Pinas News
TAGUMPAY ang 3rd Antipolo Tourism Fair na may temang “Explore Antipolo: The Pilgrimage City on the Mountains” na ginanap sa Robinsons Place Antipolo kamakailan, sa pangunguna ng pamahalaang lunsod, sa layuning lalo pang iangat ang turismo at hikayatin ang mga turistang tangkilikin ang mga establisimiyento at produkto ng lunsod.
“Ang nais po ng ating Antipolo Mayor Jun Ynares, kaisa ng mga lingkod-bayan ay makilala rin ang iba’t ibang establisimiyento sa lunsod dahil marami pa pong magagandang tourist spots dito bukod sa dinarayong simbahan ng Our Lady of Peace and Good Voyage at ang pinagandang Hinulugang Taktak. Nais po naming ipakilala sa inyo ang magagandang tanawin, masasarap na kai nan at ipinagmamalaking mga produktong tatak-Antipolo tulad ng suman, mangga at kasoy,” sabi ni Konsehal Lemuel Zapanta.
Pinangunahan ng Department of Tourism (DOT)
Pinangunahan nina Konsehal Zapanta at Chief Division Department of Tourism (DOT) Region IV-A Marites Castro kasama sina Robinsons Place Antipolo Mall Manager Mary Grace Esteban, Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Officer (AnCCATPO) Mar Bacani, Board Member Joel Huertas ng Unang Distrito ng lalawigan, PSupt. Dennis Macalintal at ibang opisyales ng lunsod ang ribbon cutting.
Upang maipakilala ang mga establisimiyento sa lunsod ay binigyan ng sariling booth ang mga ito sa paligid ng activity center. Tampok ang Antipolo Star Resort, Bienvenido Tours, Bosay Resort, Boso-Boso Highlands, Callospa and Resort, Cloud 9, Cristina Villas Mountain Resort, Eutonia Spa, Femar Garden Resort, The Garden Hive Events Place, Jamesville Resort, Jardin de Miramar, La Salle Antipolo, Le Blanc, Loreland Farm Resort, Madriaga Catering, Marison’s Cuisine, Phillip’s Sanctuary, Yellow Lantern Café, Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI), ARTipulo City Art Group, Association of Rizal Tourism Related Establishments (ARTS) Incorporated, Rizal Travel Agencies Association, Inc. (RTAA) at Antipolo City Tourism-Council (ACT-C).