Grumadweyt ang may isang daan at dalawampu’t siyam na mag-aaral ng San Jose City Skills Training Center ang nagsipagtapos na may temang “Investing in the 21st Century Skilled Filipino Workforce”.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan napagkalooban sila ng libreng tuition fee sa kursong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) at sumailalim sila sa 268 hours training para sa NC-II at 260 hours naman para sa NC-I.
Binati naman ni punong lungsod Mario Kokoy Salvador ang mga nagsipagtapos at sinabi niya na mahalaga ang pagkakaroon ng national certificate dahil isang paraan aniya ito upang mabilis silang matanggap sa trabaho lalo na sa abroad.
Pinangunahan naman ni city administrator Alexander Glen Bautista ang paggawad ng certificate kasama sina konsehal Patrixie Salvador at ang guest speaker na si Emmylou Busayong.
Dumalo rin sa okasyon sina Vice Mayor Glenda Macadangdang, konsehal Ronald Lee Hortizuela, PESO Head Zeny Barangan at TESDA Provincial Training Center Head Engineer Esteban Samatra Jr.