JAME LUIS
HINDI bababa sa sampung katao ang patay sa Ethiopian Festival matapos masira at bumagsak ang kanilang tinuntunan sa isang kasiyahan sa Ethiopia.
Naganap ang insidente sa loob ng Emperor Fasilides Bath kung saan ilang libong katao ang dumalo sa Baptism of Jesus o tinawag na Timkat Festival sa Gondar.
Nabatid na hindi bababa sa labinlimang libong katao ang dumalo sa nasabing kasiyahan.
Agad namang itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatang biktima habang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.