MELROSE MANUEL
MULING magtatanghal sa bansa ang Canadian-American rock star na si Alanis Morissette sa darating na Abril.
Ayon sa concert producer, ang concert ay bahagi ng 25th Anniversary celebration ni Morissette para sa kanyang “Jagged Little Pill” album.
Gaganapin ang pangalawang concert sa bansa ng Seven-Time Grammy winner sa April 6 sa MOA Arena.
Kabilang sa hit alternative-rock songs ni Morissette ay ang “Ironic,” “Hand In My Pocket,” “Head Over Feet,” “Thank You,” “You Oughta Know,” at “You Learn.”
Magugunita na unang nagtanghal sa Pilipinas ang 45-year old singer noong 1996.