BAYAN MUNA Rep. Isagani Carlos Zarate
MJ MONDEJAR
NANINDIGAN ang Makabayan Bloc sa Kamara na labag sa Konstitusyon ang loan agreement para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam at Chico River Pump Irrigation mula Quezon hanggang Tanay, Rizal.
Hinamon ng grupo ang gobiyerno na patunayang hindi lugi ang mga Filipino sa pinasok nitong kontrata para sa naturang proyekto na nagkalahaga ng P12.20 bilyong piso.
Tinukoy ni Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate ang ilang iligal na probisyon na nakapaloob sa kasunduan na pawang alinsunod sa batas ng China.
Kinontra din ni Zarate ang pahayag ng Metropolitan Waterworks Sewerage System na ang pagtatayo ng Kaliwa Dam ang solusyon para maiwasan ang panibagong krisis sa tubig na tutugon sa malaking pagkukulang ng Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila.
Binira rin ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang confidentiality clause sa Kaliwa Dam Project.
Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na malinaw na diskriminasyon sa mga katutubo ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.