Ngayon, marami nang magagawa ang iyong smartphone, na dati ay sa computer lamang nagagawa. Ang pangangailangan din sa laptop ay lubhang mahalaga, lalo na para sa mahihirap na gawain. At madalas, ang dalawang devices ay totoo namang parehong gumagana nang mahusay.
Kung pamilyar ka sa Google’s Chrome Remote Desktop, isang app na hahayaan kang maakses at makontrol nang direkta ang iyong computer mula sa iyong smartphone o tablet saan ka man naroroon, maaari mo ring makita ang image ng iyong Windows computer at maakses ito kahit sa malayuan.
Halimbawa namang gusto mong gamitin ang iyong smartphone at ang iyong computer nang magkalapit, maaari mong ikonsidera ang Remote Mouse mula sa developer na Yang Tian Jiao. Ang naturang app na ito ay mabilis na ginagawa ang iyong Android, iOS o Windows phone patungo sa isang wireless mouse na magagamit mo sa iyong Mac o Windows computer.
Step 1. I-install ang Remote Mouse sa iyong computer — Sa iyong Windows o Mac, i-download ang naaangkop na bersiyon ng Remote Mouse, na nasa ibaba:
Windows (Vista+)
Mac OS X (10.5)
Kapag tapos nang ma-install ang app, piliin ang “OK,” na magke-create ng isang application icon sa taas ng iyong menu bar, kung saan ay maaari mo nang makontrol ang auto start at maisaayos ang iba pang settings.
Step 2. I-install ang Remote Mouse sa iyong smartphone — Sa bahagi ng mga mobile device, kailangan mong i-download ang Remote Mouse sa Android man o iOS o sa Windows phone na binabanggit sa ibaba. Bago buksan ang app, tiyaking ang iyong mobile device gayundin ang iyong desktop ay gumagamit ng iisang Wi-Fi network.
Android (3.0+)
iOS (7.0+)
Windows Phone (8.0+)
Step 3. Gamitin ang iyong smartphone bilang isang mouse — Tiyaking ang Remote Mouse ay naka-enable sa iyong computer, pagkaraan ay buksan ang app sa iyong mobile device at magsisimula na itong i-search ang iyong computer, na aabot lamang ng ilang segundo.
Kapag ito ay naikonekta na, maaari mo na itong gamitin bilang isang mouse. Igawi ang iyong daliri sa kabila ng screen upang ilipat ang cursor. I-tap sa pamamagitan ng isang daliri sa left-click, dalawang daliri sa right-click at i-pinch upang mag-zoom in.
Tandaan, na kung may iba ka pang mga taong kasama sa iyong network, makaaakses din sila sa iyong computer sa pamamagitan ng pagda-download sa app, kung kaya kailangang sigurado kang ikaw ay nasa mapagkakatiwalaang kapaligiran.
Step 4. Gamitin ang iyong smartphone upang i-power down, i-restart at kontrolin ang musika — Sa iyong mobile device, gamitin ang computer icon sa itaas (pangalawa mula sa kaliwa) upang i-power off at i-restart ang iyong computer, gayundi’y ilagay ito sa ‘sleep’ at i-log out ang iyong profile.
Ang play icon ay hahayaan kang makontrol ang musika sa iTunes, Keynote, Hulu at Front Row sa Mac at iTunes, PowerPoint, Windows Media Player at Windows Photo Viewer sa Windows. Bagama’t ito ay may bayad, kung kaya kailangan mong gumawa ng in-app purchase para magamit ito.
Step 5. Gamitin ang iyong smartphone bilang keyboard at open apps — Maaari mong ma-view ang apps sa iyong computer’s dock mula sa window icon, kung saan ay makapagbubukas ka ng app sa pamamagitan lamang ng pagta-tap dito bagama’t sa kasalukuyan, wala pang paraan upang maisara ang mga ito.
Sa wakas, mayroon ka nang keyboard icon, kung saan ay makapagta-type ka sa alinmang text field sa iyong computer gamit ang keyboard mula sa iyong smartphone. Gamit ang ‘return’ key rito ay gumagana rin ito bilang ‘Enter/Return’ sa iyong computer.
Iba pang mouse settings at more pro features — Iakses ang iyong settings sa pamamagitan ng pagta-tap sa four-dash menu icon, kung saan ay makokontrol mo ang tracking at scrolling speeds gayundin ang toggle volume controls, secondary clicks, zoom, sound effects at maging ang baguhin ang trackpad background.
Sa “Panels,” maaari mong i-view ang ilan sa mga libreng feature gayundin ang mga may bayad tulad ng Spotify Remote, Image Transfer at Remove Ads.
Paalaala lang, na kung may Touch ID na naka-enable sa iyong device, mag-ingat lamang dahil napakadaling i-tap ng “GET” button nito at mabilis na makabibili ng isang bagay sa pamamagitan lamang ng pagpe-press down sa iyong iPhone’s Home button.
Sa kabuuan, kahit na wala ang in-app purchases, ang app ay gagana nang mahusay sa Mac. Ang setup ay inaabot lamang ng ilang segundo at totoong mai-impress ka sa ‘touch response’ at ang mga function na shutdown, restart at sleep.