Ni: Jonnalyn Cortez
INIHALAL na ang bagong presidente ng Philippine Olympic Committee, ang hepe ng boksing na si Ricky Vargas, kamakailan. Ito ay pagkatapos ng nangyaring botohan sa Wack Wack Golf and Country Club.
Idineklara ng komisyon ng POC na pinamumunuan nina Frank Elizalde, Alberto Agra at Bro. Bernie Oca ang pagkapanalo ni Vargas. Nakatakda itong maglingkod hanggang sa natitirang termino ng dating presidente ng komite na si Jose “Peping” Cojuangco sa 2020. Nakakuha ng 24 na boto si Vargas mula sa 43 kwalipikadong botante, kabilang dito ang mga pambansang asosasyon sa sports at mga atleta. Sa kabilang dako, nakakuha naman ng 15 boto si Cojuangco.
PAGSUKO NI PEPING
Tinanggap naman ng dating pangulo ng POC na si Cojuangco ang resulta ng naganap na eleksyon na nagpanalo kay Vargas. Sinabi ni Cojuangco na ni-rerespeto nito ang desisyon ng mayorya ng pangkalahatang asembleyo na iluklok si Vargas bilang bagong pangulo ng POC. Ito ay naganap sa isang panayam para sa mga mamahayag sa bahay ni Cojuangco sa Makati City. Plano rin ni Cojuangco na ituloy ang pagdalo sa pang-kalahatang asembleyo ng POC bilang presidente ng
kalipunan ng mga mangangabayo sa bansa.
Anito, “maski naman nung araw eh, when I was president of bowling and golf” dumadalo pa rin ito sa mga pagpupulong. Wala ring sama ng loob sa POC ang dating presidente sa pangkalahatang asembleyo. Kahit pa nga sa dating representante ng International Olympic Committee (IOC) para sa Pilipinas na si Frank Elizalde, na siyang nagdeklara kay Vargas na karapat-dapat tumakbo para sa eleksyon ng POC.
KONTROBERSYA SA POC
Dahil sa kontrobersya at pagkakaibaiba ng pananaw ng mga namumuno sa POC, sinasabing ang pagkakahalal kay Vargas ay maaaring ma-ging simula ng pagkakasundo-sundo ng mga ito. Ngunit, iba ang pananaw ni Elizalde nang tanungin ito kung maisasaayos ba ni Vargas ang politikang pampalakasan sa Pilipinas.
Sinabi ni Elizalde na malaya si Cojuangco na umapela sa IOC pagkatapos nitong sabihin na ipababatid nito ang tungkol sa muling halalan na naganap pagkatapos ipawalang-bisa ng korte ng Pasig ang kanyang ika-apat na termino. Wala umanong mga bata-yan para sa POC para harapin ang posibleng suspensyon.
“The IOC already said to go ahead with this election and the election took place now, there seems to be no objection to how it was carried out so there are no grounds for any further action by the IOC,” paliwanag ni Elizalde.