YESHA ENDAR
UMATRAS na sa Miss Universe 2020 pageant si 2018 Binibining Pilipinas – International Athisa Manalo.
Sa kaniyang Instagram account, inanunsyo ng beauty queen ang naturang pag-back out sa pageant.
Paliwanag ni Athisa, kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang kaniyang kalusugan.
Mas makabubuti aniya na magwithdraw muna sa naturang kompetisyon kaysa hindi nito maibigay ang kaniyang 100% na performance.
Siniguro naman ni Athisa na muli ito susubok na sumabak sa Miss U oras na naibalik niya ang kaniyang lakas.