ADMAR VILANDO
Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domogoso sa senado na bumuo ng batas na magpapataw sa mga opisyal ng barangay na mahuhuling lumalabag sa batas o hindi gumagawa ng kanilang tungkulin.
Kasunod ito sa direktiba ng DILG sa mga alkalde na papanagutin ang sinumang opisyal na hindi sumusunod sa kautusan na linisin ang mga kalsada at bangketa sa kanilang nasasakupan.
Inirekomenda ni Moreno na agad na masuspende o matanggal sa puwesto ang sinumang barangay chairman at mga hepe ng pulisya sa unang paglabag pa lang.
Naniniwala ang alkalde na marami sa mga kapulisan at barangay chairman sa Manila ang tumatanggap ng lagay para makalusot ang mga illegal parking at vendors sa lungsod.