ITINANGHAL bilang “highest paid actor” ng Forbes magazine ang aktor na si Dwayne “The Rock” Johnson.
Batay sa datos ng Forbes, kumita ng kabuuang $89.4 million si The Rock mula June 2018 hanggang June 2019.
Ayon sa sikat na business magazine, mayorya ng kinita ng “Jumanji” star ay mula sa kaniyang sweldo na 700,000 dollars kada episode sa pinagbibidahang HBO series na “Ballers.”
Gayundin ang mga royalties na kaniyang nakuha mula sa kaniyang collaboration sa under Armour na damit, sapatos at headphones.
Magugunitang noong nakaraang taon ay pumangalawa lamang si Dwayne sa aktor na si George Clooney na kumita ng malaki mula sa kaniyang Tequila company.
Pumangalawa naman ngayong taon ang star ng highest grossing film na avengers na si Chris Hemsworth na gumanap bilang Thor na may kabuuang kita na 76.4 million dollars pangatlo ang ironman star na si Robert Downey Jr. na mayroong kita na 66 million dollars.
Pasok din sa top 5 sina Ashay Kumar na mayroong 65 million dollars at Jackie Chan na mayroong 58 million dollars.