• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Japan

Ang Abandonandong Disneyland ng Pilipinas

May 27, 2019 by PINAS

MALA-KASTILYO ang tinaguriang Disneyland ng Pilipinas na matatagpuan sa Lemery, Batangas.

 

Ni: Crysalie Montalbo

SINO nga ba ang hindi nangarap na makaapak sa Hongkong Disneyland na tinaguriang ‘World’s Happiest Place’.

Bata man o matanda nangangarap na marating ang sikat na pasyalan na ito sa Hong Kong. Subalit ang dami pang kakaila­nganin bago ka makatuntong sa Hong Kong. Kaya siguro napapaisip ka na sana’y mas malapit na lang ito sa atin. O di kaya nama’y sana ay mayroon din tayong tulad nito.

Ang pangarap ay maaari ring maging katotohanan. Sa katunayan ang istorya ng isang palasyo ay buo na dito mismo sa ating bansa. Ngunit sa nakakalungkot na mga pangyayari, tila hanggang doon na lang muna ang kasaysayang ito.

Mula Maynila ay maglalakbay ka ng apat na oras para makarating sa Fantasy Land sa Lemery, Batangas, ang tinaguriang “Abandonadong Disneyland ng Pilipinas.”

Pinangarap ng karamihan ang magkaroon ng sariling Disneyland ang bansang ito kaya napakaganda ang alamat ng pag-usbong ng malapantas­yang palasyo na ito. Subalit, sa ‘di inaasahan ay nagtapos agad ang kwento.

Hindi na itinuloy ang Fantasy Land sa kadahilanang hindi sapat ang pondo na nailaan para dito. Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ito ng isang asosasyon at walang problema para sa mga turistang gustong pumunta dito. Sa hala­gang P1,000, sa bilang na sampung tao, ay malilibot mo na ang destinasyong ito at sulit na sulit na.

Di katulad ng mga abandonadong peryahan sa Japan, maayos pa rin ang pasilidad sa Fantasy Land. Hindi man gumagana ang mga rides ay maganda pa rin ito bilang atraksyon.

Kaya, hindi mo man lubos na maisasabuhay ang iyong Disneyland fantasies, buong galak na pasyalan mo ang Fantasy Land sa Lemery, ang maituturing na ring Disneyland ng Pilipinas, at makibahagi sa kasiya­hang dulot nito.

Environment Slider Batangas Crysalie Montalbo Disneyland Fantasy Land Hong Kong Japan PINAS

Ang pagsikat ng women’s volleyball sa Pilipinas: Isang pagbabalik-tanaw

April 16, 2019 by Pinas News

`

Ni: Dennis Blanco

ANG larong volleyball ay isa sa mga pinakasikat na laro ngayon sa Pilipinas lalong-lalo na sa mga kababaihan, ano man ang kanilang edad at katayuan sa lipunan. Kaya’t di maikakaila na ito ay humahanay na sa larong basketball kung ang pagbabatayan ay ang dami ng mga nanonood at tagasubaybay nito. Nandiyan na rin ang mga nagsusulputang mga amateur collegiate volleyball leagues tulad ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP), at ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) at ang mga semi-professional leagues gaya ng Philipppine Volleyball League (PVL) at ang Philippine SuperLiga (PSL) na nagsisilbing plataporma para sa mga manlalarong kababaihan ng volleyball na ipakita ang kanilang husay sa paglalaro ng Volleyball.

Ang larong volleyball ay naimbento ni William G. Morgan noong 1895 sa Young Men’s Christian Association (YMCA) sa Holyoke, Massachusetts at mabilis na lumaganap bilang isa sa pinaka-popular na sport sa buong mundo. Sa Pilipinas, ito ay pinakilala ni Elwood S. Brown isang physical director sa YMCA.

Nagsimula itong laruin bilang backyard sport at nang lumaon ay nilalaro na sa mga buhanginan ng dalampasigan. Kinailangan nilang magtayo ng dalawang puno ng niyog na nagsisilbing magkabilang poste na kung saan ang net ay isinasampay. Ang volleyball ay nilalaro ng isa laban sa isa, isa laban sa lima o isa laban sa sampu (Philippine Volleybal Federation, 2016).

Ang Pilipinas ang isa sa mga unang bansa na naglaro ng volleyball noong 1920s at 1930s nang dalhin ito ng mga Amerikano dito sa atin kasama ng basketball at (McDougal, 2011).

Matatandaan na bago pa man tayo naging mahilig sa basketball, ay nauna muna ang hilig natin sa paglalaro ng volleyball.  Malaki din ang naging impluwensiya ng Pilipinas sa paglalaro nito. Halimbawa, ang tinatawag ngayong “spike” ay nagmula sa imbensiyon ng mga Pilipino noon na tinawag na “bomba” na nagpabago sa laro ng volleball na ginawa sa Amerika pero na-revolutionize sa Pilipinas (Frank, 2003).

Sa ngayon, sila Alyssa Valdez, Mika Reyes, Myla Pablo, Jaja Santiago, Rachel Daquis at Isa Molde ay mga household names na rin katulad ng ibang sikat na basketball players sa Philippine Basketball Association (PBA). Subalit bago pa man ang kanilang pagsikat, ay mayroon ng Liz Masakayon na itinuturing na isa sa pinakamagaling na babaeng manlalaro ng volleyball na nagmula sa Pilipinas. Bagama’t siya ay isang Fil-American, ipinanganak siya sa Pilipinong magulang sa Quezon City. Bagamat hindi siya nakapaglaro sa pambansang koponan ng Pilipinas, siya ay naging miyembro ng 1984 United States Olympic Team. Dati rin siyang nakapaglaro sa University of California in Los Angeles (UCLA) at hinirang na Female Athlete of the Year ng nasabing pamantasan (Franks, 2010).

Sa kasalukuyan, ay nangangailangan pa ng mas madaming Liz Masakayon para magwagi sa mga regional competition kalaban ang mga malalakas na koponan tulad ng China, Japan, South Korea at Thailand, ganun na rin sa international competition na kung saan tayo ay makikipagsabayan sa mga pinakamagagaling na bansa sa mundo sa larangan ng volleyball tulad ng United States, Russia, Brazil at Cuba.

Opinyon Slider Ticker Alyssa Valdez brazil China Cuba Dennis Blanco Isa Molde Jaja Santiago Japan Liz Masakayon Mika Reyes Myla Pablo National Collegiate Athletic Association (NCAA) Philippine Basketball Association (PBA) Philippine SuperLiga (PSL) Philipppine Volleyball League (PVL) PINAS Rachel Daquis Russia South Korea Thailand United States Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) University of California in Los Angeles (UCLA) William G. Morgan Young Men’s Christian Association (YMCA)

Laban kontra terorismo, di aatrasan ng Duterte admin 

March 25, 2019 by Pinas News

ALERTO 24 oras na nagbabantay sa mga karagatan ng bansa ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard laban sa banta ng terorismo.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig 

Isa ang terorismo sa mga isyu na matagal nang kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas. Ang paghahasik ng kaguluhan ng iba’t-ibang mga bandido, communist, at extremist groups ay talaga namang nakakahadlang sa peace situation, bagay na mahalaga para sa mga investors na gustong mamuhunan sa bansa.

Batay sa Global Terrorism Index report na inilabas ng Institute for Economics & Peace (IEP), nasa pang-sampung pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng terorismo noong 2018; kabilang ang Nigeria, Afghanistan, Syria, Pakistan, Somalia, India,Yemen, Egypt, Congo, Turkey, Libya, South Sudan, Central African Republic, Cameroon, Thailand, Kenya, Sudan, U.S., Ukraine, Mali, at Niger.

Siniguro naman ng Malacañang na seryoso ang pamahalaan sa paglutas sa banta ng terorismo at patuloy pang pinapalakas ang kakayahan ng militar at pulisya upang labanan ang mga pwersang naghahasik ng karahasan sa lipunan.

TINIYAK ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na seryoso ang Duterte administration sa pagsupil sa pwersa ng terorismo sa bansa.

 

“As one would expect, we are not taking terrorism lightly. Our goal is to totally eradicate rebellion by crushing it as well as providing better services and opportunities for all to achieve a state where there would no longer need for any uprising or armed struggle,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, kasalukuyan pa ring umiiral ang martial law sa Mindanao matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 216 bunsod ng paglusob ng Islamic State-inspired Maute group sa lungsod ng Marawi noong 2017. Ayon kay Panelo ang extension ng martial law sa rehiyon ay dahil sa patuloy na banta sa seguridad ng publiko, bagay na suportado naman ng maraming Pilipino.

Ilan pa sa anti-terrorism steps ng  Pangulong Duterte ay ang pag-isyu ng Memorandum Order No.32, na nagpapalakas sa guidelines ng miltar at pulisya sa pagsugpo sa karahasan, at ang pagpapatupad ng Executive Order No.70, na nagtatakda sa pagbuo ng isang national task force para lutasin ang problema sa local communists at insurgencies.

PINAPAYUHAN ng mga government authorities ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet upang maiwasang ma-brainwash ang mga ito ng mga extremist groups.

 

PAGBIBIGAY PRIORITY SA PANGANGAILANGAN NG PNP AT AFP

Patuloy ang modernization programs ng Duterte administration sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang makasabay sa lumalakas din na kakayahan ng mga terrorist groups sa loob at labas ng bansa.

Kamakailan, inanunsyo ni PNP chief, General Oscar Albayalde ang pagbili ng pulisya sa mga motorized patrol boats at pag-recruit ng karagdagang tauhan para sa maritime operations ng PNP, nagbabantay sa mga borders mula sa pagpuslit ng mga bawal na gamot at pagpasok ng mga terorista.

“We are modernizing our maritime group. We have procurement last year and there will be a portion of our 2019 budget that will be allocated for the capability enhancement,” wika ni Albayalde.

Ayon naman kay Brigadier General Rodelion Jocson ng PNP Maritime Group, dumating na ang pito sa 28 gunboats na naaprubahan noong nakaraang taon at inaasahan ang pagdating ang nalalabi pang gunboats ngayong taon. Oorder din umano ang PNP Maritime Group ng karagdagan pang 18 gunboats at drones ngayong 2019.

Samantala, pinapalakas din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kakayahan nito gamit ang PHP1.320 bilyon na pondong inilaan para sa pagbili ng speed boats mula sa U.S.

Apat sa 38-meter response boats ang paparating na sa bansa ngayong taon, na may bilis na 40 knots, na kayang habulin ang mga terorista at pirata sa mga karagatan ng Mindanao.  Inaasahan na din umanong makukumpleto na ngayong taon ang 40 units ng 33-footer boats na kanilang inorder mula sa mga local shipbuilders.

Patuloy din ang natatanggap na suporta ng Pilipinas mula sa mga malalaking bansa na kaalyado nito tulad ng U.S. na nag-pledge ng PHP300 milyong ayuda para paigtingin ang intelligence operations laban sa extremist groups. Nagpahayag din ng suporta ang France, Russia, Japan, at China sa kampanya ng Pilipinas kontra terorismo.

“Terrorism knows no boundaries, politics, religion and creed. It is the new evil in the world that strikes at every country and every continent and all member-nations of the United Nations really should help and cooperate with each other to combat and crush terrorism,” wika ni Panelo.

MANATILING ALERTO SA ISIS

Habang isinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang sinasagupa ng US-backed Syrian Democratic Forces (SDF) ang nalalabing caliphate ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa isang village sa Baghouz. Sa loob ng ilang araw ng paglusob ng SDF at coalition warplanes, matagumpay nilang napasuko ang mahigit 4,000 na ISIS fighters kasama ang kanilang mga pamilya.

Dahil dito, natatanaw ng ilan ang nalalapit na pagguho ng naturang kampo ng mga extremist, na minsa’y naging singlawak ng Britain.

Subali’t kung natitibag na ang pwersa ng IS sa middle east, kasalukuyan din namang umuusbong ang panibagong pwersa nito sa ibang panig ng mundo. At ayon sa mga ulat, ito’y sa Mindanao.

Taong 2016 nang magsimula ang malawakang recruitment ng ISIS sa Mindanao sa pamamagitan ng online videos at marami-rami umano silang nahikayat sa loob at labas ng bansa. Taong 2017, ang mga militanteng sumanib sa IS na Maute Group ang lumusob sa Marawi, kung saan nakita rin na mayroong mga foreigners sa kanilang hanay. Matapos ang mahigit limang buwang bakbakan na kumitil sa buhay ng 900 insurgents, nagtagumpay ang pwersa ng pamahalaan ng Pilipinas. Nguni’t naniniwala ang ilan na reresbak pa ang IS sa bansa.

Nitong Enero, ginimbal ng kambal na pambobomba ang Jolo, Sulu, na kilalang balwarte ng Abu Sayyaf terrorist group, na sinasabing sumapi na rin sa IS. Mahigit 20 katao ang nasawi at marami ang sugatan sa naturang pagsabog.

Naunang inako ng ISIS ang naturang twin blasts. Nguni’t tinukoy ng pamahalaan na ang bandidong Abu Sayyaf ang may kagagawan.

Ayon kay Rommel Banlaoi, chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism Research, maraming financial resources ang IS at patuloy ang pagrecruit nila ng fighters.

“ISIS is the most complicated, evolving problem for the Philippines today, and we should not pretend that it doesn’t exist because we don’t want it to exist,” babala ni Banlaoi.

WAR ON TERRORISM, NAGSISIMULA SA TAHANAN

Sinabi naman ni Sidney Jones, director ng Institute for Policy Analysis of Conflict na nakabase sa Indonesia, tinatarget ng ISIS ang mga kabataan na gawing recruits.

 “The government didn’t recognize its strength in attracting everyone from university-educated students to Abu Sayyaf kids in the jungle. Whatever happens to the pro-ISIS coalition in Mindanao, it has left behind the idea of an Islamic state as a desirable alternative to corrupt democracy,” aniya.

Kaya naman pinapayuhan ng isang socio-anthropology professor sa Philippine Military Academy (PMA) ang mga magulang na bantayang mabuti ang kan

ilang mga anak sa social media. Ayon kay Capt. Sherhanna Paiso, military science professor at chief ng education branch ng PMA, mahalagang malaman ng mga magulang kung sino-sino ang kausap ng kanilang mga anak sa social media gayon din ang mga tanda kung ang kanilang anak ay nahawahan ng radicalization, na ipinanghihikayat ng mga extremist groups sa mga menor de edad na may kakulangan pa sa critical thinking skills.

Aniya, kapag pinalitan ng isang bata ang kanyang profile picture na nakasuot ito ng maskara ng ISIS o ISIS flag, ibig sabihin ay naimpluwensyahan na ito ng radicalization.

“If you are in a group the promotes violence, there is a tendency for you also to become violent individual. Remember, prevention is always better than cure,” wika ni Paiso.

Payo din ng military prof na iwasan ang pag-stereotype sa mga Muslims bilang “terrorists” at “bombers” para maiwasang mahikayat ang mga Muslim youth na sumapi sa mga grupong nagpapasimuno ng karahasan.

Pambansa Slider Ticker Armed Forces of the Philippines (AFP) Britain Capt. Sherhanna Paiso China esidential Spokesman Salvador Panelo France Institute for Economics & Peace (IEP) ISIS Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) Japan Mindanao Pangulong Rodrigo Duterte Philippine Coast Guard (PCG) Philippine Military Academy (PMA) Philippine National Police (PNP) Quincy Joel Cahilig Russia Syrian Democratic Forces (SDF)

Pinay triathlete, maglalaro sa FWD North Pole Marathon

March 22, 2019 by Pinas News

triathlete

 Pinas News

IBABANDERA ng Pinay triathlete na si Joyette Jopson ang Gilas at galing ng mga Filipino pagdating sa triathlon sa nalalapit na FWD North Pole Marathon.

Lalahok ang 39-year-old Pinay sa makokonsiderang World’s Coolest Marathon kung saan kakarera sila sa 89° latitude north sa April 19.

Makakaranas naman ang lahat ng FWD participants ng -30° centigrade habang binabagtas ang nasa anim hanggang labindalawang talampakan ng yelo sa ibabaw ng nasa 12,000 feet ng Arctic Ocean.

Kasama naman ni Jopson na kakarera sa marathon ay ang bansang Hong Kong, Japan, Vietnam, at Thailand.

Sa ngayon ay hawak-hawak ng seasoned triathlete na si Joyette Jopson ang tatlong iron man 70.3 titles.

Slider Sports Ticker Japan ong Kong PINAS Pinay triathlete maglalaro sa FWD North Pole Marathon Thailand Vietnam World’s Coolest Marathon

Philippine Malditas: Dibdiban ang laban para sa bayan

November 27, 2018 by Pinas News

SA kabila ng mga pagkabigo, tuloy pa rin ang laban ng Philippine Women’s National Football Team sa pagkamit ng inaasam-asam na FIFA World Cup spot.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

Pagdating sa sports, hinding-hindi magpapahuli ang atletang Pinoy na humuhugot ng galing at tibay mula sa pusong determinadong manalo.

Maliban sa boxing at basketball, nakikilala na rin ang mga pambato ng ating bansa sa larangan ng football. Kamakailan, ipinamalas ng Philippine Women’s National Football team na hindi lamang ang kanilang husay, kundi maging ang kanilang pagnanais na mailagay sa mapa ng football ang Pilipinas  nang makapasok ang koponan sa ikalawang round ng 2020 women’s Olympic football qualifiers na ginanap sa Hisor Central Stadium sa Tajikistan kamakailan.

Ang Philippines Women’s National Team, na kilala din sa bansag na “Philippine Malditas” ay binubuo ng mga manlalaro mula sa Philippine Football Federation tournament at University Athletic Association of the Philippines na sina  Inna Kristianne Palacios,  (Green Archers United FC); Nicole Julliane Reyes Reyes  (University of Santo Tomas); Ivy Lopez   (University of Santo Tomas) ; Hannah Faith Pachejo (Far Eastern University); Hali Moriah Long  (Green Archers United FC); Analou Amita (OutKast FC); Kathleen Camille Rodriguez (Hiraya FC); Alesa Dolino (OutKast FC); Irish Navaja  (De La Salle University); Shelah Mae Cadag (University of Santo Tomas); Hazel Lustan  (University of Santo Tomas); Sara Isobel Castañeda (De La Salle University); Patricia Tomanon (Florida International University);Mea Bernal (OutKast FC); Martie Cinelle Bautista (Ateneo de Manila University; Charisa Marie Lemoran  (University of Santo Tomas); Kyla Jan Inquig (Green Archers United FC); Kimberly Parina (Far Eastern University); Patrice Impelido (Hiraya FC); at Alisha Clare Del Campo (De La Salle University). Ang kanilang headcoach ay si Marnelli Dimzon, kasama ang mga assistant coach na sina Gerald Orcullo at Melo Sabacan, at Team Trainer Prescila Rubio.

Kasama ng koponan sa mga nakapasok sa susunod na round ang Chinese-Taipei, Hong Kong, Jordan, at Iran. Bahagi ito ng kanilang laban para sa pagkakataong makalahok sa 2020 Summer Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng ating Pinay football heroines ang second round ng qualifiers na gaganapin sa Abril 2019.

SINORPRESA ng Philippine Women’s National Football Team ang host country na Jordan sa 2018 Asian Football Confederation Women’s Asian Cup.

CINDERELLA JOURNEY

Bagama’t hindi pa maituturing na isang lubos na tagumpay ang pagkakapasok ng Malditas sa second round ng Olympic qualifiers, masasabi naman na isa itong achievement para sa Philippine Football. At kung titignan ang journey ng koponan, nararapat lamang na hangaan ang ating mga manlalaro dahil sa pagpupursigi na makapagdala ng karangalan sa ating bansa,  lalo na’t sa madalas na pagkakataon, ang women’s  national team ng Pinas ay itinuturing na underdog sa mga tournament.

Nagsimula ang misyon ng Malditas na isakatuparan ang matagal nang pangarap na makalahok sa 2019 FIFA Women’s World Cup nang makasali sila sa 2018 Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup sa Jordan.

Bahagi ng paghahanda ng koponan, isinailalim ang mga atleta sa Project Jordan. Sa ilalim ng programang ito, kinuha ng PFF ang US-based coach na si Richard Boon at nag-training sa US ang mga atleta sa loob ng tatlong buwan at sa Osaka, Japan ng isang linggo.

“It’s the most important tournament of all our careers,” sabi ni Fil-Canadian Jesse Shug, na kasama sa line-up ng koponang sumabak sa naturang tournament. “It’s our chance to make history not only for this team but for women’s soccer as a whole in the Philippines.”

Subali’t sa kabila ng mga paghahanda at magandang performance na ipinakita ng Malditas, na-eliminate ang mga pambato ng bansa sa AFC Women’s Asian Cup, nang sila ay talunin ng Thailand.  Brokenhearted din ang national team sa Asian Football Federation Women’s Championship nitong Hulyo sa Indonesia, nang sila ay pinaluhod ng Vietnam sa semis race.

Gayon pa man, hindi pa rin sumusuko ang Malditas sa kanilang laban para matupad ang pangarap sa kabila ng mga kabiguan. Sa kanilang pagpasok sa second round ng 2020 Tokyo Olympics qualifiers, nananatiling buhay  pa rin ang kanilang pag-asa na makapag-uwi ng malaking karangalan para sa bayan.

MVP SPORTS FOUNDATION KAAGAPAY NG MALDITAS

Samantala, malaki ang pasasalamat ng Philippine Football Federation sa suportang patuloy na natatanggap ng mga football players ng bansa mula sa MVP Sports Foundation (MVPSF)

Ang MVPSF ay isang privately-funded foundation na kabilang sa MVP Group of companies ng tycoon na si Manny V. Pangilinan. Layunin nito na bigyan ng suportang financial at technical ang mga sports programs ng bansa upang lalo pang pag-husayin ang mga atletang Pinoy.

Nagbigay pasasalamat si PFF General Secretary Atty. Edwin Gastanes ang Foundation sa malaking suporta ng MVPSF sa Philippine Malditas sa pagsali ng koponan sa mga tournament.

“We are thankful that the MVP Sports Foundation has decided to support the Philippines Women’s National Team. Women’s football in the country is growing and many, including football stakeholders appreciate this kind of support,” wika ni Gastanes.

Ipinahayag naman ni MVPSF President Al Panlilio na walang sawang tutulong ang kanilang organisasyon sa mga atletang Pinoy sa kanilang paghahanda sa susunod na Olympics.

“As a private entity on a mission driven by pure love and passion and with our battle cry ‘puso,’ MVPSF seeks to further provide support to our athletes, especially as the country prepares for the 2020 Tokyo Olympics,” aniya.

Slider Sports Ticker 2018 Asian Football Confederation (AFC) Chinese-Taipei FIFA Women's World Cup Hong Kong Iran Japan Jordan MVP Sports Foundation (MVPSF) MVPSF President Al Panlilio PFF General Secretary Atty. Edwin Gastanes Philippine Malditas PINAS Quincy Joel Cahilig Richard Boon Tokyo

Pinas, ‘di uurong sa terorismo

October 29, 2018 by Pinas News

terorismo
Sanib-pwersa ang Philippine at Australian navies sa 5th Maritime Training Activity na ginanap sa Naval Station Apolinario Jalandoon sa Puerto Princesa City.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

ISANG taon na ang nakalipas buhat nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang terrorist influence sa Marawi City pagkatapos ng bakbakan ng puwersa ng pamahalaan at ng teroristang grupong Maute-IS.

Ang limang buwang giyera ay humantong sa malawakang pagkawasak ng siyudad, pagkasira ng mga kabuhayan, at pagkaulila ng daan-daang mga pamilya.

Matapos ang Marawi siege, isang bagay ang naging malinaw sa lahat- di biro ang banta ng Islamic State (IS) sa bansa.

Bagama’t umiiral ang martial law sa Mindanao, mayroon pa ring mga karahasang nagaganap sa iba’t-ibang panig ng rehiyon at patuloy pa rin ang manaka-nakang pag-atake ng mga rebelde.

Batay sa report, nagtutungo sa Pilipinas ang mga dayuhang IS fighters mula Syria, Iraq, at Indonesia upang mag-recruit ng mga bagong miyembro sa kanilang organisasyon.

Ayon kay Al Haj Murad Ebrahim, chairman ng Moro Islamic Liberation Front, nagre-recruit ang mga dayuhang terorista sa mga Muslim communities ng kanilang bagong mga kasapi para maipagpatuloy ang hangaring makapagtatag ng isang Caliphate sa Mindanao.

“These extremists are going into madrasas, teaching young Muslims their own version of the Koran, and some enter local universities to influence students, planting the seeds of hatred and violence,” wika ni Ebrahim.

Dahil dito, lalong tumitindi ang hamon sa Armed Forces of the Phlippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagsugpo sa iba’t-ibang elemento ng terorismo mula sa iba’t-ibang panig- mga local IS sympathizers, mga bandido, at mga rebeldeng komunista.

PAMAHALAAN, DI UURONG SA LABAN

Gaya ng giyera kontra droga, pursigido si Pangulong Durterte na tuldukan ang problema ng terorismo sa Pilipinas.  Kaya naman patuloy ang suportang ibinibigay ng kasalukuyang administrasyon para mapalakas ang kakayahan ng mga sundalo at pulis, sa tulong na rin ng mga kaalyadong bansa.

Kamakailan ay nagsagawa ng isang buwang joint 5th Maritime Training Activity ang mga navy ng Pilipinas at Australian sa Naval Station Apolinario Jalandoon sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Naval Forces West deputy commander for fleet operations Capt. Carlos Sabarre, naging matagumpay ang training at bilateral patrols sa southern Palawan tungo sa pagpapalakas ng interoperability ng dalawang hukbo.

Pinalakas din umano nito ang kahandaan ng Philippine Navy na tugunan ang terrorist activities at ang banta ng kidnap-for-ransom groups sa southern borders ng Pilipinas.

Ang mga kahalintulad na hakbangin ng Pilipinas kontra terorismo ay pinuri kamakailan sa 2017 Reports of Terrorism ng US Department of State.

“The Philippines improved its counterterrorism capabilities in the face of an evolving and increasingly robust terrorist threat. The Philippine government consistently acknowledged the dangers from ISIS-affiliated terrorist groups and welcomed assistance from the United States and a range of international partners,” nakasaad sa ulat.

Ipinunto din sa report ang mga hakbang na isinasagawa ng gobyerno ng Pilipinas para labanan at mapigilan ang extremism at terrorism sa bansa, lalo na sa Mindanao.

“President Duterte identified amending the Human Security Act of 2007, the country’s principal counterterrorism legislation, as a priority in both of his State of the Nation Addresses. Efforts to revise the legislation, thereby enabling more effective investigation and prosecution of terrorism as a crime, were ongoing at the end of 2017,” nakasaad dito.

Pinuri din ng US Department of State ang pagpapaganda ng “interagency information sharing” sa mga law enforcement units sa bansa; gayon din ang paggamit ng updated x-ray technology, explosive trace detection units, at ang paggamit ng Philippine Coast Guard sa mga maritime rescue and response vessels, na donasyon ng Japan, sa pagbabantay sa seguridad sa ating mga karagatan.

Binanggit din sa report ang paglahok ng Pilipinas sa Antiterrorism Assistance program ng Department of State, kung saan tumanggap ang militar ng training, mga kagamitan para sa border security and investigations, at crisis response.

Bukod sa mga tulong mula US, Australia, at Japan, tumanggap din ng nasa P370 milyong halaga ng mga baril at bala mula sa China ang Pilipinas para sa kampanya kontra terorismo.

TULONG-TULONG SA PAGLABAN SA TERORISMO

Sa kabila ng malalaking suportang natatanggap ng pamahalaan upang labanan ang terorismo sa bansa, naniniwala ang pamunuan ng AFP at PNP na kailangan ang pakikipagtulungan ng bawa’t mamamayan para masigurong hindi maghahari ang karahasan sa ating lipunan.

“One year ago, we showed the world our bravery. Every terrorist fighter lured to Marawi by false promises and the extremist ideology of hate saw our bravery and felt our wrath,” sinabi ni AFP Chief-of-Staff, Gen. Carlito Galvez Jr. Sa kanyang talumpati sa paggunita ng unang taon ng pagtatapos ng giyera sa Marawi City na ginanap sa Kampo Ranao.

“They continue to see our fearlessness as we stand watch over our country, ever vigilant against the resurgence of terror on our shores,” dagdag niya.

Sinegundahan naman siya ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde.

“The threat of terrorism, extremism is global. We cannot avoid that so we must join hands in fighting the threats in Mindanao. There are many groups in all other parts of Mindanao. Hopefully, tension in critical parts ends with the (Bangsamoro Organic Law),” wika ni Albayalde.

Samantala, bilang pagsuporta sa laban ng gobyerno kontra terorismo, kamakailan ay nagsagawa ng rally sa Mendiola ang nasa 3,000 miyembro ng Liga Independencia Filipinas (LIF). Kanilang kinundina ang paghahasik ng karahasan at pagpapalaganap ng maling kaisipan ng IS at CPP-NPA, na gumugulo sa kapayapaan ng mga indigenous at Muslim communities.

“Mahigpit namang tinututulan ang terorismo lalo na’t inuugnay ang terorismo sa mga Muslim na walang katotohanan dahil ang Islam ay relihiyon ng kapayapaan. Ang panawagan ng pangulo ay kapayapaan sa buong bansa na aming sinusuportahan, gagabayan ng Diyos ang ating pangulo at kasama niya kaming may pananampalataya kahit saan siya magpunta,” wika ni Mufti Aleem Naquib Taher, isang Muslim scholar na kasapi ng LIF.

Pambansa Slider Ticker Al Haj Murad Ebrahim Armed Forces of the Phlippines (AFP) Australia CPP-NPA Director General Oscar Albayalde Gen. Carlito Galvez Jr Islamic State (IS) Japan Kampo Ranao Liga Independencia Filipinas (LIF) Marawi City. Pangulong Rodrigo Duterte Philippine Navy PINAS PNP chief Quincy Joel Cahilig US

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 7
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.