, gaya ng suhestiyon  ni  Sen. Amy Klobuchar ng Minnesota ng pagkakaroon ng 72-hour notification kung may maganap na breach of privacy.

Samantala, inanunsyo ng Cambridge Analytica na burado na ang lahat ng data na binili nila mula sa researcher na si Aleksandr Kogan, at nagsagawa sila ng internal audit para masiguro ang pagbura sa mga kontrobersyal na data, alinsunod sa pakiusap ng Facebook.

Sapul ba ng ‘data leak’ ang Pinoy FB users?

Hindi naiwasang mangamba ang mga Pinoy netizens na baka nagamit at magamit ang kanilang mga pribadong impormasyon ng ilang pulitiko, lalo na’t inanunsyo ng Facebook na halos 1.2 milyong Pinoy FB users ang maaring apektado ng data leak scandal.

Umalingawngaw ang alegasyon na nakinabang din ang kampo noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga data na nakalap ng kontrobersyal na research firm kaya ito nanalo sa pambansang halalan noong 2016.

Lumabas sa South China Morning Post ang larawan na kasama ng apat na Duterte campaign supporters na sina Peter Laviña and Jose Gabriel “Pompee” La Viña, Taipan Millan  at dating pangulo ng National Press Club Joel Sy Egco si Cambridge Analytica CEO Alexander James Ashburner Nix, na direktor din ng behavioral research group na Strategic Communication Laboratories Group (SCL).

Binanggit din sa isang ulat na tinulungan umano ng SCL ang isang kandidato sa Pilipinas na baguhin ang imahe nito bilang isang “strong, no-nonsense man of action”, base sa mga dokumentong nakalap nito noong 2013. Bagama’t hindi pinangalanan ang naturang kandidato sa report, may mga spekulasyon na si Pangulong Rodrigo Duterte ang tinutukoy dahil akma sa kanya ang nabanggit na imahe.

Pinabulaanan naman ng Malakanyang ang inilutang na isyu. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez, na tumayong ingat-yaman ng Duterte campaign team, na hindi siya nagbayad ni isang kusing sa Cambridge Analytica.

“The President won the election fair and square with an overwhelming mandate of over 16 million votes and a margin of over six million. Support for the former Davao city mayor was from all sectors and not just from Facebook or online; thus, the Duterte campaign did not have to purchase information,” pahayag ni Roque.

“We should respect the President’s landslide victory, which was a result of the trust and confidence of the Filipino people, and not undermine it with unsubstantiated allegations.”

Facebook, dapat magpaliwanag sa PH gov’t

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), hindi sapat ang paliwanag ni Zuc-kerberg sa nasabing kontrobersiya nang siya ay humarap sa pagdinig ng US Congress.

“We acknowledge the communications of your global and regional representatives made directly to our office,” nakasaad sa liham ng NPC kay Zuckerberg noong Abril 11. “Unfortunately, your response has been generic and inadequate to satisfy the mounting concerns of Filipino users.”

Sa isang statement ay sinabi ng Facebook na handa nilang sagutin ang mga tanong ng ahensya at makipagtulungan dito.

“We are strongly committed to protecting people’s information. We are engaged with the Philippine National Privacy Commission on this,” pahayag ng FB.

Isa lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa labas ng US na gustong kastiguhin ang Facebook dahil sa data leak. Ang mga bansa ng United Kingdom, Australia, Brazil, Mexico, Indonesia, Canada, India, at Vietnam ay nais din papanagutin ang nangungunang social media company.

Samantala, maaring malaman ng Facebook users kung nakuha nga ba ng Cambridge Analytica ang kanilang personal data sa Help Center nito (www.facebook.com/help). Maari rin malaman at mai-download kung anu-anong data ng isang user ang hawak ng Facebook sa pagpunta sa www.facebook.com/settings, at i-click ang “Download a copy of your Facebook Data”.

Facebook, nahaharap sa krisis

Internasyonal Slider Ticker Alexander James Ashburner Nix Australia brazil Cambridge Analytica Canada Facebook Harry Roque India Indonesia Joel Sy Egco Mark Zuckerberg Mexico National Privacy Commission (NPC) Pangulong Rodrigo Duterte Pilipinas Strategic Communication Laboratories (SCL) United Kingdom Vietnam

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.