• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - March 07, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Iran

Ang larong basketball at ang pagkamakabansa

December 18, 2018 by Pinas News

basketball

Ni: Dennis Blanco

Ayon kay Rafe Bartholomew sa kanyang libro na pinamagatang “Pacific Rim: Beermen Ballin’ in Flip-Flops in the Philippines’ Unlikely Love Affair with Basketball,” ang Pilipinas ay isang “basketball crazy republic” kung saan ang football, volleyball at baseball ay pangalawa lamang kumpara sa basketball na itinuturing na pangunahing laro. Sadyang napakahilig ng mga Pinoy na maglaro at manood ng basketball.

Nandiyan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa ating bansa at ang National Basketball Association (NBA) sa Estados Unidos bilang mga professional leagues na kung saan hinahangaan ang mga sikat na basketbolista tulad ni June Mar Fajardo, Jayson Castro at Paul Lee sa PBA at LeBron James, Stephen Curry and Kevin Durant sa NBA. Hindi rin pahuhuli ang mga amateur leagues na kinabibilangan ng mga collegiate leagues tulad ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA).

Itong mga nakaraang araw ay nasaksihan ng madlang Pilipino ang FIBA Asian Men’s Qualifier kung saan ang Smart-Gilas Philippine Men’s Basketball team ang siyang nagsilbing host sa kalabang Kazakhstan at Iran. Nadurog ang puso ng Pinoy fans nang magkasunod na nabigo ang kanilang pambansang koponan sa Kazakhstan at Iran bagamat mayroon itong homecourt advantage at naglalaro sa harapan ng kanilang mga kababayan.

Kung ang kampanya ng Smart-Gilas ay istorya ng kabiguan, ang katatapos na UAAP Men’s Basketball Championship ay kwento ng pananalig at tagumpay. Pagkatapos ng tatlumpu’t-dalawang taon ay muling nakabalik ang University of the Philippines Fighting Maroons sa finals laban sa defending champion na Ateneo de Manila University Blue Eagles. Bagamat natalo ang UP sa ADMU ay nagsilbi itong kuwento ng inspirasyon ng paghango mula sa ibaba patungo sa rurok ng tagumpay. Matatandaan na mayroon ding nakaraang season kung saan ay wala silang naipanalo o nakapanalo man lang ng isang game. Subalit sa suporta ng kanilang mga alumni, fans at ng buong UP community, kasama na ang pito pang constituent universities nito sa buong bansa, muling nakabalik ito sa UAAP finals matapos nitong talunin ang twice-to-beat na Adamson University Soaring Falcons sa dalawang makapigil hiningang laro na itinuturing na isa sa mga pinakamagandang game sa kasaysayan ng UAAP.

Subalit ang sadyang nagpaigting sa matagumpay na kampanya ng Fighting Maroons ay ang mga salitang “Atin ito. Papasok ito” na namutawi sa labi ng kanilang team captain at inspirational leader na si Paul Desiderio noong laro ng Maroons laban sa UST Growling Tigers, ang unang laro nila nung nakaraang taon, na kung saan may maliit na segundo na lang ang natitira at kailangan ang three point shot para manalo na nagawa ngang ibuslo ni Desiderio. Mula noon, ang salitang “Atin Ito” ang nagpataas ng kumpiyansa at pananalig ng koponan na lahat ay posible kung aakuin nito ang kakayahan at responsibilidad na manalo bilang isang nagkakaisa at nagdadamayang koponan.

Sa huli, ay aking napaglagom na ang mga katagang “Atin Ito” ay sumasagisag na gawin at kamtin ng may paninidigan ang mga adhikaing nararapat ay para atin nang makita ko ang isang placard na hawak-hawak ng mga fans ng UP Fighting Maroons habang nanood ng laro na may mensaheng, “Atin Ito, West Philippine Sea”, “Atin Ito, Human rights”. Samaktuwid, ang katagang “Atin Ito” ay puwedeng sumalamin sa isang pambansang damdamin na nagnanais ng hustisya at katarungan  na sadyang nararapat akuin nino man na sa palagay nila ay  sadyang nararapat na ibigay para sa kanila bilang mamamayan sa ngalan ng  pambansang soberaniya at  pambansang kapakanan. Atin Ito. Pilipino tayo.

Opinyon Slider Ticker Ateneo de Manila University Blue Eagle Iran Jayson Castro June Mar Fajardo Kazakhstan Kevin Durant Lebron James National Basketball Association (NBA) National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA) Paul Lee Philippine Basketball Association (PBA) Rafe Bartholomew Smart-Gilas Philippine Men’s Basketball team Stephen Curry Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) UST Growling Tigers

Philippine Malditas: Dibdiban ang laban para sa bayan

November 27, 2018 by Pinas News

SA kabila ng mga pagkabigo, tuloy pa rin ang laban ng Philippine Women’s National Football Team sa pagkamit ng inaasam-asam na FIFA World Cup spot.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

Pagdating sa sports, hinding-hindi magpapahuli ang atletang Pinoy na humuhugot ng galing at tibay mula sa pusong determinadong manalo.

Maliban sa boxing at basketball, nakikilala na rin ang mga pambato ng ating bansa sa larangan ng football. Kamakailan, ipinamalas ng Philippine Women’s National Football team na hindi lamang ang kanilang husay, kundi maging ang kanilang pagnanais na mailagay sa mapa ng football ang Pilipinas  nang makapasok ang koponan sa ikalawang round ng 2020 women’s Olympic football qualifiers na ginanap sa Hisor Central Stadium sa Tajikistan kamakailan.

Ang Philippines Women’s National Team, na kilala din sa bansag na “Philippine Malditas” ay binubuo ng mga manlalaro mula sa Philippine Football Federation tournament at University Athletic Association of the Philippines na sina  Inna Kristianne Palacios,  (Green Archers United FC); Nicole Julliane Reyes Reyes  (University of Santo Tomas); Ivy Lopez   (University of Santo Tomas) ; Hannah Faith Pachejo (Far Eastern University); Hali Moriah Long  (Green Archers United FC); Analou Amita (OutKast FC); Kathleen Camille Rodriguez (Hiraya FC); Alesa Dolino (OutKast FC); Irish Navaja  (De La Salle University); Shelah Mae Cadag (University of Santo Tomas); Hazel Lustan  (University of Santo Tomas); Sara Isobel Castañeda (De La Salle University); Patricia Tomanon (Florida International University);Mea Bernal (OutKast FC); Martie Cinelle Bautista (Ateneo de Manila University; Charisa Marie Lemoran  (University of Santo Tomas); Kyla Jan Inquig (Green Archers United FC); Kimberly Parina (Far Eastern University); Patrice Impelido (Hiraya FC); at Alisha Clare Del Campo (De La Salle University). Ang kanilang headcoach ay si Marnelli Dimzon, kasama ang mga assistant coach na sina Gerald Orcullo at Melo Sabacan, at Team Trainer Prescila Rubio.

Kasama ng koponan sa mga nakapasok sa susunod na round ang Chinese-Taipei, Hong Kong, Jordan, at Iran. Bahagi ito ng kanilang laban para sa pagkakataong makalahok sa 2020 Summer Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng ating Pinay football heroines ang second round ng qualifiers na gaganapin sa Abril 2019.

SINORPRESA ng Philippine Women’s National Football Team ang host country na Jordan sa 2018 Asian Football Confederation Women’s Asian Cup.

CINDERELLA JOURNEY

Bagama’t hindi pa maituturing na isang lubos na tagumpay ang pagkakapasok ng Malditas sa second round ng Olympic qualifiers, masasabi naman na isa itong achievement para sa Philippine Football. At kung titignan ang journey ng koponan, nararapat lamang na hangaan ang ating mga manlalaro dahil sa pagpupursigi na makapagdala ng karangalan sa ating bansa,  lalo na’t sa madalas na pagkakataon, ang women’s  national team ng Pinas ay itinuturing na underdog sa mga tournament.

Nagsimula ang misyon ng Malditas na isakatuparan ang matagal nang pangarap na makalahok sa 2019 FIFA Women’s World Cup nang makasali sila sa 2018 Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup sa Jordan.

Bahagi ng paghahanda ng koponan, isinailalim ang mga atleta sa Project Jordan. Sa ilalim ng programang ito, kinuha ng PFF ang US-based coach na si Richard Boon at nag-training sa US ang mga atleta sa loob ng tatlong buwan at sa Osaka, Japan ng isang linggo.

“It’s the most important tournament of all our careers,” sabi ni Fil-Canadian Jesse Shug, na kasama sa line-up ng koponang sumabak sa naturang tournament. “It’s our chance to make history not only for this team but for women’s soccer as a whole in the Philippines.”

Subali’t sa kabila ng mga paghahanda at magandang performance na ipinakita ng Malditas, na-eliminate ang mga pambato ng bansa sa AFC Women’s Asian Cup, nang sila ay talunin ng Thailand.  Brokenhearted din ang national team sa Asian Football Federation Women’s Championship nitong Hulyo sa Indonesia, nang sila ay pinaluhod ng Vietnam sa semis race.

Gayon pa man, hindi pa rin sumusuko ang Malditas sa kanilang laban para matupad ang pangarap sa kabila ng mga kabiguan. Sa kanilang pagpasok sa second round ng 2020 Tokyo Olympics qualifiers, nananatiling buhay  pa rin ang kanilang pag-asa na makapag-uwi ng malaking karangalan para sa bayan.

MVP SPORTS FOUNDATION KAAGAPAY NG MALDITAS

Samantala, malaki ang pasasalamat ng Philippine Football Federation sa suportang patuloy na natatanggap ng mga football players ng bansa mula sa MVP Sports Foundation (MVPSF)

Ang MVPSF ay isang privately-funded foundation na kabilang sa MVP Group of companies ng tycoon na si Manny V. Pangilinan. Layunin nito na bigyan ng suportang financial at technical ang mga sports programs ng bansa upang lalo pang pag-husayin ang mga atletang Pinoy.

Nagbigay pasasalamat si PFF General Secretary Atty. Edwin Gastanes ang Foundation sa malaking suporta ng MVPSF sa Philippine Malditas sa pagsali ng koponan sa mga tournament.

“We are thankful that the MVP Sports Foundation has decided to support the Philippines Women’s National Team. Women’s football in the country is growing and many, including football stakeholders appreciate this kind of support,” wika ni Gastanes.

Ipinahayag naman ni MVPSF President Al Panlilio na walang sawang tutulong ang kanilang organisasyon sa mga atletang Pinoy sa kanilang paghahanda sa susunod na Olympics.

“As a private entity on a mission driven by pure love and passion and with our battle cry ‘puso,’ MVPSF seeks to further provide support to our athletes, especially as the country prepares for the 2020 Tokyo Olympics,” aniya.

Slider Sports Ticker 2018 Asian Football Confederation (AFC) Chinese-Taipei FIFA Women's World Cup Hong Kong Iran Japan Jordan MVP Sports Foundation (MVPSF) MVPSF President Al Panlilio PFF General Secretary Atty. Edwin Gastanes Philippine Malditas PINAS Quincy Joel Cahilig Richard Boon Tokyo

Hatol ng FIBA sa Gilas na manlalaro, PBA sumaklolo

August 29, 2018 by Pinas News

Ilan sa mga napipisil na PBA players ang sumaklolo sa kanilang kapwa PBA at Gilas players na masususpinde sa darating na 2nd round ng FIBA Qualifying tournament na magsisimula ngayong Setyembre.  

Ni Edmund C. Gallanosa

ISANG buong buwan na lamang ang magiging paghahanda ng Gilas Pilipinas bago magbukas ang 2nd round ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers tournament.  Kabilang ang Pilipinas sa Group F ng nasabing torneo, kasama ang bigating bansa tulad ng Iran, Qatar, Kazakhstan, Japan, at guess who? Ang Australia.  Subalit malaki ang suliranin kakaharapin ng team Gilas—ibinaba na ang hatol na suspensyon mula FIBA sa mga manlalarong nasabak sa gulo noong huling laro ng Gilas kontra Australia. Sa pagpasok ng round 2, ipapataw ang suspensyon sa mga may sala.

Sa team Gilas, 10 ang sinuspindeng ilang araw ng paglalaro.  Nangunguna si Calvin Abueva na suspendido ng 6 na laro; si RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon, 5 laro; suspendido naman si Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario ng 3 laro; at si Japeth Aguilar at Matthew Wright ay masususpinde naman ng isang araw na laro.

Malaking dagok ito sa ating bansa at sa pagkakataon nitong manalo sa FIBA Championship.  Sapagkat kung iintindihing maigi, malalagasan tayo ng walo hanggang sampung manlalaro sa tatlo hanggang limang laban. Ibig sabihin, sa second round ay tatlo lamang ang opisyal nating manlalaro na makakakumpleto ng first window laban sa limang team —ang Iran, Kazakhstan, Qatar, Japan at laban sa Australia.  Sa sitwasyong ito, lalagpak ang pangarap natin para makalahok sa championship round na gaganapin sa China sa 2019, kung sakaling makakalusot tayo sa 2nd round ngayong taon.

SBP tuliro, PBA to the rescue

Matindi na nga ang labanan sa ikalawang round, mas lalo pang pinatindi ng pagkakasuspinde ng mga basketbolista natin. Malagasan ka na ng isa hanggang dalawang player sa klase ng torneong ito ay malaki na ang suliranin ng isang team, gaano pa kaya kahirap ang malagasan ka ng walo hanggang 10 manlalaro sa gitna ng torneo?

Enter the Philippine Basketball Association (PBA).  Mabuti na lamang at nagbago ang panuntunan ng paghihiram ng mga manlalaro mula sa PBA.  Noong mga nagdaang taon, naging policy ng propesyonal na ligang ito na magpahiram lamang ang bawat koponan ng isang manlalaro para sa Gilas program (one-player-one-team policy).  At dahil sa gulong kinasangkutan ng mga manlalaro, minabuti ng pamunuan ng PBA sa pangununguna ni PBA Commissioner Willie Marcial at mga board of governors ng mga koponan na baguhin ang panuntunan ng player-lending at tulungan ang Gilas program.  Ayon sa bagong policy, open na ang bawat team na magpahiram na kahit na ilang players sa team Gilas para mapunuan ang lakas na nawala dahil sa sinuspinding mga manlalaro.

“Kalimutan na ang one-player-one-team policy,” ani Al Chua, Sports Director ng San Miguel Corporation.  Kung kinakailangan ipahiram ang lahat ng players ng SMC group, gagawin aniya.  Ito naman ay positibong inaksyunan ni PBA Commissioner Marcial at pinalitan ang dating polisiya ukol sa player-lending.

Sinu-sino kaya ang maaaring sumaklolo alang-alang sa ating bansa, sa mga kababayan natin, sa mga kapwa players nila?  Base sa aming analysis, opinion ng mga eksperto, taga-PBA, mga basketball aficionados at sa survey naming ginawa noong mga nakaraang linggo, may nabuo kaming listahan ng piling manlalaro na ang kombinasyon ay maaaring maging panapat sa mga mawawalang players at magpapahirap sa mga makakalaban natin.

Bilis sa backcourt, galing sa diskarte

Sa pagkakasuspinde ng 3 laro sa playmakers at shooters na sina Terrence Romeo at main man Jayson Castro, pilay agad ang Gilas.  Si LA Tenorio ng Barangay Ginebra ay mainam na pamalit kasabay ni Stanley Pringle ng Globalport.  Si LA ay beterano na rin ng maraming international tourney, dedicated at hustle player.  Alam nang nakakarami ang puso nito pagdating sa paglalaro.  Mabilis din tulad ni Castro at mataas ang IQ sa paglalaro.  Si Pringle naman ay isang malupit na one-on-one player, deadly sa open court at sa 3-point arc.  Pamilyar na rin ito sa laro sa labas ng bansa.  Subalit sa kasalukuyan, may sabit pa ito sa eligibility niyang maglaro sa FIBA.  Ang mainam na pamalit?  Enter Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.  May guard-shooter ka na, may rebounder ka pa.  ‘San ka pa?  Bihira ang talent na ganito.  Pinaka-mainam rin na kapalit ni Abueva dahil sa maraming pinapahiyang matatangkad pagdating sa rebounding.

Pilay sa ilalim, depensang pangmalalaki

Sa suspensyon ng mga big men n sina Troy Rosario, Japeth Aguilar at Andre Blatche ng ilang laro, maaari naman maibsan ang kawalan ng towering enforcer sa loob sa paggamit kay Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Ian Sanggalang ng Magnolia.  Hindi naman mawawala sa kampanya si June Mar Fajardo, kaya maaaring magkatulungan ang kombinasyong ito sa loob.  Ang mga wingmen naman tulad nila Raymond Almazan ng Rain or Shine at Arwind Santos ng San Miguel Beer na parehong mahaba ang galamay, magaling magbantay at may shooting sa labas ay  malaki ang maitutulong kina mainstays Fajardo at Gabe Norwood.  Sa pagkakaroon ng Slaughter sa loob, maaaring mag-slide bilang forward-center si Fajardo at batuhan ng bola para sa tres sina Almazan at Santos sa kanan at kaliwa.

Deadly shooter sa labas

Ito naman ang maaaring dalhin sa team Gilas nila Marcio Lassiter ng San Miguel Beer at Jeff Chan ng Barangay Ginebra, pamalit sa nasuspindeng Matthew Wright at Jio Jalalon.  Iba ang dimension na madadala ng dalawang quick-release shooter na ito na pumupukol ng kabi-kabilang tres, na siya namang isa sa pinaka-mahalagang arsenal sa international competition.

“We just have to continue to fight and play. We can’t give up.”  Sabi ni Samahang Basketbolista ng Pilipinas president Al Panlilio.  Kung nagawang parusahan ng FIBA ang mga nagkasalang players, sigurado may paraan tayo para maresolba ang problemang ito at makalaban nang patas ang Gilas sa ikalawang round.”  Mabuti na lamang at gumawa ng hakbang ang PBA at sumaklolo

Slider Sports Ticker Al Chua Andray Blatche Andre Blatche Arwind Santos Australia Barangay Ginebra Carl Bryan Cruz China Edmund C. Gallanosa FIBA Gabe Norwood Greg Slaughter Ian Sanggalang Iran Japan Japeth Aguilar Jayson Castro Jeff Chan Jio Jalalon June Mar Fajardo Kazakhstan Magnolia Marcio Lassiter Matthew Wright PBA Commissioner Marcial PINAS Qatar Rain or Shine Raymond Almazan RR Pogoy San Miguel Beer SBP President Al Panlilio Terrence Romeo Troy Rosario

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.