TROY GOMEZ
NAGBABALA kamakailan si US Pres Donald Trump na handa itong targetin ang nasa 52 Iranian sites kapag bumwelta ang Tehran sa pagkamatay ng kanilang top military commander.
Nagbanta ang Iran ng matinding paghihiganti matapos nasawi si Iranian Maj. General Qasem Soleimani noong kamakailan sa isinagawang targeted drone strike ng US sa Baghdad International Airport na ikinasawi ng hindi bababa sa pitong katao.
Ayon kay Trump ay isinagawa ang targeted assassination laban kay Soleimani na mastermind umano sa sunod-sunod na pag-atake ng ilang US assets sa Iraq na kagagawan ng mga militanteng grupo na suportado ng Iran.
Sumisimbolo naman ang 52 Iranian sites sa 52 Amerikano na hinostage ng Iran ng mahigit isang taon mula sa US Embassy sa Tehran noong taong 1979.
Nagpadala na rin ang Amerika ng karagdagang 3,000 US troops sa Middle East at pinayuhan ang US citizens na agarang umalis sa Iraq.