PINALAKI na ng Magnolia Hotshots sa lima ang kanilang sunod-sunod na panalo makaraang matalo ang Meralco Bolts (99-88) sa 2019 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa MVA City Coliseum sa Zamboanga City kamakailan.
Nanguna sa Hotshots si Marc Barroca na kumubra ng team-high na 21 points at 7 assists, samantalang nakakuha naman ng 4 na 3-points si Paul Lee upang magtapos na may 18 markers.
Hindi rin nagpahuli si import James Farr na mayroong double-double na 19 points at 17 rebounds.
Itinala ng Magnolia ang 5-2 kartada upang umusog palapit sa top two slots na okupado ng TNT (7-1) at NorthPort (7-2).