DATING Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representatives Janet Garin
MJ MONDEJAR
NAIS ngayon ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Representatives Janet Garin na makipag-ayos kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at kay PAO forensics head Dr. Erwin Efre na nakaalitan nito sa issue ng Dengvaxia vaccine.
Punto ni Garin, nakabase ang kaniyang mga pahayag sa siyensa habang magkaiba naman ang pananaw ng PAO sa kontrobersyal na bakuna dahilan kung bakit umabot sa kasuhan ang sitwasyon.
Matatandaan na kinasuhan ng PAO ang mga dating opisyal ng Department of Health kasama si Garin dahil sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng nabanggit na bakuna.